Chapter 2

1513 Words
Chapter 2 Cassie's Pov SA LOOB ng tatlong araw simula nang malaman ko ang pagtataksil si Jason, nawala ako sa focus. Nawalan ako ng gana sa lahat kaya't isang desisyon ang ginawa ko. Nagpaalam ako sa Boss ko kanina na uuwi muna ng Pilipinas dahil hindi ako matatahimik na ganito ang nangyari sa amin ni Jason. Mahal ko siya at mas'yadong malalim iyon para hayaan ko siyang mawala nang gano'n-gano'n na lang. Habang nag-iimpake ay hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil uuwi ako ng Pilipinas pero hindi, napakabigat ng dibdib ko. Ni walang katiting na saya at tuwa sa puso ko ngayon. Muling naglandas ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob. Habang nag-iimpake ay panay ang iyak ko. Hindi na maubos-ubos ang luha ko mula pa noong gabing tumawag si Jason. Nang dumating ang alas onse ng umaga ay umalis na ako sa apartment kung saan ako nakatira. Bitbit ang mga maleta ay sumakay ako ng taxi papunta sa airport. Isang oras lang ang ginugol ko at nakarating na nga ako sa Airport kung saan ako maghihintay ng flight ko. Mamaya pa kasing alas dos ang alis ng eroplanong patungo sa Pilipinas. Sinadya kong agahan dahil wala rin naman akong gagawin sa apartment ko. Naging kainip-inip sa akin ang paghihintay. Hanggang sa dumating na nga ang oras ng alis ko. Nang tawagin ang mga pasahero sa flight na iyon ay pumasok na ako sa loob, hila ang mga maleta ko. Umupo ako sa upuan na nakalaan sa akin. Sa may bintana ang puwesto ko. Malungkot akong tumingin sa labas ng bintana. Nang maalala ko ang dahilan ng pag-uwi ko ay muling tumulo ang mga luha ko. Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari eh. Lalo pa't hindi ko na muling nakausap si Jason. Nang magsawa sa pagtanaw sa labas ay humilig ako sa bintana at saka pumikit. Kahit nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko ay tila wala akong pakialam. Hinayaan ko lang na patuloy na tumulo ang mga luha ko. "I hate you! I hate you, Jason!" Isang impit na hikbi ang muling kumawala sa mga labi ko. "Use this," anang baritonong boses sa tabi ko dahilan para mapamulat ako. "Wipe your tears," anito sabay lahad ng kung ano sa harap ko. Walang pagdadalawang-isip na kinuha ko ang panyong iniaabot nito sa akin at basta na lang siningahan iyon. Baradong-barado na kasi ang ilong ko at wala akong panyo sa bag na nasa kandungan ko. Natigilan ako sa sunod-sunod na pagsinga ko nang marinig kong tumawa ang lalaking katabi ko. Nag-angat ako ng mukha at tiningnan ito pero hindi ko makita ang mukha nito. Naka-sunglasses kasi ito at nakasuot pa ng face mask. "Pinagtatawanan mo ba ako, Mister?" tanong ko rito. Tumikhim naman ito bago nagsalita. "I'm not." "You are! Huwag mong i-deny dahil narinig ko naman!" mataray sabi ko bago muling suminga. Nangongo na kaso ako dahil sa letseng sipon na ito. "Sorry.." Rinig kong sabi na lamang ng lalaki. "Stop crying, mukha ka ng panda sa sobrang pag-iyak mo." "Paki mo ba, ha? Kung gusto mo umiyak ka rin kung naiinggit ka," mataray na sabi ko. Bahagya itong natawa. "I'm not." Hindi naman na ako nagsalita at saka muling tahimik na umiyak. Muli akong suminga nang sunod-sunod dahil hindi na naman ako makahinga. Lalo akong napaiyak nang magsimula ng tumaas ang eroplanong kinalululanan ko. "My deepest sympathy, Miss." Napaangat ang ulo ko sa sinabing iyon ng lalaking katabi ko. "You what?" tanong ko. Akala yata nito namatayan ako kaya iyak nang iyak. "I said, condolences," ulit nito. Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ako namatayan!" "Hindi ba? I thought may namatay na malapit sa puso mo kaya iyak ka nang iyak. But I guess, condolences sa namatay mong puso." "Aba't! Nang-iinis ka ba?" "No, of course not. Actually nakikiramay ako. Alam ko ang pakiramdam ng iwanan ng taong mahal mo. Masakit iyan, iyong tipong gusto mo na lang tumalon mula sa eroplano--" "Shut up! Hindi ako tanga para kitilin ang sarili kong buhay, ano?!" mataray na sabi ko. Narinig ko naman itong tumawa. "Anong nakakatawa?" "Nothing, I'm just happy na sa kabila ng pag-iyak mo matuwid pa rin pala ang utak mo." "Hmp!" sabi ko na lamang at hindi na ito kinibo. Pasalamat na rin ako dahil tumahimik na rin naman ito. Kinuha ko na lamang ang cellphone sa bag ko at saka nagpatugtog. Mapanakit ang mga kantang pinakinggan ko, masokista ako eh mas gusto ko iyong tipong dinudurog ako sa sakit. Hanggang sa bumigat ang talukap ng aking mga mata at hinayaan kong tuluyang hilahin ng antok. ___________ Tristan Seth Pov KANINA PA ako nakatitig sa babaeng katabi ko. Tulog na tulog na kasi ito, marahil ay napagod sa ginawang pag-iyak. Actually sa waiting area pa lang sa airport ay nakita ko na ito. At saksi ako sa pag-iyak na ginawa nito. Noong una, ang akala ko ay may namatay itong kaanak kaya ito iyak nang iyak at tila walang pakialam sa paligid nito. At nang malaman kong katabi ko ito sa upuan ay aaminin kong kakaibang saya iyong naramdaman ko. Hindi iilang beses na gusto ko itong kausapin para ma-divert ang atensyon nito. Halata sa magandang mukha nito ang labis na sakit. Nang marinig ko itong magsalita ng I hate you ay doon na ako nagdesisyon na kausapin ito. Unang hakbang ko ang ibigay rito ang panyo ko. Nakailang ngiwi pa ako nang paulit-ulit nitong singahan ang panyo ko. Habang pinagmamasdan ang maganda at maamo nitong mukha ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Hindi ko kayang itanggi ang kakaibang kabog ng dibdib ko habang nakatingin dito. Hindi ko napaglaban ang pagnanais na titigan lamang ito habang natutulog. Kusang tumaas ang kamay ko at inalis ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa mukha nito. "Sinong nanakit sa'yo, hmm?" tanong ko. Makailang ulit kong hinaplos ang buhok nito. Tinuyo ko rin ang luhang sumungaw sa mata nito. Mukhang kahit sa pagtulog nito ay dala-dala ang sakit na pinagdadaanan nito ngayon. "Everything happened for a reason, Miss. Whatever it is, always remember that you deserve someone better." May hinala akong niloko ito ng kasintahan. Bakit kasintahan? Dahil wala itong singsing, meaning dalaga pa siya at aaminin kong natuwa ako sa idea na dalaga pa ito. Tila napapasong lumayo ako rito nang gumalaw ito. Tuluyan na itong nagising. Tumingin ito sa akin pero kaagad ding nagbawi ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Hindi na ito bumalik sa pagtulog hanggang sa ako naman ang tangayin ng antok. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. "S-Sir," anang lalaking boses at muli akong tinapik sa braso. "Y-Yes?" tanong ko habang tila naaalimpungatan. "I'm so sorry, Sir. But we just arrived at NAIA terminal." Napatuwid naman ako ng upo sa sinabi nito. Napatingin din ako sa tabi ko ngunit wala na roon ang babaeng katabi ko. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kahungkagan sa puso ko nang ma-realized kong marahil ay nakababa na ito. Hindi ko man lang nalaman ang kaniyang pangalan. Piping usal ko sa isip ko. "I'm sorry, nakatulog pala ako," hinging paumanhin ko sa lalaking flight attendant. "No worries, Sir," mabait na tugon nito. Muli akong napatingin sa tabi ko, sa inupuan ng babaeng katabi ko kanina. Minsan ko pang naramdaman ang kahungkagan nang hindi ko na ito nakita. Bumaba na ako ng eroplano, habang pababa ng hagdan ay binuksan ko na ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang napakaraming missed calls na sunod-sunod na pumasok. Halos lahat ay galing sa pamangkin kong si Grace. Dali-dali akong bumaba habang hila ang mga bagahe ko. Paulit-ulit akong nag-dial sa numero ni Grace pero walang sumasagot. Hindi ako mapakali, hindi ko kayang ipaliwanag iyong kabang bumundol sa dibdib ko. "Hello!" malakas na bungad ko nang may sumagot sa kabilang linya. "Grace, hello?" "Sir Tristan--" "Hello? Where's Grace?" putol ko sa pagsasalita ni Marchelly. Kilala ko ang boses nito at ito ang kasambahay namin na tumatayong Yaya sa pamangkin ko. "Where's Grace, Marchelly?" ulit ko. "Nasa hospital po si Ma'am, Sir!" "What? W-What did you just say?" "Nasa hospital po si Ma'am, Sir! Naglaslas po siya ng pulsuhan n'ya--" "No! No! No! That's not true, Marchelly! Give her the phone, I want to talk to her, now!" Pakiramdam ko mawawala ako sa sarili ng mga oras na iyon. Nagmamadali akong tumakbo palabas ng Airport. Sandali akong natigilan nang may bumangga sa akin, nakita ko ang babaeng umagaw ng atensyon ko sa eroplano kanina. Nang tumingin ito sa akin ay tila nilamukos ang puso ko nang makita kong hilam sa luha ang mga mata nito. Kakausapin ko sana ito ngunit nataranta ako nang marinig kong nagsalita si Marchelly. Sinabi nitong kailangan ako ni Grace ngayon. "I'll find you soon. I will." Iyon lang at iniwan ko na ang babaeng umiiyak na naman. Pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko paalis ng lugar na iyon. Alam kong dahil iyon sa babaeng nakapukaw sa atensyon ko at dahil sa posibleng nangyari sa pamangkin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD