CHAPTER 1: Friendship

1896 Words
Anim silang magkakaibigan na nasa resort na iyon sa batangas na pag aari ng auntie ni Ana. Birthday ni Ana na isa sa mga kaibigan nya. Kagabi ay nauna ng umuwi ang pamilya ni Ana at sila na lang magkakaibigan ang naiwan sa resort. Si Ana, Darwin, Dexter, Marc at Reymund na mga kaibigan at kababata niya ang kasama niya sa resort na yun. Kasama din nila ang boyfriend ni Ana na si Jeoff. Naisip bigla ni Suzet na baka ang lalakeng iyon ang pangahas na nanamantala sa kanya. Agad din niya yun inalis sa isip niya. Naisip niyang malamang ay magdamag na magkasama si Ana at Joeff kaya malamang ay hindi na nito maiisip pa na sumalisi sa kanya. Sumakit ang ulo nya sa pagiisip. Naisip na niyang mag ayos ng sarili at lumabas ng kwarto. Sa pantry naabutan nya ang apat na kaibigan nyang lalake na kumakain. "Hangover?" Sabi ni Reymund na nakatingin sa kanya pag upo niya sa kabilang table. "Kumusta pakiramdam mo beb?" Tanong ni Darwin. "Sobrang sakit ng ulo ko ang sakit ng katawan ko lahat sa akin masakit nahihilo ako na nasusuka ang sama ng pakiramdam ko!" Nasabi niya habang isa isang tinitignan ang mga mukha ng apat niyang kaibigan na lalake. "Biogesic beb gusto mo?!" Sabi ni Darwin na tinuturing nyang bestfriend bukod kay Ana. Naisip niya na baka si Darwin yun. Bukod sa kaibigan at kapatid ang turing nito sa kanya, sobra ang pagiging caring at protective nito kaya naisip niyang imposibleng si Darwin. Napagkasunduan din nila noon na tawagin ang isa't- isa ng Beb!" "Here, inumin mo na agad!" Inabot sa kanya ni Darwin ang gamot. "Thank you!" Nakangiti niyang sabi. Tumabi si Dexter sa kanya. "Pa-f*******: ako sa cp mo." Sabi nito sabay kuha ng cp nya na nakalapag sa table. "Sige ubusin mo load ko?" Asik ni Suzet. Napatingin sya sa braso nito na may gasgas. Naalala niyang kagabi ay panay ang hampas nya sa lalake. Naisip niyang baka mga kalmot niya yung nasa braso ni Dexter. "Napaano yang braso mo?" Hindi niya napigilang itanong. "Ewan ko kung napano yan siguro nasabit sa kung san." Sagot ni Dexter. Naisip ni Suzet na si Dexter ang pinaka clingy sa kanya sa apat na lalake. Kapag katabi nya ito minsan ay parati ring nakaakbay sa kanya. Binabalewala na lang niya yun dahil alam niyang wala yun malisya kay Dexter. Isa pa kahit kay Ana ay ganun din ito. Sadyang malambing ito at siguro dahil puro babae ang mga kapatid nito. Napatingin sya sa lugar ni Marc at Reymund na magkatabing nakaupo at nagkakasayahan sa nilalaro nilang mobile legend sa cellphone. Naisip niya na baka isa sa dalawang yun. Nakaramdam siya bigla ng kaba habang iniisip na baka isa sa mga kaibigan niya ang gumawa ng ganun sa kanya. Ngayon pa lang ay nasasaktan na sya sa isiping isa sa mga kaibigan nya ang nanamantala sa kanya. Magkahalong sakit at sama ng loob ang naramdaman nya. Hindi nya napigilang maiyak. "What's wrong bes!" Sabi ni Ana na kapapasok ng pantry kasama ang boyfriend. Tinapik tapik siya nito sa likod. "Kung ako kasi sayo hihiwalayan ko na yang Jared na yan. Ilang chances na ba binigay mo sa kanya pero hindi pa din siya nagbabago at sabi ko sayo malabo yang sitwasyong niyong long distance relationship eh nung nandito yan sa Pilipinas nakuha ng magloko pano pa kaya sa ibang bansa. Hiwalayan mo na bes. Hindi na healthy ang relationship nyo." Sabi ni Ana na ang tinutukoy ay ang bf ni Suzet na si Jared na isang buwan ng nasa Canada. Naalala niya kagabi kaya nalasing siya ng sobra dahil sa sama ng loob niya kay Jared. Tumawag kasi sya dito tatlong araw na ang nakararaan at ang sumagot ng phone ay isang babae. Ang dahilan ni Jared ay gf ng isa sa boardmate nya. Maraming dahilan na sinabi sa kanya si Jared na hindi nya alam kung totoo. Gusto niyang magsalita, gusto nya magkwento na nang mga oras na iyon ay hindi si Jared ang iniiyak nya kundi ang taong nanamantala sa kanya. Ngunit walang lumalabas na salita sa labi niya. Puro pag iyak at paghikbi lang ang nagagawa nya. Naisip din niyang huwag munang magkuwento hanggat hindi sya sigurado kung sino ang gumawa niyon sa kanya. Ayaw nya magbintang ng basta basta sa mga kaibigan nya at higit sa lahat natatakot syang malaman ang totoo hindi lang basta mga kaibigan ang mga lalakeng iyon para sa kanya. Parang magkakapatid na ang turingan nila. Ayaw nyang sabihin kay Ana dahil siguradong masasaktan din ito. Habang umiiyak ay isa isa nyang tinititigan ang mga mukha ng mga kaibigan niyang nakapalibot sa kanya. Merong pinapatahan sya sa pag iyak, may tumatapik sa likod nya. May nagsasalita na hindi nya maintindihan ang sinasabi. Para syang nabibingi sa sitwasyon na iyon hanggang sa bigla na lang siyang natumba sa kinauupuan at nawalan ng ulirat. "Gising ka na beb!" Si Darwin ang nabungaran nya pagmulat ng mata. "Okay ka na ba? Does anything hurt?" Bakas ang pag-aalala sa muka ni Darwin. "Ano nangyari?" Tanong ni Suzet habang pinipilit bumangon mula sa pagkakahiga. "Humiga ka na lang muna baka makasama sayo kapag bumangon ka!" Sabi ni Darwin habang inaalalayan siyang humiga. "Sinugod ka namin dito sa clinic, mabuti merong malapit. Bigla kang nahimatay bes. Okay ka na ba?" Tumingin siya kay Ana nang magsalita ito. "Don't think too much, kapag natuloy ako sa canada ha-huntingin ko yung pu*anginang Jared na yan!" Asik ni Reymund. "Di ba uuwi yung gagung yun next month?" Sambit ni Marc. "Mabuti kung umuwi yun dito! Hindi na yun uuwi may bagong chicks sa canada eh!" Sabi ni Dexter na hindi mo alam kung nang aasar o nagpapatawa lng habang panay ang pindot sa cellphone nya. "Ano ka ba!" Mahinang binatukan ni Ana si Dexter. "Tigilan nyo yang mga pinagsasabi nyo ha. Huwag na natin intindihin yang Jared na yan. Bahala na ang Diyos sa mga kagaya niyang cheater!" Saglit siyang sumulyap kay Reymund. "At ikaw bes sinasabi ko sayo hiwalayan mo na yung lalakeng yun paulit ulit na lang bes maawa ka naman sa sarili mo. Tignan mo yung nangyayari sayo ngayon!" Dagdag na sabi ni Ana. Ilang sandali nang lumapit si Jeoff kay Ana. "Babe hindi ka ba talaga sasabay sakin?" Sabi nito sabay yakap kay Ana. "Hindi ko maiwan si Suzet babe, sabay sabay na kami mamayang hapon uuwi!" Sagot ni Ana. "Okay ingat ka!" Hinalikan niya sa buhok si Ana. "Mauna na ko sa inyo mga pre!" Paalam ni Joeff sa mga lalake. Tumango naman ang mga lalake maliban kay Reymund na hindi man lang ito tinapunan ng tingin. "Ihahatid ko lng siya sa labas!" Wika ni Ana kay Suzet. Habang palabas ng kwarto na ka-holding hands si Joeff ay napatingin si Ana kay Reymund na matalim na nakatingin sa kanya. Napasipa si Reymund sa upuan na nasa harapan niya paglabas ng dalawa. "Fvck!" "Relax tol!" Sambit ni Dexter. "That's what I'm telling you, huwag mong pakawalan hanggat hindi mo kayang makitang may kasamang iba." Ani Marc. Alam ng lahat na dating may relasyon si Reymund at Ana. Sa parking ay nagtatalo si Ana at Jeoff. Narinig kasi nila ang pagwawala ni Reymund. Gusto sanang balikan yun ni Jeoff pinigilan lang ito ni Ana. "Kahapon ko pa yan napapansin na mainit sa akin yang ex mo. Tang*na nagpipigil lang ako sa kanya eh. Sinasabi ko sayo Ana kung hindi ka sasama sakin ngayon tapos na tayo." Galit na galit na sabi ni Jeoff. Napasuntok siya sa pintuan ng kotse nya. "Diba sinabi ko na sayo hindi ko maiwan si Suzet. Si Reymund wala na kong pakealam sa lalakeng yun. Please naman babe magtiwala ka naman sakin. Hindi ko nman maaalis sa pagkatao ko si Reymund dahil magkakaibigan kami. Just please trust me!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Ana. "Tang*na hindi mo pala kayang alisin sa pagkatao mo e'di kayo ang magsama!" Pasigaw nitong sabi. Binuksan nito ang pintuan ng kotse at mabilis yun pinaandar. Napatingin na lang doon si Ana hanggang mawala sa paningin niya. Pagbalik ni Ana sa kinaroroonan ng mga kaibigan ay kinompronta nya si Reymund. "Ano bang problema mo?! Matagal na tayong tapos diba ikaw mismo ang sumira satin. Kung kailan masaya nako sisirain mo pa rin ako. Yan na lang ba ang kaya mong gawin ngayon ha!" Hindi napigilan ni Ana ang galit sa dating kasintahan. Panay ang duro niya dito. Hinawakan naman siya ni Reymund sa palapulsuhan at hinila palabas ng kwarto. "Yan ang sinasabi ko, huwag magjojowa ng katropa. Kapag hindi kayo nagkatuluyan pati friendship niyo wasak!" Ani Dexter na nanatiling nasa cellphone ang paningin habang nakaupo sa couch. "Hays lalong sumasakit ang ulo ko. Nahihilo ako!" Sambit ni Suzet. "Nagugutom ka na ba? Papunta na dito si Tita Tess magdadala daw siya ng pagkain." Ani Darwin. Kasasabi pa lang niya yun nang bumungad na si Tita Tess sa pinto. "Hay! kayong mga bata kayo dati nung maliliit pa kayo hindi kayo mapaghiwa-hiwalay pati paliligo sabay sabay kayo. Ngayon puro love life na inaatupag nyo, ni hindi pa nga kayo nakakagraduate ng college. Jusko po mga kabataan talaga ngayon!" Panenermon ni Tita Tess sa kanila. Si Tita Tess ay tiyahin ni Ana. Dati ay sa lugar din nila siya nakatira kaya kilalang kilala nila ito mula pa pagkabata nila. Nang makapangasawa ito at makapundar ng resort sa batangas ay doon na siya pumirmi. May ilang beses na din nakapunta sa resort na yun ang magkakaibigan. "Ayan makinig kayo kay Tita Tess. Ako lang po ang matino sa amin Tita!" Tumatawang sabi ni Marc. "Matino kapag tulog!" Ani Dexter. "Bumalik na nga kayo sa resort doon na kayo kumain, para kay Suzet lang itong nabitbit ko." Tumayo at umalis sina Dexter at Marc. Nagpaiwan naman si Darwin. "Ah Tita nagbrownout po ba kagabi?" Tanong ni Suzet. "Hindi nak may loko lokong nagpatay ng main circuit breaker. Eh wala namang umaamin dito sa mga to kung sino sa kanila." Sabi ni Tita Tess na ang tinutukoy ay ang apat na lalake. "Wala naman ibang tao dito tayo tayo lang!" "Ganun po ba posible po bang may makapasok na ibang tao dito sa resort?" Tanong pa niya. Naisip niyang baka may nakapasok na ibang tao at yun ang nanamantala sa kanya. "Hindi nak nakita mo naman ang mga bakod matataas. At tatlo ang padlock ng gate. Magdamag din ako nasa garden dahil kapag may bisita dito madalas talaga ay inaatake ang insomia ko kaya nahirapan ako makatulog. Kagabi nung namatay ang kuryente akala ko nagbrownout tinignan ko sa labas may kuryente naman. Kaya chineck ko ang breaker naka off pala. Hindi naman yun basta basta mamamatay ng walang gumagalaw eh. Kaya naisip ko isa dito sa mga ito ang napagkatuwaang gumawa nun. Siguro dahil sa kalasingan walang magawa sa buhay kaya yung kuryente ang pinagdisketahan." Saad ni Tita tess. Habang kumakain ay gulong gulo ang isip ni Suzet. Naisip nya pinagplanuhan talaga ang ginawa sa kanya. Napakabigat ng nararamdaman nya. Hindi nya lubusang maisip na may isa syang kaibigan na tatraydor sa kanya. Kinahapunan ay bumalik na sila sa resort para mag ayos ng gamit. Plano na nilang umuwi ng Manila. Habang nagliligpit naisip ni Suzet na hindi na lang muna sya magkukuwento kahit kanino. Plano nyang alamin ng mag isa kung sino sa mga kaibigan nyang lalake ang nanamantala sa kanya. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD