Chapter 3
Cassie's Pov
TATLONG araw mula nang makabalik ako ng Pilipinas, tatlong araw ko na ring sinusubukan na makausap si Jason para linawin ang nangyari sa amin pero walang nangyari. Paulit-ulit akong nabibigo dahil hinaharang ako ng babaeng nabuntis nito.
At ngayon nga, pakiramdam ko palubog nang palubog ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa nobyo kong si Jason habang ikinakasal sa ibang babae. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakikinig sa palitan nila ng vow sa isa't-isa.
Ang sakit. Ang sakit-sakit na makitang ikinakasal sa iba ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin siya nangako na ako ang pakakasalan niya pero bakit sa iba siya ikinakasal ngayon.
"Ako dapat iyan, Jason. Ako dapat ang pinapangakuan mo ng mga iyan at hindi ang babaeng iyan," sabi ko sa mahinang boses. Parang pinupunit ang puso ko habang nanunuod sa kanila.
"And now, I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."
Ang mga salitang iyon ng Pari ang tila lalong nagpabalong sa mga luha ko. Wala na. Wala na akong pag-asa dahil naikasal na siya sa iba. Ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap muna siya bago nagpatali sa iba. Ako ang girlfriend pero sa iba ikinasal. Ito na ba iyong sinasabi nilang ipinagtagpo pero hindi itinadhana? Kasi kung ito na iyon, masakit. Sobrang masakit na sa ganito nauwi ang walong taong relasyon namin ni Jason.
Sabay-sabay naglaglagan ang mga luha ko nang halikan ni Jason ang bride nito.
Hindi ko na kinaya kaya't masamang-masama ang loob na nilisan ko ang lugar na iyon, dumiretso ako sa isang bar para uminom. Gusto kong magpakalasing ngayon para kahit papaano makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko ito kaya, hindi madaling itapon ang walong taon ng buhay ko.
Pagdating pa lang sa bar, umorder na agad ako ng maiinom ko. Habang umiinom sa isang sulok ay wala pa ring tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Ayaw ko ng umiyak pero tila may sariling isip ang mga luha ko na ayaw magpaawat.
Nakailang shots na ako, nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo pero wala akong pakialam. Ni wala akong pakialam sa paligid kong maingay, magulo, nagkakasiyahan, nagtatawanan, naghihiyawan. Lahat sila ay masayang-masaya habang ako ay durog na durog sa isang sulok.
Nang maubos ang iniinom ko ay pagiwang-giwang akong naglakad papunta sa counter para muling humingi ng maiinom ko.
"Miss, kaya n'yo pa po ba?" concern na tanong ng bartender.
Namumungay ang mga matang tiningnan ko ito. "Ano sha tingin mo, ha?" tanong ko.
"Miss, baka po hindi na kayo makauwi, lasing na lasing na po kayo eh," anang lalaking bartender.
"Bibigyan mo ako o magwawala ako rito?" pagbabanta ko. Lasing na ako at nagdu- doble na ang paningin ko pero gusto ko pang uminom. Hindi ko pa nakakalimutan ang kakaguhan ni Jason sa akin.
"Miss, baka--"
"Bibigyan mo ako o magwawala ako rito?" ulit ko. "Hindi mo ba nakikita na gushto ko pang mag-inom? May pera ako, magbabayad ako sha iyo." Nabubulol ko ng sabi.
"Miss--"
"Ashan na ang alak ko?" Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ako nag-abalang lingunin kung sino iyon. "Akin na shabi eh."
"Bigyan mo siya," anang baritonong boses sa tabi ko.
Nakita ko namang mabilis kumilos ang bartender at binigyan ako ng alak na hinihingi ko.
"Ayan, ibibigay mo rin pala pinaghintay mo pa ako," ngising sabi ko. Nakailang shots pa ako pagkatapos niyon. Ang lalaking nakaupo sa tabi ko ang nagbibigay niyon.
At dahil gusto kong magwalwal ng mga oras na iyon, tinanggap ko lang nang tinanggap iyon. Nang may inabot sa akin ang lalaki ay mabilis ko iyong tinungga.
"Last na 'to, hindi ko na kaya," sabi ko pa matapos maubos ang laman ng baso.
Balak ko na ring umuwi. Ngunit nang tumayo ako ay nakaramdam ako ng kakaibang pagkahilo. Parang bigla akong inantok na hindi ko kayang paglabanan ang pagpikit ng mga mata ko.
"Inaantok na yata ako, sh*t!" Napamura pa ako nang muntik na akong masubsob, mabuti na lamang at may maagap na mga kamay ang humila sa beywang ko para hindi ako tuluyang humalik sa sahig.
"Careful," anang boses. Parang kaboses nito ang lalaking katabi ko kanina.
"Thanks," sabi ko.
"Kaya mo bang lumakad?" tanong nito.
"I do." Iwinaksi ko ang kamay nitong nasa beywang ko pa rin. "Let me go!" napalakas na ang boses ko nang maramdaman kong pinisil nito ang beywang ko.
"Huwag ka ng pumalag, Miss. Tutulungan kitang makalimutan ang lalaking dahilan ng paglalasing mo," anas nito sa may punong-tainga ko.
Nangilabot ako dahil doon. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot.
"No! Bitawan mo ako!" Pinilit kong makawala sa pagkakahawak nito.
"You're mine."
"No! Walang hiya ka, may balak kang masama sa akin kaya pinainom mo ako nang pinainom, ano? Walang hiya ka!" Tila nawala ang kalasingan ko dahil do'n. Lalo na nang maaninag ko ang malahayok nitong mukha.
"Walang hiya ka!"
"Huwag ka ng pumalag, dadalhin kita sa langit, mahal ko.."
"No! Pumunta kang mag-isa!" Ginamit ko ang buong puwersa ko para makawala rito ngunit gigil na binitnit ako nito na tila sako ng bigas.
"No!" Nagkakawag ako para makawala rito ngunit mas malakas ito. Idagdag pang unti-unti ng sumasara ang talukap ng mga mata ko.
Lord, please, huwag Mo po akong pababayaang mapahamak sa kamay ng lalaking ito. Piping usal ko kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.
____________
Tristan Seth Pov
MATAPOS ang kasal ng pamangkin kong si Grace, pumunta ako ng bar para uminom. Kanina pa ako rito, matapos ang sandaling speech sa reception ng kasal nila ay umalis din ako. Mahal ko kasi ang pamangkin ko at hindi ko matanggap na nagpakasal ito sa isang lalaking hindi ito mahal. Alam kong napilitan lamang itong pakasalan ang pamangkin ko at iyon ang hindi ko matanggap.
Nang makabalik ako galing Taiwan, sa hospital ako dumiretso dahil nalaman kong nagtangkang magpakamatay ang pamangkin ko. Buntis pala ito at ayaw panagutan ng lalaking nakabuntis dito. Natuloy lang silang ikasal kanina dahil tinakot ko ang lalaking iyon na may kalalagyan siya sa oras na takasan ang pamangkin ko.
Hindi ko kayang mawala ang nag-iisang pamilya ko. Kaya labag man sa loob ko ay ipinakasal ko silang dalawa.
Tiim-bagang na napabuga ako ng hangin upang ikalma ang sarili ko. Sunod-sunod kong nilagok ang laman ng baso ko. Mag-isa lang ako ngayon dahil may sariling problema si Xander at Zeus.
Nang medyo napaparami na ang inom ko ay nagdesisyon akong umuwi na sa unit ko. May bahay ako kasama ang pamangkin ko pero hindi ko kayang umuwi do'n dahil alam kong naroon ang lalaking asawa na ngayon ng pamangkin ko.
Palabas na sana ako ng Bar na iyon nang may mahagip ang mga mata ko. May isang lalaking pilit binubuhat ang babaeng nagwawala.
Napakunot ang noo ko nang makita kong pisilin nito ang beywang ng babae. Sa hinuha ko ay lasing na lasing ang babaeng iyon.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin, basta natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakasunod sa mga ito. Pinagmasdan ko silang mabuti at gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong tila nagpupumiglas ang babae.
Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may mali sa dalawang iyon. Kung magnobyo sila, bakit tila nagnanais makawala iyong babae. Ilang sandali ko pa silang pinagmasdan bago nagdesisyon na umalis na lamang sa lugar na iyon.
Pasakay na ako sa kotse ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ng babae.
"Walang hiya ka pakawalan mo ako!"
"Huwag ka ng pumalag, dadalhin kita sa langit, mahal ko.."
"Bitawan mo ako, walang hiya ka!" Muli ko silang pinagmasdan hanggang sa makita kong lumaylay ang ulo ng babae. Mukhang nakatulog na ito sa kalasingan.
Nang makita kong mala-demonyong ngumisi ang lalaking may karga sa babae ay hindi na ako nag-isip, patakbo akong lumapit sa mga ito at mabilis na hinila ang babae.
"Damn! Who the hell are you?!" galit na sigaw nito sa akin.
"Anong gagawin mo sa babaeng iyan, ha? Gagahasa*n mo?" tanong ko.
"Huwag kang makialam! This woman is mine!"
"Mine? In your dreams!" Buong puwersa kong hinila ang babaeng walang malay mula sa mga bisig nito. "Let her go or else I will sue you!"
"I'm not threatened! She's mine and find yours!" galit na wika nito at nakipaghilahan sa babaeng wala pa ring malay.
"I said, let her go! Son of the b*tch!"
Nagpangbuno kami at hindi ako pumayag na hindi makuha mula sa kamay nito ang babae. Mukhang lasing na lasing ito at tiyak mapapahamak ito sa kamay ng lalaking ito.
"She's mine! You asshole!" Muling sigaw nito.
"Dream on!" Kasabay nang sigaw kong iyon ay nagtagumpay akong makuha ang babae sa kamay nito.
Dahan-dahan ko muna itong ibinaba sa sahig bago nakipagbuno sa lalaking tila ayaw sumuko. Sinuntok ko ito sa mukha, sapol ang ilong nito. Nang akma itong babawi, muli kong pinadapo ang kamao ko sa mukha nito.
"Damn you!" galit na sigaw nito habang gumigiwang ang tayo.
"Leave! You bastard!" ganting sigaw ko at muli itong sinugod.
Pinaulanan ko nang sunod-sunod na suntok ang mukha at sikmura nito dahilan para mapaupo ito sa sahig.
"Enough! Hindi na ako lalaban, sa'yo na ang babaeng iyan." Ngumingiwing sabi nito.
"Security! Security!" malakas na sabi ko.
Patakbo naman itong umalis sa lugar na iyon at nagmamadaling sumakay sa sasakyan nito. Nang mawala ito sa paningin ko ay do'n pa lang ako tila nakahinga nang maluwag. Muli kong binalikan ang babaeng tulog na tulog pa rin.
Dahan-dahan kong hinawi ang buhok nitong tumabing sa mukha nito. Gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko nang mabistahan ko ang kabuuan ng mukha nito.
"Ikaw?" mahina kong anas.
Hindi ako puwedeng magkamali, siya ang babaeng nakasakay ko sa eroplano. Ang babaeng walang ginawa sa buong biyahe mula Taiwan hanggang Pilipinas kun'di ang umiyak sa tabi ko.
"Ano bang problema mo at ginaganito mo ang sarili mo, ha?" Nakaramdam ako ng galit at inis dito. "Sobrang laki ba ng problema mo at hinahayaan mong mapahamak ka, ha?" tanong ko pa rito na akala mo naman ay naiintindihan ako.
Minsan ko pang pinagmasdan ang maganda nitong mukha bago ibinaba ang dress nitong lumilis na sa may punong-hita nito.
"Kung hindi kita nakuha sa lalaking iyon, ano ang mangyayari sa'yo, ha?" Minsan pang nagtangis ang mga bagang ko bago ito binuhat at isinakay sa sasakyan ko.
Inayos ko ang upo nito at saka ikinabit ang seatbelt. Ini-adjust ko rin ang upuan para makasandal ito. Matapos kong maayos ang puwesto nito, sumakay na rin ako. Nagdesisyon akong iuwi ito sa unit ko.
Bahala na, ang mahalaga ligtas na siya.
Ilang sandali pa, nasa harap na kami ng building kung saan naroon ang unit ko. Maingat ko itong binuhat, karga ko ito habang papasok sa building na iyon.
Tumango pa sa akin ang security guard na naka-duty ng mga oras na iyon. Tinanguan ko rin naman ito at saka sumakay sa elevator. Nang makarating sa tapat ng unit ko ay pahirapan kong mabuksan ang pinto dahil may kabigatan ang babae.
Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay mabuksan ko iyon. Isinara ko ang pinto gamit ang kaliwang paa ko. Dahan-dahan kong inihiga sa kama ang babaeng wala pa ring malay. Umupo muna ako sa may paanan nito dahil hiningal ako sa pagkarga rito.
"Damn!" Hindi ko napigilan ang mapalunok-laway nang aksidenteng malilis ang dress nito. Lumitaw ang mapuputi at makikinis nitong hita.
Hindi naman ako Santo para hindi makaramdam ng init habang nakikita ang hita nito. At upang hindi magkasala,
nagdesisyon akong tumayo na ngunit bigla itong bumangon.
Bigla itong yumakap sa akin na ikinabigla ko at saka sumubsob sa dibdib ko. Natigilan ako nang marinig ko ang mahina nitong hikbi.
"Miss?" Tangka ko itong ilalayo sa katawan ko ngunit mas humigpit lalo ang yakap nito. Maging ang mahina nitong hikbi ay lumakas na rin.
"Miss!"
"I thought you said you love me? Why did you do this to me?" umiiyak na sabi nito.
"Miss.."
"Why?! Why did you do this to me?"
Hindi naman ako nakakibo. Hinayaan ko itong umiyak sa dibdib ko. Maya maya pa ay kusang tumaas ang kamay ko para yakapin din ito. Hindi ko napaglaban ang kagustuhan kong i-comfort ito.
Mas humigpit ang yakap nito sa akin. "I love you. Bumalik ka na sa akin, please?"
Parang kinukurot ang puso ko sa bawat hikbi nito. "Take it easy. Magiging maayos din ang lahat," pag-aalo ko rito.
"Babe..please, come back to me. Huwag mo akong iwan, please?"
Paulit-ulit itong nakiusap na balikan ng kung sino mang lalaking iyon. Hanggang sa unti-unting humina ang boses nito. Lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa akin hanggang sa tuluyan na ako nitong nabitawan.
Lumaylay ang ulo nito, nakatulog na pala ito dahil sa kakaiyak nito. Dahan-dahan ko itong ibinalik sa pagkakahiga nito. Minsan ko pa itong pinagmasdan.
"Sobrang sakit ba ng ginawa niya sa'yo?" Nakaramdam ako ng simpatya para rito.
"Ito ang pangalawang beses na nagtagpo ang mga landas natin ngunit bakit parati kang umiiyak?"
Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong pawiin ang sakit na nakalarawan sa magandang mukha nito.