CHAPTER 7: PATAWAD

1176 Words
Nakamotor si Darwin papunta sa bahay nila Suzet nang masalubong niya si Reymund. Huminto siya at kinausap ito. "Bro pauwi ka na?!" Tanong ni Darwin. "Oo pre galing ako kila Suzet. Pupuntahan mo ba siya? Hindi maganda ang mood niya, parang biglang nagalit nung biniro ko na may ginawa kayong dalawa sa kwarto sa resort dahil nakita kitang lumabas dun?" Tumawa si Reymund. "Ano?" Tanging nasabi ni Darwin. Pinaandar niya yung motor at mabilis na tinungo ang bahay nila Suzet. "May something talaga sa dalawang yun!" Nasabi na lang ni Reymund sa sarili ng biglang umalis si Darwin. Habang patungo sa bahay nina Suzet ay kabado si Darwin. Iniisip ni Suzet na may nanamantala sa kanya at dahil sa sinabi ni Reymund ay alam na ni Suzet na siya ang gumawa nun. "Nasa kwarto niya... sige nak pumasok ka na lang!" Ani Aling Mildred na nanonood ng tv sa sala kasama ang Daddy at kapatid ni Suzet. "Zet! zet beb!" Panay ang katok ni Darwin sa pintuan ng kwarto ni Suzet. Naririnig ni Suzet ang mga katok ni Darwin pero ayaw niyang makita ito. Masamang masama ang loob nya kay Darwin. Nagtiwala siya kay Darwin. Ito pa ang pinagkatiwalaan niyang pagsabihan ng pangyayaring pananamantala sa kanya ng gabing yun. Naisip niyang binaboy siya ng taong pinagkatiwalaan nya. Ilang minuto ng mapagpasyahan niyang kausapin na rin ito. Gusto nyang marinig ang paliwanag nito kung bakit nito yun ginawa sa kanya. Binuksan niya ang pinto. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya ng makita si Darwin. Namumula ang mga mata ni Suzet na halatang galing sa pag iyak. Ramdam ni Darwin ang sakit na nararamdaman nito. "Beb let me expl...." Hindi naituloy ni Darwin ang sasabihin ng sampalin siya ni Suzet. "Walanghiya ka Darwin nagtiwala ako sayo binaboy mo ko hayup ka! Ikaw pa talaga Darwin. Mula pagkabata. Yung lahat ng magagandang bagay na ginawa mo para sa akin, ito ba kapalit ng lahat ng yun ha. Feeling mo ba dahil dun may karapatan ka ng babuyin ako ha!" Nakikita ni Darwin sa mga mata nito ang galit at sakit na nararamdaman para sa kanya. "Sorry!" Lumuhod siya sa harap ni Suzet. "Tatanggapin ko lahat ng mga sasabihin mo sakin. Saktan mo ko kung yan ang makakapag paluwag ng loob mo. Hindi ko lang napigilan yung nararamdaman ko sayo nung gabing yun. I love you Zet. Dati pa mahal na mahal na kita. Sobra kitang mahal beb kaya ganun na lang ang pag aalaga ko sayo. Iniisip ko na balang araw matututunan mo din akong mahalin ng more than friends." Hindi napigilan ni Darwin ang maluha. "Anong mahal tingin mo maniniwala ako sayo eh hindi ka nga nawawalan ng gf eh. Mahal mo ko? Hindi ko nararamdaman yang sinasabi mong mahal mo ko. Yung pagbabantay mo sakin alam ko naman na dahil parati kang sinasabihan ni mama at papa na bantayan ako eh. Sa tuwing gagala ako kasama ng mga kaklase ko nalalaman nila mama dahil nagsusumbong ka. Nagsusumbong ka kay mama sa tuwing may magtatangkang manligaw sakin. Ikaw ang nagsumbong kay mama nung nagka bf ako. Ayaw mo ko maging masaya pero ikaw kung sino sino ang jinojowa mo. Tapos ngayon sasabihin mo mahal mo ko. Hindi mo ko mahal pinagsamantalahan mo ko dahil choice mo yun. Dahil ba sa nalibugan ka sakin ng gabing yun ha. Bakit? Dahil wala kang gf ngayon wala kang mapaglaruan, wala kang malabasan ng libog mo kaya ako ang pinaginteresan mo hayup ka!" Nag-hysterical sa galit si Suzet "Hindi, hindi ganun yun. Mahal kita. Choice kong huwag na lang muna sabihin sayo dahil nangako ako sa mga magulang mo. Parati mo ring sinasabi na ayaw mo makipagrelasyon sa kaibigan kaya natakot din akong sabihin sayo yung feelings ko. Ginagawa ko na lang lahat para sayo, lahat ng sinasabi mo ginagawa ko. Pinoprotektahan kita para marealize mo na karapat dapat ako sayo!" Nakatitig si Darwin sa kanya kaya alam niyang totoo ang sinasabi nito. Natigilan sila ng marinig ang mga magulang ni Suzet na kumakatok sa pinto. "Zet buksan mo nga tong pinto ano bang nangyayari sa inyo jan?!" Narinig nilang sabi ng tatay ni Suzet. Inayos ni Suzet ang sarili tsaka binuksan ang pinto. Tumayo naman si Darwin mula sa pagkakaluhod. "Ano ba nangyayari sa inyo? Nag aaway ba kayo." Nag aalalang sabi ng Mama ni Suzet. "Hindi ma, may pinaguusapan lng kami!" Sagot ni Suzet. "Ayusin nyo yan ha! Hindi na kami tutol kung kayong dalawa na at gustong gusto nga namin si Darwin para sayo. Kung ano man yang problema nyo ayusin nyo yan!" Sabi ng Mama niya. Umalis na ang mga ito sa pinto. Sinara naman agad ni Suzet ang pinto. "See! Botong boto sayo ang mga magulang ko kahit dati pa parati nilang sinasabi sakin na kung magkakarelasyon o mag aasawa ako ikaw ang piliin ko dahil nakikita nila lahat ng ginagawa mo para sakin. Kaya nga hindi nila matanggap yung naging bf ko dahil ikaw ang gusto nila eh. Sa tingin mo pag nalaman nila yang ginawa mo sakin anong magiging reaksyon nila. Na yung taong pinagkatiwalaan nila na mag aalaga sakin eh binaboy ako." "Beb please naman hindi naman kita binaboy eh. Nagkamali ako. Tinatawag mo yung pangalan ko ng gabing yun kaya ang buong akala ko gising ka ng oras na yun at alam mo yung mga nangyayari. Plano kitang kausapin kinabukasan pero may nangyari sayo. Naisip kong kausapin ka na lang kapag maayos na yung pakiramdam mo. Hindi ko intensyon na itago yun at lalong hindi ko magagawang pagsamantalahan ka. Maniwala ka sakin. Mahal kita hindi ko yun magagawa sayo!" Natigilan si Suzet. Naisip nya yung alaalang nagrehistro sa isip nya kanina ay nangyari pala talaga nung gabi na yun. "Wala ako sa wisyo nun Darwin. Lasing na lasing ako. Sana naisip mo yun" "Sorry beb!" Hinawakan ni Darwin ang kamay niya. "Huwag mo na nga ako matawag tawag na beb. Dati sinabi ko na sayo na kung magiging tayo, yun ang gusto kong tawagan natin diba. Parati kitang tinatawag ng beb. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nage-1gets yun?" Hinawi ni Suzet ang kamay niyang hawak ni Darwin. Napaisip si Darwin sa sinabi ni Suzet. "Napaka manhid mo. Hanggang ngayon hindi mo pa rin nararamdaman yung mga hinanakit ko." Pinigilan ni Suzet ang sariling magsalita pa kaya pinalabas na lang niya si Darwin ng kwarto niya. "Lumabas ka na lang Darwin.!" "Zet!" Hinawakan uli ni Darwin ang isang kamay niya. "Huwag mo na kong hawakan. Alam mong pwedeng pwede kitang ipakulong dahil sa ginawa mo sakin!" Hinawi uli ni Suzet ang kamay niya. "Mas gusto ko pa yun. Sige na ipakulong mo na lang ako para mapagbayaran ko yung ginawa ko sayo. Gusto mo ako mismo yung sumuko sa pulis?" "Umalis ka na lang Darwin ang sama ng loob ko sayo sumasakit ang ulo ko nahihilo ako lumabas kana!" Tumalikod si Suzet sa kanya. Nang marinig ang sinabi ni Suzet ay biglang nakaramdam ng pag aalala si Darwin. Pinili na lang nyang lumabas ng kwarto para makapahinga na si Suzet. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD