SPECIAL CHAPTER Part 2

1719 Words
College days... Habang nasa klase napatingin si Suzet sa labas ng pinto. Nakita niyang naghihintay doon si Darwin. Pangatlong beses na yun na nag-usap sila ni Jared na susunduin siya pero mukhang mauudlot na naman dahil parati na lang nakabantay si Darwin sa kanya simula noong mabasa nito yung conversation nila ni Jared. Iniisip nya kung paano kaya malulusutan si Darwin. Nang matapos ang klase niyaya niya si Darwin sa library. Naalala nyang mahilig magbasa si Darwin ng libro at madali syang antukin kapag nagbabasa. Plano niyang kapag nakatulog na ito ay dun sya aalis. "Alam mo Darwin kaya ko naman din umuwi mag isa hindi mo na ko kailangan pang hintayin. Dati ko naman ginagawa yun eh!" Sabi ni Suzet kay Darwin habang papunta ng library. "Eh diba pupunta tayo sa bahay nila Dexter. May birthday celebration siya ngayon, kaya sabay na tayo." Sagot nito. "Ang lapit lang naman ng bahay niya samin pwede ako pumunta mag isa dun" "Bakit ayaw mo na ko kasabay dati naman tayo nagsasabay ha. May lakad ka bang iba ngayon?" Matalim siyang tinignan ni Darwin. "Wala!" Agad niyang sabi. "Oh wala pala edi sabay na tayo!" Habang naglalakad papunta sa library ay nakita nila si Honey sa hindi kalayuan. Habang papalapit ay sinadya ni Suzet na dumikit at kumapit sa braso ni Darwin. Napatingin naman siya kay Darwin na nakatingin kay Honey na masasalubong nila. Maya maya ay biglang natisod si Honey at napadapa. Pagkakita doon ni Darwin ay lumapit ito para tulungan si Honey na makatayo. "Okay ka lang!" Sabi ni Darwin habang tinutulungan si Honey makatayo. "Oo okay lang salamat!" Napangiting sagot ni Honey. Tahimik naman na nakamasid sa kanila si Suzet. Nang makatayo na si Honey ay sinabayan na uli ni Darwin sa paglalakad si Suzet papuntang library. "Bakit ba kayo naghiwalay?" Curious na tanong ni Suzet. Tahimik lang si Darwin. "Mukhang gusto ka pa rin nya. Balikan mo kaya. Tapos huwag mo na ko masyadong lapitan kapag kayo na uli. Hindi na din kita iistorbohin para hindi na nya ko pagselosan." "Bago yan ha. Dati yung mga linyahan mo, hiwalayan ko na siya. Ngayon pinagtutulakan mo na ko sa kanya." Sarkastikong tumawa si Darwin. "Narealize ko lang na nagiging kontrabida na ko sa lovelife mo kaya hindi na kita pakekealaman mula ngayon." "Bakit ganyan ka mag isip ngayon. May bf ka na ba?" "Wala! Sinasabi ko lang." "Siguraduhin mo lang. Isusumbong talaga kita sa Mama mo." Pagkarating sa library may kinuhang dalawang libro si Darwin at pagkaupo ay binasa yun. Nagpapanggap na lang din si Suzet na binabasa ang librong kinuha nya. Hindi sya mapakali dahil naririnig nya ang tunog ng cellphone nya sa bag. Alam niyang si Jared yun. Ayaw naman nya ilabas ang cellphone nya dahil baka bigla na naman agawin ni Darwin at mabasa ang messages niya. Maya maya ay bigla itong nagring. Napatingin si Darwin sa bag nya. "Si Mama siguro to." Kinuha niya sa bag ang cellphone. Hindi nya sinagot ang tawag ni Jared at in-off na lang ang cellphone niya. "Bat hindi mo sinagot?" Tanong ni Darwin ng makitang pinatay nito ang cellphone. "Nawala bigla eh." Dahilan na lang ni Suzet. "Ano ba yung project nyo? Tulungan kita." Nataranta ang isip ni Suzet sa tanong ni Darwin. "Sa physics. Ahm yung about sa ano sa Gauss Law" dahil hindi alam ang sasabihin ay yun ang pumasok sa isip nya. "Gauss Law? Ngayon nyo pa lang topic yun. 2nd year pa yun." Sabi ni Darwin na napatingin sa librong hawak ni Suzet. "Tsaka dapat hindi yan yung librong kinuha mo. Nasa volume 2 yun wala jan!" Naisip ni Suzet na matalino nga pla si Darwin kaya hindi niya basta basta malilinlang. "Hindi! May titignan din kasi ko dito eh." Dahilan na lang nya. Napatingin si Suzet sa librong binabasa ni Darwin nakita nyang nangangalahati na agad ito. Maya maya ay sinara na nito ang libro at hinilig ang ulo sa mesa. Napangiti si Suzet. Naisip niyang matutulog na si Darwin. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya habang nakahilig ang ulo sa mesa. Ilang sandali pa ay nakapikit na 'to. Naghintay pa ng ilang minuto si Suzet tinignan nyang mabuti kung tulog na nga si Darwin. Nilapit pa nya ang mukha nya kay Darwin kung magmumulat ito ng mata. Napatingin siya sa lips nito at naalala ang nangyari noong nag inuman sila na nalasing sya. Pagkahatid ni Darwin noon sa bahay nila ay feeling nya nag kiss silang dalawa pero hindi sya sure dahil malabo sa ala-ala nya. Wala naman sinasabi sa kanya si Darwin at ayaw din nya magtanong kaya hanggang ngayon hindi sya sure kung nangyari nga yun o hindi. Habang iniisip ang pangyayari noon ay parang bigla syang na-tempt na ikiss si Darwin. Tumingin siya sa paligid ng makitang walang tao sa malapit sa pwesto nila ay unti unti nyang nilapit ang mukha at labi sa labi ni Darwin. Nang maglapat iyon ay nagulat sya ng biglang gumalaw ang labi ni Darwin. Pagtingin nya dito ay tulog naman ito. Lumayo at umayos sya sa pagkakaupo. Bigla syang nakaramdam ng hiya sa ginawa nya. Dali dali na nyang inayos ang mga gamit niya tsaka umalis. Binalik nya muna ang mga libro sa lagayan at nagmadaling lumabas. Kinuha nya ang cellphone nya sa bag. Plano nyang tawagan si Jared kung nasan na ito. Nang ipwesto ni Suzet ang phone sa tenga para kausapin ito ay biglang may humablot ng cellphone sa kanya. Pagtingin niya ay si Darwin yun na nasa likuran niya. "Hello Suzet nasan ka na ba? Kanina pa ko naghihintay dito sa gate." Narinig ni Darwin na sabi ni Jared sa kabilang linya. Sasagutin sana ito ni Darwin ng agawin ni Suzet ang phone. "Ano ba Darwin bakit ka ba nakekealam." Nainis niyang sabi. "Bakit ka makikipagkita sa kanya. Isusumbong na talaga kita sa magulang mo." "Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan. Parang hindi naman kita kaibigan eh. Ga-graduate na ko kaya papayag na si Mama. Plano kong sagutin si Jared." Pag amin ni Suzet kay Darwin. "What?! Sige subukan mo. Naala mo yung ginawa ko kay Steve dati malamang magawa ko din sa kanya yun." Naalala ni Suzet yung nangyari noong high school sila ng makaaway nina Darwin ang grupo nila Steve. Nakita nya kung paano gulpihin ni Darwin si Steve. "Nasan sya nasa gate?" Tanong ni Darwin at mabilis na naglakad papunta ng gate. Habang naglalakad papunta sa main gate ay naisip ni Suzet na mabuti sa kabilang gate nya pinapunta si Jared kaya pagkarating nila sa main gate ay wala ito dun. Nagpalingon lingon si Darwin sa paligid para tignan kung nandoon si Jared. Akmang pupunta naman siya sa kabilang gate ng pigilan ni Suzet. "Wala don wala na sya umalis na. Sige na hindi na ko makikipagkita sa kanya." Naisip niyang ililihim na lang nya yun kay Darwin at hahanap na lang ng pagkakataon para malusutan ito sa susunod. "Tara na uwi na tayo punta na tayo kila Dexter." Pagyaya ni Suzet kay Darwin ng masama ang loob. Pumunta sila sa parking at sumakay sa motor ni Darwin tsaka umalis. Pagkarating kila Dexter naabutan nila doon si Marc, Ana at Reymund. "Nasan si Dexter?" Tanong ni Darwin. "Wala pa eh sinundo siguro si Leslie." Sagot ni Marc. "Bakit parang badtrip ka bes?!" tanong ni Ana kay Suzet ng mapansing nakasimangot sya. "Ha hindi naman eh!" Kumuha siya ng sanmig light sa bar counter. "Kumain ka muna kaya. Kumuha kayo dun ni Darwin." Sabay turo sa isang mesa na may mga pagkain. "Galit ka ba?" Tanong ni Darwin habang kumukuha sila ng pagkain. Dahil naiinis ay hindi na lang niya sinagot si Darwin. Ilang sandali pa ng dumating na si Dexter. "Tangna talaga eh!" Naihagis ni Dexter ang helmet niya sa galit ng makita nya si Leslie at Tyler na magkayakap sa campus kanina. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng ulo sa tindi ng selos niya. "Napano ka Dex? Nasan na si Leslie?" Tanong ni Ana. "Alam ko na problema nyan. Pinahirapan ka na naman ba? Kagabi lang ang sweet nyo eh." Pabirong sabi ni Marc. Pagkaupo ay kumuha agad si Dexter ng isang bote ng alak at ininom yun. "Ayoko na talaga!" Sambit ni Dexter na hindi mawala ang galit. "Bakit? Suko ka na sa babae!" Natatawang sabi ni Reymund. "Nakahanap ng katapat nya eh." Tumawa si Marc. Tahimik naman si Dexter na iniisip ang pangyayari kanina. Ilang oras na nag inuman at nagkasiyahan ang magkakaibigan. Nagkakantahan din sila kaya mas lalong hindi mawala sa isip ni Dexter si Leslie. Matapos ng gabing yun ay nag uwian na ang magkakaibigan. Habang naglalakad pauwi si Darwin at Suzet, dala ng kalasingan ay panay ang salita ni Suzet. "Beb gusto ko ng maka move on sayo kaya hayaan mo na ko kay Jared." "Ayokong magmove on ka sakin at lalong hindi kita hahayaan kay Jared." Sagot ni Darwin na napahigpit ang kapit sa bewang ni Suzet habang inaalalayan ito. "Brineak mo na si Honey pero I'm sure ilang araw lang may gf ka na naman. Pero bakit ako hindi pwede." Naiiyak na sabi ni Suzet. "Hindi ka pa nga pwede magka boyfriend hanggat hindi ka pa nakaka graduate." Sambit ni Darwin nang maalala yung parating sinasabi ng mga magulang ni Suzet. "Beb tayo na lang dalawa!" Wala sa sariling sabi ni Suzet. Napatingin siya kay Darwin. Napatitig din si Darwin sa kanya habang naglalakad sila. "Anong tayo ng dalawa?!" Natigilan sila ng marinig ang boses ng Mama ni Suzet. Hindi nila namalayan na nasa tapat na sila ng gate nila Suzet. "Pumasok ka na nga sa bahay matulog ka na. May pasok pa kayo bukas umiinom kayo hanggang ganitong oras." Agad na pumasok si Suzet sa bahay nila. Inalalayan siya ng Mama nya na maglakad papasok sa loob ng bahay. "Darwin may usapan na tayo ha. Wala akong tutol sayo... ang gusto ko lang kapag nakagraduate na kayo ni Suzet". Sabi ng Papa ni Suzet bago ito pumasok sa loob ng gate. "Opo alam ko po yun Uncle." Pumasok na sa loob ng gate ang Papa ni Suzet at nilock yun. Habang naglalakad pauwi ay napapasipa na lang sa mga maliliit na batong nadadaanan si Darwin. Gustong gusto na nyang maging gf si Suzet pero dahil hindi pa ito pinapayagang makipagrelasyon ay kailangan nya maghintay. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD