CHAPTER 6: SILENT LOVE

1214 Words
Minahal na ni Darwin si Suzet mula pa noon. Noong 7th birthday ni Suzet ay may party ito sa bahay nila. Gandang ganda siya noon kay Suzet. Doon nagsimula ang espesyal nyang pagtingin dito. Puppy love. Yun ang naramdaman nya dito. "Ang ganda ganda mo naman Suzet! Paglaki natin magpakasal tayo ha." Ani Darwin habang namumungay ang mga matang nakatingin kay Suzey. Nagtawanan ang mga magulang nila nang marinig yun. "Ang bata bata mo pa kasal na nasa isip mo!" Sabi ng Mama niya. "Kaya parati mong babantayan si Suzet, alagaan mo sya para paglaki nyo ikaw ang piliin nyang pakasalan." Nakangiting sabi ng Mama ni Suzet. "Opo Auntie parati ko siya babantayan para hindi siya agawin ni Dexter sa akin!" Sabi ni Darwin. Tinignan lng siya ni Dexter na abala sa paglalaro ng laruan. "Sige Darwin paglaki ko ikaw ang pakakasalan ko tapos gusto kong baby sampu!" Sagot ni Suzet. Matamis niyang nginitian si Darwin. Nagtawanan uli ang mga nakarinig. Nakangiti sila habang nakatitig sa isa't isa. Mula noon ay parati ng dikit ang dalawa at hindi mapaghiwalay. Hanggang sa nakalakihan nila ito. 15 years old sila ng maisip ni Darwin na gusto na niyang maging girlfriend si Suzet. Plano niyang sabihin yun kay Suzet at magtapat ng feelings niya. Pumunta siya sa bahay nila Suzet para makausap ito. Habang hinihintay si Suzet na lumabas ng kwarto ay kinausap sya ng mga magulang nito. "Darwin may gusto ka ba kay Suzet? May plano ka bang ligawan sya?" Tanong ng Mama nito. "Opo Auntie. Gusto ko pong ligawan sya." Lakas loob niyang sabi. "Darwin ganito kasi yun!" Tumingin siya sa Daddy ni Suzet nang magsalita ito. "Gusto ka namin para kay Suzet pero hindi pa sana namin sya gustong magka bf. Ang gusto namin ay makatapos muna sya ng college. Ayaw sana namin siya madistract sa pag aaral nya, pati na rin ikaw. Para sa future nyo din naman ito. Sana maintindihan mo." "Ganoon po ba Uncle!" Biglang nanlumo si Darwin. Wala siyang magawa dahil yun na yung desisyon ng magulang ni Suzet kaya kailangan niyang sumunod. Sinunod nya ang gusto ng mga magulang ni Suzet. 6 years pa siyang maghihintay. Naisip niyang itutuloy na lang muna nya ang pagiging malapit dito hanggang sa takdang panahon na pwede na nya itong ligawan. Isang araw habang pauwi sila noon magkakaibigan nakikinig sya sa kwentuhan nila Suzet at Ana. "Crush mo si Steve!" Bulalas na tanong ni Ana kay Suzet. "Sssshh ang ingay mo!" Saway ni Suzet kay Ana "Binigay nya to sakin." Pinakita ni Suzet kay Ana ang bracelet na bigay ni Steve. "Wow liligawan ka ba nya?" Tanong ni Ana. "Oo sabi nya!" Nakangiti na may halong kilig na sabi ni Suzet. Pagkarinig ni Darwin noon ay para syang pinagsakluban ng langit at lupa. Ang sama ng loob nya. Ilang araw ang lumipas nabalitaan nga nya na si Suzet at Steve na pero sinisikreto ito ni Suzet sa magulang nya dahil ayaw pa ng mga ito na magka bf sya. Dahil sa sama ng loob ay sinabi nya ito sa nanay ni Suzet. Pinagalitan si Suzet ng magulang niya ng malaman ng mga ito na may bf na siya. Dahil dun ay nakipaghiwalay si Suzet kay Steve. Ilang araw ay nalaman niya na si Darwin ang nagsumbong sa nanay nya. Kinumpronta nya ito. "Bakit mo ginawa yun Darwin? Nakakainis ka naman eh!" Asik niya kay Darwin. Hindi nakaimik si Darwin. Naisip nyang magtapat na kay Suzet. "May gusto ka ba sakin. Sabi ni Ana may gusto ka daw sakin at gusto mo daw ako ligawan. Ayoko Darwin wag mo ko ligawan. Magkaibigan tayo diba. Hanggang dun lang yun. Kaibigan lng ang tingin ko sayo." Biglang umatras ang dila ni Darwin sa pagsasalita ng marinig yun kay Suzet. Nasaktan siya. Dahil sa sama ng loob sa sinabi nito ay hindi na siya nakapagisip ng maayos. "Sus! wala ako planong ligawan ka. Niloloko ka lang siguro ni Ana. Wala naman ako gusto sayo eh si Margaret ang crush ko. Kami na nga eh." Hindi makatingin si Darwin ng diretso kay Suzet ng sabihin yun. Hindi naman kasi totoo yung sinabi niya. "Ah talaga kayo na ni Margaret, bagay na bagay nga kayong dalawa. Si Margaret na napaka arte. Magsama kayo!" Umalis si Suzet sa harap niya. Mas lalong sumama ang loob ni Darwin sa sinabi ni Suzet. Naisip niya kahit konting pagtingin ay wala si Suzet para sa kanya. Gustong gusto niya si Suzet kaya napakasakit na wala itong nararamdaman para sa kanya. Alam nyang may gusto sa kanya si Margaret kaya pagkatapos ng pagtatalo nilang iyon ni Suzet ay naisip nyang ligawan nga si Margaret at pagkalipas ng isang araw ay sinagot nga sya nito ngunit ilang araw lang itinagal ng relasyon nila. Nagkaroon uli siya ng kasintahan matapos nun. Nang magkolehiyo sila ay iisa ang University na pinasukan nila ni Suzet. Architecture ang kinuha nyang kurso at Business Management naman si Suzet. Habang tumatagal na nakikita nyang nagdadalaga si Suzet ay napapansin nyang paganda ito ng paganda at lalong lumalalim din ang nararamdaman nya dito. Naisip ni Darwin na kailangan nya ito lalong bantayan lalo't maraming lalake ang humahanga dito. Naisip nya na kung mapapalapit sya lalo kay Suzet ay matututunan sya nitong mahalin ng higit pa sa pagiging isang kaibigan hanggang sa makagraduate sila na pangako nya sa mga magulang ni Suzet na liligawan nya ito. May pagtingin si Darwin kay Suzet pero dahil isa din syang lalake ay natutukso din sya sa ibang babae. First year college nang may matipuhan syang babae sa school nila. Pansin nyang may gusto din yun sa kanya hanggang maging sila. Tatlong buwan lang ang itinagal ng relasyon nila. Madalas kasi pagselosan ng babae si Suzet na naging cause ng away hanggang sa humantong sa hiwalayan. Ilang babae pa ang naging gf nya na nauwi din sa hiwalayan dahil kay Suzet. 22 years old si Suzet at ilang buwan na lang ay ga-graduate na sila ng kolehiyo. Ito ang panahon na sinabi ng mga magulang ni Suzet na pwede na itong mag bf. Ilang buwan na din yung huli siyang magka gf at itinigil na nya yun. Naisip nya na kahit naman may gf sya eh si Suzet pa din ang laman ng puso niya. Isang araw nang magtapat sa kanya si Suzet na may bf na ito, si Jared na schoolmate din nila. Sinabihan siya ni Suzet na huwag magsusumbong sa magulang niya, malapit na rin naman ang graduation nila kaya papayagan na sya ng magulang niya na magkaroon ng bf. Nasaktan si Darwin sa nalaman. Buong akala pa naman nya ay may pagtingin din sa kanya si Suzet dahil nararamdaman nya iyon sa araw araw nilang magkasama. Siguro ay sadyang hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin nito sa kanya. Nagbago ang samahan nila ni Suzet. Pakiramdam nya ay iniiwasan na siya nito. Naisip nyang sinasabihan ito ng bf nya na lumayo sa kanya. Mas lumala pa iyon ng malaman niyang binigay ni Suzet ang sarili kay Jared. Naalala niya noon ang sinabi ni Suzet na ibibigay lng nya ang sarili sa lalakeng pakakasalan nya. Naisip ni Darwin na hindi na talaga nya mababago ang pagtingin sa kanya ni Suzet. Na hanggang kaibigan lng talaga iyon at hindi talaga sila ang para sa isa't isa. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD