SPECIAL CHAPTER Part 5

2067 Words
"Anong gagawin natin baka tuluyang maghiwalay ang mag asawa." Napatingin si Kim kay Ana nang sabihin niya yun. Nasa office ni Marc si Reymund at Ana. Si Kim naman ay nakikinig sa usapan ng magkakaibigan habang abala sa trabaho. "Wala tayong magagawa jan away ng mag asawa yan. Hindi tayo pwede makealam." Sagot ni Marc habang nakatingin sa computer. "Next month na yung kasal namin ni Reymund, ayoko namang ikakasal kami tapos sila maghihiwalay." Namroblema si Ana sa sitwasyon ni Suzet at Darwin nang mag away ang dalawa at umalis si Darwin sa bahay nila. "Love huwag mo ng masyadong isipin yun alam ni Darwin ang gagawin nya." Baling ni Reymund sa asawa. "Hindi naman maghihiwalay yung dalawa. Mag aaway lang yan pero hindi yan maghihiwalay." Ani Marc. "Wait diba pupunta tayo sa resort sa Batangas, ituloy na natin yun baka doon sila magkaayos." Napangiti si Ana sa ideya. "Bahala ka na magset jan mag usap lang kayo ni Secretary Kim sa schedule ko." Napatingin si Marc kay Kim. "Kim sama ka ha sa weekend." Baling ni Ana kay Kim. "Ha eh tignan ko kung wala akong gagawin nun." Naalangang sabi ni Kim. "Sumama ka Kim, that's my order!" Napatingin si Kim kay Marc ng marinig yun. Dahil sa utos ng boss ay no choice siya kundi ang sumama. Saturday nang pumunta ang magkakaibigan sa resort sa Batangas. Napangiti si Kim ng makita ang paparating na kotse ni Marc. Isasabay siya ni Marc sa pagpunta sa resort kaya nagkita sila sa edsa. Malapit lang din sa kanila ang lugar na yun na sinabi ni Marc na susunduin siya. "Resort ang pupuntahan natin Kim, magsi-swimming tayo. Bakit ganyan ang suot mo?" Bungad na sabi ni Marc pagsakay ni Kim sa kotse. Yung wala naman maisipang isuot si Kim na magtatago ng katawan niya kaya yung damit na pinapamasok niya sa trabaho ang sinuot niya. Naka longsleeve dress siya ng maluwag na lagpas tuhod at nakablazer pa siya. Napatingin siya kay Marc na naka white chino shorts at light blue button down polo, naka white sneakers din siya, may sunglass ito na nakataas sa ulo. Naka bukas yung dalawang butones ng polo ni Marc kaya hot yet classy ang porma nito. Naisip ni kim na nagmukha na naman siyang yaya nito sa ayos nilang dalawa. "Ganito talaga mga damit ko eh!" Dahilan na lang niya. Ilang minuto ng makarating sila sa bahay nila Suzet. Sinundo nila si Suzet sa bahay para siguradong sasama ito. Yun din ang bilin sa kanila ni Darwin na isabay si Suzet papunta ng batangas. Magkaaway ang dalawa kaya ayaw sana sumama ni Suzet. Napilitan na lang ito dahil party ni Ana at Reymund yun bago sila ikasal. "Pwede naman kasi ako magdala ng sasakyan eh kaya ko naman magdrive ng malayo." Sabi ni Suzet pagsakay niya sa backseat ng kotse. "Eh yun ang bilin ni Darwin na isabay ka." Ani Marc. "Suzet sana magkaayos na kayo ni Darwin. Alam mo ba ang dami nyang gasgas sa braso dahil nasemplang sya sa motor. Pauwiin mo na kasi sya." Nilingon ni Kim si Suzet sa likuran. "Nasemplang? Bakit?" Nag alala siya bigla. "Eh sya naman yung kusang umalis sa bahay eh ibig sabihin ayaw na nya kong makasama ganun lang yun." "Alangan hayaan niya kayong mag ina ang umalis. Suzet wala naman kasing ginagawa si Darwin kliyente lang namin si Nicole." Sabi ni Marc habang nagmamaneho. "Eh malay ko ba eh isa ka rin eh magkaibigan kayo natural pagtatakpan mo sya." "Kaibigan din naman kita mga bata pa tayo magkakaibigan na tayo alangan pumayag akong tarantaduhin ka ni Darwin. Nagtatrabaho lang kami. Pati ako dinadamay mo." Napakamot ng ulo si Marc. "Diba meron kang Samantha tapos yung Nancy." "Wala kami ni Samantha ha. May arranged marriage kami pero pwede naman akong humindi dun. Kung hindi ako binasted ni Nancy edi sya ang gf ko ngayon." Tumingin si Marc kay Kim. Napaisip naman si Kim sa sinabi nitong arranged marriage kay Samantha. Kaya pala nasabi ng mga kasama niya sa trabaho na fiancee ni Marc si Samantha ay dahil dun. "Kim hindi pa kita friend sa f*******:. Ano ba name mo doon add kita." Sabi ni Suzet habang nagfe-f*******:. "Oo nga pala Kim add mo din ako sa f*******:!" Sabi din ni Marc. "Saan ka dito Kim?" Pinakita sa kanya ni Suzet ang cellphone, nasa search page yun ng f*******:. Sinearch nito ang Kimberly Reyes. Nakita nya ang account nya na nasa unahan. "Wala jan." Agad niyang sabi. "Wala akong f*******: hindi ako mahilig sa social media." "Oh eh anong ginamit mo nung hinanap at chinat mo si Nancy?" Tanong ni Marc. Pakiramdam ni Kim ay namutla siya. May tumawag sa cellphone ni Marc kaya sinagot niya yun. Nagkunyari na lang tulog si Kim para hindi na sila magtanong pa hanggang makarating sila sa resort. "Marc yan ba yung resthouse na pinapatayo mo?" Tanong ni Suzet habang nakatingin sa kino-construct na resthouse ni Marc na katabi ng resort ni Tita Tess. "Oo sayang lang hindi pa tapos edi jan sana tayo." Sagot ni Marc. Pagdating sa loob ng resthouse ay nandoon na si Reymund, Ana, Darwin at Dexter. Pagkakita kay Suzet ay agad pinuntahan ito ni Darwin para tulungan sa mga bitbit na bag. Dahil biglang kinuha sa mga kamay niya ang mga bag ay wala na lang nagawa si Suzet. "Nandito na uli kayo. Ano na naman kaya ang ganap ngayon. Sa tuwing pupunta kayo dito parating may nagaganap eh." Sambit ni Tita Tess pagkakita sa kanila. "Sino itong bago nyong kasama?" Tanong ni Tita Tess nang makita si Kim. "Secretary po ako ni Sir Marc. Magandang araw po!" Nagmano si Kim kay Tita Tess. "Ah napakaganda naman. Oh siya sige na bahala na kayo jan. Basta ayoko ng may gulo ha." Umalis na si Tita Tess. "Oh tatlo ang kwarto dito ha. Yung isa kay Reymund at Ana, Kay Darwin at Suzet, yung isa sayo na lang Kim. Kami ni Marc kahit saan dito pwede." Sabi ni Dexter. "Si Kim ang kasama ko sa kwarto." Agad na sabi ni Suzet. "Sa inyong mga lalake na lang yung isa" "Tara na Kim!" Kinuha ni Suzet ang mga gamit niyang bitbit ni Darwin tsaka hinila si Kim sa isang kwarto. "Sana si Darwin na lang sinamahan mo para magkaayos na kayo." Sabi ni Kim kay Suzet habang nagaayos ng gamit sa kwarto. "Ayoko nga syang makita tapos sasamahan ko pa sa kwarto. Kung hindi lang dahil sa party ni Ana at Reymund hindi ako sasama dito." Ani Suzet. Nang mapatingin si Kim sa salamin ay nakita nyang nabubura ang nilagay nyang kilay dahil sa mainit na panahon. Binura na lang nya ito dahil kumakalat sa mukha nya. May salamin naman sya kaya naisip niyang hindi na mahahalata iyon. Nang matapos sa pagaayos ay pumunta sila sa dining area para mag lunch. Maya maya ay dumating ang mga lalake. Umupo si Darwin sa tapat ni Suzet. Si Marc sa tapat ni Kim, tumabi naman si Dexter kay Kim. Magkatabi din ang mag asawang Reymund at Ana. Habang kumakain ay napatingin si Suzet kay Darwin. Nakita nya ang maraming gasgas nito sa braso. Meron din sa bandang pisngi nito. Ang kwento sa kanya ni Marc ay pinilit nitong umuwi sa condo ng lasing at nakamotor kaya nabangga sa isa pang motor. Mabuti ay mahina lang ang impact kaya gasgas lang ang natamo nya. Napatingin siya sa pineapple na nilagay ni Darwin sa plato niya. Hindi ito kumakain ng pineapple kapag hinalo sa ulam at favorite naman yun ni Suzet. "Nandito tayo para mag enjoy ha walang mag aaway." Sabi ni Dexter na tumingin kay Darwin at Suzet. "Baka may mabuntis na naman ha." Matapos kumain ay nagpasya silang mag swimming. Tumabi si Kim kay Suzet na nakaupo sa gilid ng pool. Wala din ito sa mood mag swimming dahil sa problema kay Darwin. "Hindi ba kayo magsi-swimming?" Tanong ni Ana sa dalawa habang nakababad sa swimming pool. "Hindi!" Sabay na sabi ng dalawa. Ana: Bes kausapin mo na si Darwin. Kapag pinatagal nyo yan mas mahihirapan na kayo ayusin yan. Suzet: Kapag naiisip ko kasi si Nicole. Yung hikaw, yung lipstick mark sa polo niya. Anong ibig sabihin nun bes? Ana: Ano ba paliwanag nya? Pakinggan mo sya ng maayos huwag ka magpadala sa galit. Alam mo yan ang natutunan ko nung naghiwalay kami noon ni Reymund. Suzet: Bes paano mo ipapaliwanag yung lipstick na nasa polo nya ano yun kusa lang napunta doon. Kim: Teka teka ano bang lipstick mark? Biglang naalala ni Kim noong time na nasa elevator sila ni Marc at Darwin. Habang pinakikinggan ang usapan ng dalawa tungkol sa kanya bilang si Nancy ay may mga pumasok na empleyado sa elevator napaatras bigla si Darwin kaya nangudngod ang nguso nya sa polo nito. Tatanggalin sana nya ang lipstick mark kaya lang baka kumalat kaya hinayaan na lang nya. Kim: Yun ba yung white na polo ang suot nya? Suzet: Oo bakit? Kinuwento naman ni Kim ang pangyayari. Kim: Sorry Suzet hindi ko na nasabi nawala na din kasi sa isip ko yun. Ana: Oh ayun naman pala eh. Edi wala ngang ginagawa si Darwin. Huwag masyado praning bes. Suzet: Hindi pa din sya naging honest sakin na may contract sya kay Nicole. Ana: Gaya nga ng sabi niya ayaw nyang mag isip ka pa ng kung ano ano. Syempre trabaho nya yun na hindi nya pwedeng hindian kaya siguro hindi na lang niya sinabi sayo para hindi ka na mag isip. Suzet: Hindi ko makalimutan yung sinabi niyang obsessed ako kay Jared. Naalala ni Suzet na lumala ang away nila nung naabutan ni Darwin ang ex na si Jared sa shop niya. Bumili kasi ito ng makeup para sa asawa. Nagselos si Darwin lalo nung nagtext pa si Jared sa kanya matapos bumili ng make up. Nabasa ni Darwin yung sinabi ni Jared sa text na mas lalo siyang gumaganda. Nagalit si Darwin kaya sila nagtalo. Ana: Sino ba naman kasing asawa yung matutuwa na magtext ng ganun yung ex mo. Intindihin mo rin yung feelings ni Darwin. Hindi na nagsalita pa si Suzet. Pinagkatuwaan ni Ana na hilahin si Kim at Suzet sa pool. "Gosh hindi ako pwedeng mabasa!" Sabi ni Kim na akmang aahon sana ng pool ng biglang dumating ang mga lalake. Napahawak pa sya sa buhok nya dahil natanggal ang panali niya sa buhok. Tumingin sya sa paligid ng pool ngunit hindi nya makita ang panali nya. "Bat naman hindi ka pwedeng mabasa may sa pusa ka noh!" Tumawa si Dexter habang papalapit sa kanila. "Sexy ka pala Kim. Gusto mo mag two-piece swimsuit? may mga dala ko kaya lang ayaw naman ni Reymund na mag swimsuit ako eh." Yumakap si Ana kay Reymund sa pool. "No. Hindi ako nagsusuot ng ganun." Agad na sabi ni Kim. Pumwesto siya sa gilid ng pool at nilublob ang katawan. Naisip niyang doon na lang sya at hintayin na lang na umahon ang mga kasama tska sya tatakbo sa kwarto. Napatingin sya kay Marc na nakatingin sa kanya kaya tumalikod na lang sya. Nag inuman sila habang nasa swimming pool. Nauna ng umalis si Reymund at Ana para bumalik sa kwarto. Sumunod ay si Suzet, sinundan naman siya ni Darwin. Mabilis na naglakad si Suzet nang makitang sinusundan siya ni Darwin. "Beb!" Niyakap siya ni Darwin mula sa likod. Hindi naman napigilan mapaiyak ni Suzet. "Sorry nasira ko yung promise ko na hindi ka paiiyakin at sasaktan." Mahigpit na niyakap ni Darwin si Suzet. "I love you. Let's fix this na! Sorry na. Sorry sa mga sinabi ko. Ano bang gusto mo? Ika-cancel ko na yung contract sa Delgado kung yun ang gusto mo. Ano pa? Patawarin mo na ko. I miss you. Hindi talaga ko mabubuhay ng wala ka eh muntik na nga ko mamatay. Look!" Pinakita niya kay Suzet ang mga sugat sa braso. "Ano ba kasi ginawa mo bat hindi ka nag iingat. Diba sabi ko sayo huwag kang magmotor kung nakainom ka." Lalong naiyak si Suzet ng makita ang mga sugat ni Darwin sa braso. Humarap sya kay Darwin at tinignan ang mga sugat nya sa mukha. Napangiti naman si Darwin sa nakitang reaksyon ng asawa. "I love you!" Niyakap niya si Suzet. "I love you too! Sorry din. Nasaktan din kita!" Niyakap din ni Suzet si Darwin. Hinawakan ni Darwin sa pisngi si Suzet tsaka hinalikan sa labi. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD