Chapter 1

1316 Words
Cassie's Pov NAKAPIKIT pa na kinapa ko ang tumutunog kong cellphone. Kahit hindi ko tingnan ang screen niyon ay alam ko na kung sino ang tumatawag dahil naka-personalize ang ringing tone na iyon para kay Jason, ang aking nobyo. He was my first boyfriend, first love, and best friend and had been my boyfriend since high school. "Hmm..?" namamaos na sagot ko nang sagutin ko ang tawag nito. Nakapikit pa ring kinuha ko ang unan sa paanan ko at saka niyakap. "Cassie..." Bigla akong napamulat nang marinig ko ang tila namamalat nitong boses. Tila nawala ang antok na nararamdaman ko, bumangon ako habang hindi inaalis ang cellphone sa aking tainga. Umayos ako ng upo at saka sumandal sa headboard ng kama. "Hello, babe?" sabi ko. "Cassie..." Hindi maipagkakaila na umiiyak ang aking nobyo, kakaiba kasi ang boses nito. Sumulyap ako sa side table ko para tingnan ang orasan at nakita kong alas dos pa lang ng madaling araw. Bigla akong kinabahan dahil bakit tatawag sa akin nang ganitong oras si Jason. Ngayon lamang kasi nangyari ito. "Babe, what happened? Are you crying?" tanong ko kahit sigurado akong umiiyak ito. "Babe, anong problema?" ulit ko. "I... I'm sorry.. I'm sorry, Cassie!" garalgal na sabi nito sa kabilang linya. Napaayos ako ng upo dahil sa pagdaan ng kilabot sa buo kong katawan. Hinaplos ko ang aking braso habang pigil-pigil ang paghinga. May pakiramdam akong hindi ko kayang marinig ang mga susunod nitong sasabihin sa akin. "Babe, anong nangyari? Bakit ka umiiyak, lasing ka ba? May nakaaway ka ba? May napanaginipan ka bang masama?" sunod-sunod kong tanong ngunit tanging hikbi lang ang narinig ko mula rito. "Jason, bakit?" "Babe, mahal kita. Alam mong mahal kita, hindi ba?" "Yes, of course I know that and I love you more, babe. Please, tell me what is going on." "I'm sorry! I'm sorry!" "Jason, bakit ka nagso-sorry sa akin? Please, ano bang nangyayari diyan? It's past two o'clock in the morning!" "I'm sorry! I'm so sorry!" "Jason, puwede ba?! Bakit ka ba sorry nang sorry?" naiinis na ako dahil abot-abot na ang kabog ng dibdib ko. "Alam kong lasing ka kaya puwede ba matulog ka na lang muna. Bukas--, mamaya na lang tayo mag-usap--" "No! Please don't hang up, Cassie..." Sumisinghot na sabi nito. "I'm sorry, Cassie.. I'm sorry.." anito at saka humagulhol ng iyak. "Bakit nga?!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw. "Puro ka na lang sorry! Sorry, sorry! Paano ko maiintindihan kung puro sorry ang sasabihin mo?!" "Cassie...m-may n-nabuntis ako.. I'm sorry! I'm sorry!" Hindi agad ako nakapag-react. Nakatitig lang ako sa kisame ng apartment ko. Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko nang sa wakas ay maproseso sa utak ko ang sinabi nito. Napailing-iling ako habang tumatawa, humalakhak na parang baliw. "Jason, is it a prank? Y-Yeah, prank mo lang 'to sa akin, hindi ba?" tanong ko habang nanginginig ang boses. "C-Cassie..." "Babe, prank lang 'to, hindi ba? Sabihin mo nang it's a prank, please.." "I'm sorry--, hindi nito natapos ang sasabihin nang biglang magkaingay sa kinaroroonan nito. "Please give me my phone! I'm talking to my girlfriend, Mia!" Rinig kong sigaw nito sa kabilang linya. "No! You are not allowed to talk her, Jason!" Narinig kong sabi ng isang boses babae. May narinig pa akong kalabog kaya't lalo akong kinabahan. Ang daming tanong sa utak ko. Bakit may babaeng kasama si Jason? Bakit hindi siya puwedeng makipag-usap sa akin? Piping usal ko sa aking sarili. "Mia! Give me my phone!" sigaw ni Jason. "No!" sigaw ng babae. "Like what I've said, you are not allowed to talk to her, Jason!" "And who the hell are you to tell me who I'm supposed to talk to?" "Who am I ? Well, I'm your future wife and the mother of your unborn child!" "I'm not going to marry you!" "You have to or else I'm going to kill myself--" "I don't f-ucking care, Mia! I won't marry--" Malakas na lagapak ang narinig ko na tila naging dahilan ng pananahimik ni Jason. Hindi ko na rin narinig ang sumunod na sinabi ni Jason nang malakas na tunog ang narinig ko mula sa kabilang linya at nawala ang connection ko sa cellphone nito. Ilang sandali pa akong nakatulala lamang hanggang sa namalayan ko na lamang na umiiyak na pala ako. Hinayaan kong maglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Masakit. Walang kasing sakit na dito matatapos ang walong taong relasyon namin ni Jason. Anong nangyari? Bakit nagawa sa akin ito ni Jason? Napatanong na lamang ako sa sarili ko habang walang patid sa pagluha. Dumapa ako sa kama at saka sumubsob sa unan. Doon ay hinayaan kong mabasa ang unan dahil sa mga luha ko. Ang mahina kong pag-iyak ay nauwi sa malakas na hagulhol nang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Jason. Na nakabuntis ito ng iba. _____ Hindi na ako nakatulog, wala akong ginawa hanggang sa mag-umaga kun'di ang umiyak nang umiyak lang. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang isipin na tapos na ang walong taon na relasyon namin ni Jason. Sa kaniya umikot ang buhay ko kaya paano ako magsisimula ngayong may iba na siya. May trabaho ako ng araw na iyon pero wala akong ganang magtrabaho. Hindi ko magawang kumilos maski ang bumangon man lang. Titig na titig ako sa cellphone ko dahil nagbabakasakali akong muling tatawag si Jason para sabihing prank lang ang lahat ng iyon. Ngunit magtatanghali na bigo pa rin akong makausap ito. Nang hindi na ako nakatiis ako na mismo ang tumawag dito dahil kailangan naming mag-usap. Nakailang dial na ako sa kaniya pero hindi ko na ma-contact ang numero nito. Nang makaramdam ng ihiin ay nagmamadali akong bumangon at pumasok sa banyo. Hindi pa man ako tapos umihi nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali akong nagtaas ng short at patakbong bumalik sa kama ko. Nanlumo ako nang makitang hindi pala si Jason ang caller kun'di ang kaibigan kong si Shiela. Nasa Pilipinas ito at nagtatrabaho bilang isang computer programmer habang ako naman ay narito sa Taiwan at nagtatrabaho bilang isang Agricultural Specialist. "Shie.." bungad ko nang sagutin ang tawag nito. "Cassie, kumusta ka na--" "H-Hindi ako okay, Shie...I'm not okay, pakiramdam ko mababaliw ako rito.." Matapos kong sabihin iyon ay muling naglandas ang mga luha ko. Kinuha ko ang kumot at iyon ang ginawa kong pamunas sa mukha ko. "Cassie..." "Ang sakit. Ang sakit-sakit, hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Gusto kong maintindihan kung bakit niya ako niloko, Shie. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula pagkatapos nito. Shie, sabihin mo sa akin kung paano ko siya makakalimutan---mahal na mahal ko siya eh. Sa kaniya umikot ang buhay ko, ang walong taon ng buhay ko. Tell me how..because I really don't know how!" humahagulhol na sabi ko sa kaibigan ko sa paos na tinig. "I love him so much. Mahal ko si Jason, Shie!" "Cassie..." Bakas ang awa sa boses nito. "Kailangan mong lakasan ang loob mo." "Hindi ko kaya, pakiramdam ko iniwan niya akong may tali sa leeg na unti-unting sumasakal sa akin. Shie, gusto ko siyang makita at makausap! Ayaw kong mauwi sa wala ang lahat." "Pero may pananagutan na siya sa iba, Cassie." "Paano ako? Gano'n na lang iyon?" hikbing sabi ko. Narinig ko ang pagpakawala nito ng buntong-hininga. "Kung sa tingin mo hindi mo kayang mag-isa, umuwi ka muna rito. Kung ang makausap siya ang makapagpapagaan ng loob mo, kausapin mo siya. Pero gusto kong palagi mong iisipin na may pananagutan na siya sa iba." Sinikap kong kalmahin ang sarili ko. Pero tila lalo lang sumakit ang lalamunan at dibdib ko. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko na naman napigilan ang paghagulhol ko. Narinig ko pa ang mga payo ni Shiela sa kabilang linya ngunit wala akong maintindihan. Tanging hikbi na lamang ang nagawa ko habang nakikinig dito. Masakit. Sobrang sakit. Eight long years of relationship, matatapos dahil nakabuntis ng iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD