Chapter 4

2244 Words
Tristan Seth POV HABANG mahimbing na natutulog sa kama ko ang babaeng muntik ng mapagsamantalahan kanina ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ilang beses ko na siyang nakita at sa tuwing magsasanga ang mga landas namin ay parati siyang umiiyak na parang wala ng bukas. Lalo akong napaisip nang makita kong habang natutulog ito ay umiiyak pa rin. Gets ko nang malamang niloko ito ng boyfriend dahil na rin sa sinabi nito kaninang huwag siyang iwanan, na bumalik na rito ang lalaking iniiyakan nito. Naiiling na inayos ko ang kumot na itinakip ko sa katawan nito kanina. Matapos kong ayusin iyon ay tumayo na ako at saka lumipat sa sofa para roon matulog. Humiga na ako at ginawang unan ang isang braso ko habang ang isa naman ay ipinatong ko sa aking noo. Sana lang tuloy-tuloy na ang paghimbing ng tulog niya. Piping usal ko sa isip ko. Minsan ko pa itong tiningnan mula sa kinahihigaan ko at kapagkuwa'y pumikit na rin ako para matulog. Madali naman akong nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa pagod ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatulog basta naalimpungatan ako dahil sa malakas na lagabog. Tumingin ako sa kama at gano'n na lang ang pagbalikwas ko nang wala roon ang babae. "Miss?" Tawag ko rito nang hindi ko makita sa loob ng kuwarto ko. "Miss, nasaan ka?" Wala akong nakuhang sagot pero malakas na lagapak ang narinig ko. Napatingin ako sa pinanggalingan niyon at halos manlaki ang ulo ko nang makita ko ang babae na umaakyat sa pasimano ng unit ko. May maliit na terrace sa likod ng kurtina at doon siya umaakyat. "Jesus Christ! Miss, huwag kang sasampa riyan!" Takot na takot ako ng mga sandaling iyon dahil may balak yata itong magpakamatay. "Shino ka? Anong ginagawa mo rito?" tanong nito at lumingon sa akin. "Miss, bumaba ka riyan, please. Sa loob tayo mag-usap, please?" Iniabot ko sa kaniya ang kamay ko pero tinabig lang nito iyon. "Shino ka?" muling tanong nito. "Miss, abutin mo ang kamay ko, please. Baka mahulog ka riyan," nanginginig na ang mga tuhod ko sa nerbiyos. Muli kong inabot ang kamay ko sa kaniya at saka mabagal na humakbang. "Hawak ka sa kamay ko, Miss, sige na." Pinalambing ko ang boses ko. Para akong aatakehin sa puso ng mga oras na iyon. Isang maling kilos lang nito ay puwedeng magsala ang paa nito at tuluyang malaglag. Napadasal ako nang taimtim habang lumalapit dito. "Miss, please?" sabi ko pa. "Bakit ba? Gusto ko rito, malamig," anito at nag-iwas ng tingin. "Naiinitan ka ba kaya nariyan ka?" Malumanay kong tanong habang dahan-dahang lumalapit. "Oo. Init na init na ako at hindi na yata ako makahinga kaya gusto ko rito, malamig. Fresh ba fresh." "Hindi ka magpapakamatay? Hindi ka tatalon?" Sa halip na sumagot ay matinis na hagikhik ang isinukli nito sa akin. "Kaya naman pala takot na takot ka, akala mo tatalon ako rito?" anito at muling humagikgik. "Y-Yeah, so give me your hand, please? Lalakasan ko na lang ang aircon kung naiinitan ka. Huwag ka riyan, delikado para sa iyo." Pinalambing kong lalo ang boses ko. "Eh kung tumalon na nga lang kaya ako--" "Miss, no! Please, parang awa mo na huwag mong gagawin iyan!" hintatakutang sabi ko. "Baka mawala iyong sakit eh. Baka makalimutan ko na ang shakit dito." Humarap naman siya sa akin at tila may awang humaplos sa puso ko nang magsimula na namang pumatak ang mga luha nito. "Sobrang sakit dito, eh," sabi nito habang nasa dibdib ang isang kamay. "Hey, don't do that, hmm? I'm here, sweetheart," pag-aalo ko. "Bakit ikaw nag-aalala sa akin, pero iyong fiance ko hindi?" Humikbi ito. Hikbing tila punyal na tumarak sa dibdib ko. "Kasi wala siyang kuwenta. Huwag ka ng umiyak, ha? Hindi mo dapat iniiyakan ang lalaking ikaw mismo ang sinayang. Tutulungan kitang kalimutan siya, basta bumaba ka na, ha?" pakiusap ko rito. "Mahal na mahal ko siya eh. Hindi ko siya kayang mawala sa akin," umiiyak na sabi nito. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kitang-kita sa maganda niyang mukha na basang-basa na ng mga luha. Sinamantala ko ang pag-iyak nito at saka mabilis na hinawakan ang kamay nito at kapagkuwa'y hinapit amg beywang nito para maibaba mula sa pasimano. Napabuga naman ako ng hangin nang magtagumpay akong maibaba siya. Nang lumakas ang iyak nito ay walang pagdadalawang-isip na ikinulong ko siya sa mga bisig ko. "Sshh, stop crying, sweetheart." Natigilan ako nang ma-realize ko ang itinawag ko rito. At lalo akong hindi nakakibo nang gumanti siya ng yakap sa akin at sumiksik sa dibdib ko. Para itong batang umiyak sa dibdib ko. At para maibsan ang sakit na nararamdaman nito ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. "I'm here. Hindi pa katapusan ng mundo kung iniwan ka niya. May plano si Lord kaya nangyari 'to, maybe you two are not meant to be. I'm sure may dahilan, maybe because He lead you to meet someone else, someone you deserve. Ikaw ang sinayang niya kaya dapat ikaw iyong iniiyakan niya, Miss." Pag-aalo ko sa kaniya. Nakahinga naman ako nang maluwag nang huminto na ito sa pag-iyak. Suminghot-singhot na lamang ito habang nakasiksik pa rin sa katawan ko. Maya maya naman ay lumayo siya sa akin. Pero gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang magtanggal siya ng panty sa mismong harapan ko. "Jesus Christ! Miss, what are you doing?" Mabilis ko siyang pinigilan. "Miss, please, don't do that!" Iwinaksi nito ang kamay ko at mataray akong tiningnan. "I feel hot!" Nagkukumahog naman akong itinodo ang bukas ng aircon. Ang akala ko ay sapat na iyon para lamigin ito pero laking gulat ko nang tanggalin pa rin nito ang panty. Maging ang dress na suot nito ay sinimulang ibaba ang strap. "Miss!" Natataranta akong lumapit dito at pinigilan ito. "Miss, please, don't!" "Bakit ba?! Naiinitan nga ako eh, gusto kong maghubad!" Galit na sabi nito at tinabig na naman ang kamay ko. "Miss, no! You can't do that!" "Why not? I feel hot!" "You're crazy! I'm still a man, for Pete's sake!" "So? Bakit pakikialaman mo ako, gano'n ba?" "I'm not a saint, Miss," tiim-bagang na sabi ko. Pinagpawisan ako ng noo nang tuluyan niyang ibaba ang dress na suot. Nalantad sa harap ko ang mala-porselana niyang kutis at ang makurba nitong katawan. Sunod-sunod akong napakurap at napalunok-laway. Sandali akong nawala sa aking sarili habang titig na titig sa perpekto nitong katawan. "Did you like it, hmm?" Maharot na tanong nito at nagsimulang humakbang palapit sa akin. Napaatras naman ako. Lasing siya at alam kong bukas pagsisisihan nito ang mga ginagawa ngayon. Alam kong alam niya ang ginagawa niya pero dahil sa espirito ng alak ay hindi nito makontrol ang sarili. Ipinilig ko ang ulo at saka mabilis na kinuha ang kumot sa ibabaw ng kama at kapagkuwa'y ibinalabal ko iyon sa kahubdan nito. "Alisin mo iyan, mainit!" "No! Huwag mong sagarin ang pagtitimpi ko, Miss. Hindi ako santo, for Pete's sake!" Gigil na sabi ko at dinala ito sa ibabaw ng kama habang nakabalot pa rin sa kumot. "Alisin mo 'to, mainit, ano ba?" "Aalisin ko iyan kung magdadamit ka!" Mariin kong sabi sa kaniya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko kayang ikaila ang nabubuhay na pagnasasa sa loob ng katawan ko. Lalaki ako at babae siya. Napakagandang babae. "Naiinitan ako eh," garalgal na sabi nito. "Gusto kong malamigan." "Okay, gagawan natin ng paraan. Huwag mong alisin ang kumot, ha," sabi ko at iniwan ito sandali. Kumuha ako sa kusina ko ng yelo at inilagay ko iyon sa maliit na palanggana. Bumalik ako sa kuwarto na dala-dala iyon, kumuha rin ako ng bimpo. Iyon na lang ang naiisip kong paraan para mawala ang init niya. Ipinatong ko muna un sa lapag sandali at kumuha ako ng isang long sleeve ko na maaari kong isuot sa kaniya. Kapagkuwa'y bumalik ako sa tabi nito para lang makita na tulog na pala ito. Nasapo ko ang ulo at napailing na pinagmasdan ito. Tila hapong-hapo na umupo ako sa tabi nito at mataman siyang pinagmasdan. "Ano kayang mararamdaman mo kapag naaalala mo kung anong mga pinaggagawa mo ngayon, ha? Pasalamat ka ako ang nakakuha sa iyo at hindi ang kung sinong manyak dahil kung hindi malamang nagawan ka na ng masama," sabi ko rito. Sinimulan kong punasan ang mukha nito, maging ang mga braso nito at pati na rin ang leeg. Nang gumalaw ito ay kaagad akong tumalikod dahil nalantad na naman ang mayayaman nitong dibdib. Ramdam ko ang pagwawala ng alaga ko dahil sa nakita ko. Nagmadali na akong matapos sa pagpupunas sa katawan nito dahil pinagpapawisan na ako nang malala. Matapos kong isuot dito ang long sleeve ko ay mabilis na akong lumayo rito. Pawis na pawis akong pumunta sa kusina para uminom ng malamig at maraming tubig. "Sh*t! Ano ba 'tong napasukan ko." Palatak ko nang matapos kalmahin ang sarili ko. Hindi na muna ako bumalik sa kuwarto dahil hindi mawala sa isip ko ang nakita ko. Kumuha rin muna ako ng alak para pakalmahin ang nagwawalang demonyo sa loob ng katawan ko. Nang makaramdam ng antok ay saka pa lang ako bumalik sa kuwarto. Napa-sign of the cross pa ako bago dahan-dahang binuksan ang pinto. _________ Cassie's POV NAGISING ako dahil sa mainit na sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kuwarto ko. Kuwarto ko? Piping usal ko sa aking sarili habang iginagala ang paningin sa loob ng kuwartong iyon. "Sh*t, kaninong kuwarto 'to? At bakit ako narito?" Hindi kasi pamilyar sa akin ang kuwartong kinaroroonan ko. Awtomatikong napahawak ako sa ulo ko nang kumirot iyon, tangka akong babangon nang tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa may bandang tiyan ko. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto kong kamay pala ang nasa tiyan ko at hindi bagay. Mabagal ang ginawa kong paglingon, malakas akong napasinghap nang bumungad sa paningin ko ang lalaking hindi ko naman kilala. "Oh my God!" Impit na bulalas ko nang mapagtanto na wala akong underwear na suot. Maging ang damit na suot ko ay iba na rin. "Oh my God! May nangyari sa amin?!" Pabulong na sabi ko. Handa na sana akong sampalin ang lalaking himbing na himbing na natutulog sa tabi ko nang bumalik sa isip ko ang mga nangyari. Naalala kong pumunta akong mag-isa sa bar at nagpakalasing para kalimutan si Jason. Para makalimutan ang sakit dahil nasaksihan kong ikinasal na siya sa iba. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at saka mariing ikinuyom iyon. Biglang ragasa kasi sa isip ko ng mga nangyari. Gulong-gulo ang isip na dahan-dahan akong bumangon at inalis ang kamay ng estranghero sa tiyan ko. Sabay-sabay na naglaglagan ang mga luha ko nang makita ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari pero malabo pa rin sa akin ang lahat kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Ang huling natatandaan ko ay ang lalaking nagbayad sa ininom ko kagabi, pinainom niya ako nang pinainom pero basta isa lang ang sigurado ako. Ang lalaking nakayakap sa akin kanina ay hindi ang lalaking nagpainom sa akin kagabi. Sigurado ako sa bagay na iyon. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko at nagmamadaling pumasok sa banyo para magbihis. Hiling ko lang na sana huwag magising ang lalaking nasa kama dahil hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kaniya. Hindi ko alam kung may nangyari sa amin dahil pinakiramdam ko ang sarili ko at hindi naman masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko. Habang inaayos ang sarili ko sa loob ng banyo ay walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi puwedeng malaman ng mga magulang ko na ganito ang nangyari sa akin. At wala akong ibang puwedeng sisihin sa kinahinatnan ko kun'di ang sarili ko lang din. Ako mismo ang may gawa kung bakit nangyari sa akin ito. Matapos magpalit ng damit ay kaagad akong naghilamos para ayusin ang mukha kong puno ng luha. Pagkatapos niyon ay mabagal at puno ng ingat akong lumabas ng banyo. Sinilip ko muna ang lalaki, nang matiyak kong tulog pa ito ay kaagad akong lumabas ng kuwartong iyon na hindi gumagawa ng anumang ingay. Nakahinga lang ako nang maluwag nang sa wakas ay tuluyan na akong makalabas ng kuwartong iyon. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko sa takot na baka magising ang lalaki. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin dahil alam kong malaking kagagahan ang mga pinaggagawa ko. Kilala ko ang sarili ko kaya takot na takot akong mag-inom dati pa. Hindi ko lang nakayanan ang sakit na nararamdaman ko kaya nagdesisyon akong maglasing kagabi. Hindi madaling tanggapin at kalimutan ang walong taong relasyon namin ni Jason. Hindi iyon madali. Muling naglaglagan ang mga luha ko nang ma-realize na wala na akong habol dahil kasal na siya. Paano ko sisimulang tanggapin ang lahat kung wala man lang kaming closure. Ni hindi man lang siya nakipaghiwalay sa akin bago nagpakasal sa iba. Ni hindi ko man lang naitanong kung paano niya ako nagawang lokohin. Kung paano niya nagawang itapon ang walong taong relasyon namin nang gano'n-gano'n na lamang. Impit akong napaiyak sa loob ng elevator. Laking pasasalamat ko na rin dahil ako lang mag-isa sa loob. Malaya kong pinakawalan ang masaganang luha ko. Ang sakit. Ang sobrang sakit maiwan sa ere ng lalaking minahal ko buong buhay ko. Masakit maiwan ng lalaking ginawa mong sentro ng buhay mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD