SPECIAL CHAPTER Part 3

1445 Words
Resort Dahil nalasing ay panay ang salita ni Suzet habang nasa kwarto silang dalawa ni Darwin sa resort kasama ang mga kaibigan nila. "Beb kung hindi mo ko liligawan hayaan mo na ko kay Jared napapagod na kong maghintay sayo hayaan mo na ko magmove on." Sabi ni Suzet habang nakaupo sa kama. "Yan ka na naman sa mga salita mo, bukas pag nahimasmasan ka makakalimot ka na naman. Kaya hindi ko alam kung totoo sayo yang mga sinasabi mo sa tuwing nalalasing ka eh." Maya maya ay tumayo si Suzet at akmang huhubarin ang blouse na suot. "Oh anong gagawin mo?" Agad na tanong ni Darwin habang tinataas ni Suzet ang blouse. "Maliligo ako!" "Doon ka na sa cr maghubad." Hinawakan ni Darwin sa braso ni Suzet at inalalayan papasok ng cr. "Dahan dahan ka lang jan ha baka madulas ka." Mga ilang minuto pa habang nakahiga sa sofa ay nakarinig si Darwin ng kalabog sa cr agad syang napabangon at binuksan ang pinto ng cr para tignan si Suzet. "Damn!" Biglang isinara uli ni Darwin ang pinto ng makitang nakahubad si Suzet na nakaupo sa sahig. "Suzet ano ba nangyari sayo?" Tanong niya pagkasara niya ng pinto. "Beb ang sakit hindi ako makatayo nadulas ako!" Naiiyak na sabi ni Suzet. "Magdamit ka muna papasok ako." "Hindi nga ko makatayo eh." Kinuha ni Darwin ang tuwalya na nasa kama at pumasok sa cr. Umiwas sya ng tingin sa katawan nito habang ibinabalot niya ng tuwalya. Napatingin siya sa salamin pero reflection pa rin ni Suzet ang nakita nya. "Fvck!" Mahina niyang sambit. Nang maibalot sa katawan ni Suzet ang tuwalya ay binuhat nya ito at inupo sa kama. "Ang sakit!" daing ni Suzet sa paa nya. Hinilot naman ito ni Darwin. Panay ang iyak ni Suzet dahil sa sakit na naramdaman sa paa na na-sprain ng madulas. "Ano ba kasing ginawa mo sabi ko magdahan dahan ka lang eh!" Nag alalang sabi ni Darwin habang minamasahe ang paa ni Suzet. Nang matapos ay kumuha siya ng isa pang tuwalya at pinunasan ang buhok nito. "Magbihis ka na! Basang basa na yung tuwalya sa katawan mo." "Magba bathrobe na lang muna ko pakikuha sa bag ko." Kinuha naman ni Darwin ang bag nya at hinanap doon ang bathrobe. Kumuha din siya ng underwear nito. Pagkabigay ng bathrobe habang nakaupo sa kama ay agad naman tinanggal ni Suzet ang tuwalyang nakatapis sa katawan at sinuot yun. Tumalikod na lang si Darwin habang ginagawa yun ni Suzet. "Okay na?" Tanong ni Darwin pagkalipas ng ilang minuto. Nang hindi sumagot ay humarap na siya. "Tangina!" Napatalikod at napakamot siya ng batok ng makitang sinusuot pa ni Suzet sa isang kamay ang bathrobe at makita na naman ang maseselang parte nito. "Suzet nakikita ko yung katawan mo parang wala lang sayo eh!" "Dati mo naman nakikita yung katawan ko sabay pa nga tayo naliligo dati." "Iba nga kasi yung dati sa ngayon!" "Palibhasa kasi iba ibang katawan na ng babae ang nakita mo kaya pati sakin nagkaron ka na ng malisya." Inirapan siya ni Suzet. "Matulog ka na. Bukas malamang wala na sa sistema mo yang mga sinasabi mo." Inayos ni Darwin ang kama ni Suzet at naglagay ng unan sa ulo nito. Pagkahiga ni Suzet akmang tatalikod na siya ng hawakan nito ang braso nya. "Dito ka na lang matulog namiss ko na yung dati na magkatabi tayong natutulog". Biglang naalala at namiss din ni Darwin yung mga panahon na yun kaya humiga na lang sya sa tabi ni Suzet. Maya maya ay naririnig na naman nya ito na nagsasalita. "Kaya hayaan mo na lang ako huwag mo na lang ako pakealaman dahil ikaw naman magmula kay Margaret, kay Camille, Fatima, Yanna, Gwyneth ngayon si Honey. Pinakealaman ba kita? Pinagseselosan nga nila ko dahil lagi mo ko kasama. Sinasadya ko nga magpasama sayo sa kung san para lang nasa akin ka." Naka tagilid ng higa si Darwin paharap kay Suzet na diretso naman sa pagkakahiga. Nakapikit si Suzet habang nagsasalita. Napatingin sya sa lips nito. Maya maya ay hindi niya napigilan ang sariling dampian ito ng halik sa labi. Matapos ng halik na yun, akma siyang aayos na sa pagkakahiga ng bigla syang yakapin ni Suzet. Napalapit sya uli sa lips nito pagkayakap sa kanya kaya muli nya itong hinalikan. Naramdaman nyang gumaganti si Suzet sa halik nya kaya ipinagpatuloy pa niya yun. Hindi na niya nakontrol ang kakaibang init kaya pumatong sya kay Suzet habang patuloy pa rin ang paghalik dito. Binaba niya ang labi sa leeg nito at hinalik halikan doon. Napahawak siya sa dibdib nito at hinimas himas yun. Binaba pa niya sa hita ni Suzet ang kamay nya at niyapos yun. Tuluyan na siyang nakaramdam ng pagkadarang na ang nasa isip na lang niya ay mailabas yun. Akmang huhubarin nya ang bathrobe nitong suot ng maalala ang usapan sa mga magulang ni Suzet. Napahinto sya bigla sa ginagawa niya. Umalis siya sa ibabaw ni Suzet at bumaba sa kama. Tumalon talon siya ng ilang beses at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nakita nyang nakapikit si Suzet at mukhang nakatulog na kaya inayos na lang nya ang bathrobe nitong nawala sa pagkakaayos tsaka kinumutan. Pumasok sya sa cr at naligo para mahimasmasan. Matapos maligo ay himiga na lang sya sa sofa at pinilit na makatulog. (Ang pangyayari pong ito sa resort ay bago pa nung may nangyari sa kanila sa simula ng kwento. Mababasa din po ang scene na 'to sa story ni Dexter at Leslie na When I Met You. Isinama ko lang po dito ♥️) ------ "Kayong mga dalaga sali kayo!" Nagtawag ng mga dalaga ang wedding coordinator para sa bouquet toss. "Tara Leslie sali tayo!" Naexcite na sabi ni Suzet. Hinawakan siya nito sa braso. "Halika na bes!" Tawag pa nito kay Ana na ayaw sana sumali. Naisip niyang kahit siya ang makakuha ng bulaklak ay imposibleng siya ang sumunod na ikasal. Napakamot na lang ng ulo si Dexter nang umalis si Leslie at maudlot na naman ang gustong gawin. Nang ihagis ang bulaklak ay nasalo yun ni Suzet. "Hala ka bes ikaw ang susunod na ikakasal." Napahawak si Ana sa braso ni Suzet. "Ako ang susunod!" Natigilan si Suzet. Nasalo naman ni Darwin ang wedding garter ng ihagis yun. Panay ang panunukso kay Darwin at Suzet ng magtabi sila sa harapan. "Kayo na ang susunod na ikakasal pero grumaduate muna kayo bago kayo magplano ha." Pabirong sabi ng Mama ni Dexter. "Kiss! kiss! kiss!" Narinig nilang sabi ng mga tao matapos maisuot ni Darwin ang garter kay Suzet. "Darwin kiss daw!" Ani Suzet. "So ikikiss kita okay lang?" Naalangan si Darwin. "Oo sige na!" "Nakatingin yung magulang mo." "Tignan mo tuwang tuwa pa sila." Ani Suzet ng makita ang malalaking ngiti ng magulang sa kanila. Ilang sandali ng halikan siya ni Darwin sa pisngi. "Lips! lips!" "Huy grabe yung lips ha." Biglang nahiya si Suzet. Kahit nahihiya at kinakabahan ay hinalikan ni Darwin si Suzet sa labi. May ilang beses na rin nyang nahalikan si Suzet nung nalasing sila pero kahit isa doon ay hindi maalala ni Suzet. Naghiyawan at palakpakan naman ang mga tao. Natulala si Suzet ng maisip na first kiss niya yun. Bumalik na ang dalawa sa table nila. "Kayong dalawa grumaduate muna kayo ha tapos kapag financially stable na kayo dun kayo magplanong magpakasal." Sabi ng Mama ni Darwin na kasabay ang mga magulang ni Suzet sa pagpunta sa tagaytay. "Tama! Unahin nyong planuhin ang tungkol sa pinansyal bago ang kasal. Magpakasal kayo after 5 years. Ganun!" Sabi ng Mama ni Suzet. "Masyado yata yun matagal kahit 3 years pwede na." Tumawa ang Mama ni Darwin. "Teka po mga mommy parang sigurado po talaga kayo na magpapakasal kami ni Darwin." "Oh kayo ang nakakuha ng bulaklak at garter kaya sigurado yan na kayo ang magkakatuluyan." "Hindi naman po totoo yun! Superstition lang yun." Sagot niya "Totoo yun Nak. Ganyan ang nangyari samin magkakaibigan, diba!" Baling ng Mama ni Suzet sa Mama ni Darwin. "Si Darwin ang mapapangasawa ko. Eh iba po ang gf nya." Hindi napigilang sabihin ni Suzet. "Ano? May gf ka na naman." Hinila ng Mama ni Darwin ang tenga niya. "Aray Ma!" Daing nito ng masaktan. Napangiti naman si Suzet sa nakita. Alam nyang pinagagalitan ito ng magulang sa tuwing nagkakaroon ng gf kaya wala pang nadadalang babae sa bahay nila. "Akala mo siya walang bf!" Ani Darwin na nakatingin kay Suzet. Biglang niyang inapakan ang paa ni Darwin. Nag alala siyang marinig yun ng magulang niya. "Basta mga anak magpakasal kayo sa tamang panahon!" Napatingin sila sa Papa ni Suzet. "Narinig mo yun!" Mahinang sabi ni Darwin. Napangiti si Suzet. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD