Tristan Seth POV
MATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito ang naiwan nito sa banyo.
Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi.
Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta?
Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko.
Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano?
Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-igkas ng pagkalalak*e ko nang maalala ang napakaganda niyang katawan.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng katawan ko dahil do'n. Tila hindi sapat ang malamig na tubig mula sa shower para patayin ang init na nararamdaman ko. Sa huli, wala akong nagawa kun'di ang ilabas ang init na nararamdaman ko sa pamamagitan ng kamay ko.
Nanginginig ang mga tuhod na tinapos ko ang pagliligo at saka nagmamadaling nagbihis. Balak kong pumunta muna sa bahay namin ng pamangkin ko. Doon ko kasi sila pinatira ng asawa niya para palagi ko pa rin siyang ma-monitor. Hindi lingid sa kaalaman ko na napilitan lang magpakasal ang lalaking iyon sa pamangkin ko at hindi ako papayag na gawin niyang miserable ang buhay ng pamangkin ko.
Over my dead body.
Lulan ng kotse ko na binagtas ko ang daan pauwi sa bahay namin. Ang bahay na iyon ay bahay pa ng mga yumao kong magulang. Kahit malungkot sa bahay na iyon ay hindi ko kayang umalis doon dahil naroon ang masasayang memories namin ni Kuya na ama ni Mia Grace. Maging ang naiwang memories ng mga magulang namin.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa bahay. Pero nasa main door pa lang ako nang makarinig ako nang malakas na kalabog at sigawan mula sa loob.
"Hindi ka puwedeng umalis, Jason!" Boses iyon ng pamangkin ko kaya naman napatakbo ako papasok sa loob.
"Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo! Who do you think you are para kontrolin ang buhay ko, ha?!"
Napatiim-bagang ako nang marinig ang boses na iyon ni Jason. Ang asawa ng pamangkin ko.
"I'm your wife!"
"You're just my wife, Mia! Kahit anong gawin mo hindi kita magagawang mahalin! Napilit mo man akong pakasalan ka pero hinding-hindi mo ako mapipilit na mahalin ka! Mamamatay akong si Cassandra lang ang mahal ko at hindi ang kung sino, at lalong hindi ikaw!"
Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko nang marinig ko ang malakas na hagulhol ng pamangkin ko.
"Kahit lumuha ka pa ng dugo hindi kita mamahalin. Hindi mo makukuha ang puso ko, Mia. Tandaan mo iyan! Bitawan mo 'ko, Mia, aalis ako!"
"No! Hindi ka aalis! Walang aalis, Jason! Hinding-hindi ako papayag na puntahan mo ang babaeng iyon, dito ka lang!"
"Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ni Jason sa pamangkin ko.
Para akong sinaniban ng demonyo nang marinig kong lalong lumakas ang iyak ng pamangkin ko.
Wala akong sinayang na sandali. Malalaki ang hakbang na tinakbo ko ang hagdaan kung saan nagmumula ang sigawan ng dalawa. Marahas kong pinihit ang seradura at gigil na gigil na nilapitan si Jason.
"Tito!" Sigaw ni Mia Grace nang haklitin ko ang kuwelyo ng dapat ng lalaki. "Tito, huwag!"
Isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa mukha nito. Pero hindi man lang ito natinag. Sa halip ay tumingin siya sa akin na puno ng kalamigan.
"Kahit patayin mo ako, wala kang magagawa!" Sigaw ni Jason sa akin.
"Don't test my patience, Jason! Kaya kitang tanggalan ng hininga kapag niloko mo ang pamangkin ko!" Gigil na gigil na sabi ko at muling hinila ang kuwelyo nito. "Binuntis mo ang pamangkin ko tapos ang kapal ng mukha mo para sabihing ang Cassandra na iyon ang mahal mo?! Fvck you!" Muli kong binigyan ng suntok ang mukha nito.
Napaatras ito mula sa akin pero lumapit ulit ako sa kaniya. Tangka ko siyang bibigyan ulit ng sapak nang awatin ako ni Mia Grace.
"Tito, enough!" Luhaang sabi nito. Bawat hikbi nito ay tila punyal na tumatarak sa dibdib ko. "Huwag mong saktan si Jason, please?" pakiusap pa nito.
"Huwag saktan?! Harapan ka niyang iniinsulto tapos hayaan ko?! Napapitlag ito sa pagsigaw ko. "Kung okay lang sa iyo na sabihin na hindi ka niya mamahalin puwes sa akin, hindi! Hindi kita inaalagaan at minahal para saktan lang ng gagong iyan, Mia Grace!"
"Enough na Tito, please? Mag-uusap na lang po kami ni Jason. Galit lang siya kaya niya nasabi iyo--"
"Hindi ako bingi! Narinig ko ang mga sinabi niya sa'yo, kaya huwag na huwag mong ipagtatanggol sa akin ang lalaking iyan! Huwag na huwag, Mia Grace!" Sa sobrang gigil ko ay muli kong nilapitan si Jason na nagpupunas ng dugo sa gilid ng mga labi nito.
Dinuro ko ang noo nito. "Kung iniisip mong lokohin ang pamangkin ko para makipagbalikan sa ex-girlfriend mo, don't you dare!" Pagbabanta ko.
"Bakit, anong gagawin mo? Papatayin mo ako?" paghahamon naman nito sa akin. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin dahilan para lalo akong manggigil.
"I'm not scared! Hindi ako takot mamatay dahil ang pagpapakasal sa pamangkin mo ay para na rin akong senintensiyahan habang-buhay." Mahina ngunit mariin niyang sabi sa akin.
"Sana naisip mo iyan bago mo pinakialaman ang pamangkin ko! Alam mong may girlfriend kang tao pero pumatol ka pa rin sa pamangkin ko! Tapos ngayon, ipapamukha mo sa pamangkin ko na hindi mo siya mahal?!" Sigaw ko. "You son of the b*tch!"
"Tito, huwag! Please, tama na!" Pakiusap ni Mia Grace sa akin nang tangkain kong muling sapakin ang asawa nito. Umiiyak na yumakap siya sa aking braso ko at kapagkuwa'y tumingin sa akin. "Mahal na mahal ko siya, Tito. Huwag mo siyang saktan, please?"
Tiim-bagang ko siyang tiningnan. Pinaghalong inis at awa ang nararamdaman ko para sa pamangkin ko. Inis dahil baliw na baliw ito sa lalaking hindi naman ito mahal. Awa, dahil hindi deserve ni Mia Grace ang ganitong klaseng pagtrato. Hindi ko siya inaalagaan at pinag-aral para lang saktan ng kung sino.
"Jason, saan ka pupunta?!" Ang boses na iyon ni Mia Grace ang tila nagpagising sa akin. "Jason?!"
"Jason, come back here!" Dumagundong sa buong kabahayan ang boses ko. "Stay here, Mia Grace," sabi ko.
Umiling naman ito habang umiiyak pa rin. "Tito, baka hindi na siya bumalik. Baka puntahan niya ang ex-girlfriend niya! Hindi ako papayag na puntahan niya ang babaeng iyon!" Hysterical na sabi nito. "Hindi, hindi, hindi!"
"Mia Grace! Calm down, okay? Susundan ko siya at ibabalik ko siya rito. Hindi ako papayag na lokohin ka ng lalaking iyon!" Pinal na sabi ko.
"T-Tito.." hikbing anas nito.
Awang-awa akong ikinulong ito sa mga bisig ko. Mahigpit ko siyang niyakap.
"I love him, Tito.."
"Sshh, I know. Stop crying, okay? Ako ang bahala, ibabalik ko siya rito. I promise you that, baby," sabi ko. Hinaplos ko ang buhok nito at kapagkuwa'y inalalayang dalhin sa kama. Inihiga ko siya roon at umupo naman ako sa tabi nito. Masuyo kong hinaplos ang buhok nito.
"Tito..."
"Everything will be okay, baby. Tito will do everything for you, hmm? Now, sleep and rest. Paggising mo narito na si Jason, ibabalik ko siya rito." Puno ng pangako na sabi ko, at gagawin ko iyon.
Kahit kaladlakarin ko siya pabalik dito sa bahay ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para sa pamangkin ko.
_________
MATAPOS makatulog ni Mia Grace ay iniwan ko na ito. Nagpaalam lang ako kay Merchelley, ang personal yaya ng pamangkin ko at kasambahay dito sa mansion. Siya ang kasa-kasama ng pamangkin ko rito sa bahay kapag wala ako. Lalo na sa tuwing abala ako sa trabaho ko at nawawalan ako ng oras sa pamangkin ko.
At hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa pagiging abala ko ay hindi ko namalayang napapahamak na pala si Mia Grace at nabuntis pa nang wala sa plano.
"Sir Tristan, huwag po kayong mag-alala ako po ang bahala kay Ma'am Mia," ani Merchelley.
"Thank you. I'll be back. Bantayan mo lang siya, okay?" Bilin ko pa rito.
"Yes po, Sir," anito at sumaludo pa sa akin.
Tinanguan ko lamang naman siya at saka nagmamadali ng umalis ng mansion. Kaagad na akong lumulan sa kotse ko at nagsimulang maghanap sa gagong asawa ng pamangkin ko.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin, pero namalayan ko na lamang na nasa isang hotel ako. Doon ako dinala ng mga paa ko dahil na-detect ko kung nasaan si Jason.
Nagngingitngit ang kalooban na bumaba ako ng kotse ko at saka pumasok sa hotel na iyon. Kabisado ko ang hotel na iyon at hindi ako nahirapang makapasok nang ipakita ko ang vip card na hawak ko para makapasok sa loob.
Ngiting-tagumpay na naglakad ako papunta sa elevator. Kuyom ang mga kamao na lumulan ako sa elevator at tumigil sa floor na sadya ko.
"Damn you, Jason! I will kill you once na malaman kong niloloko mo ang pamangkin ko. Lintik lang ang walang ganti." Nagpupuyos ang kalooban ko.
Mabibigat ang bawat hakbang na tinahak ko ang pasilyo papunta sa hotel room na sadya ko. Ilang metro pa ang layo ko sa kuwartong sadya ko nang matigilan ako. Nakita ko kasi si Jason na nasa labas ng kuwartong iyon na waring naghihintay na pagbuksan ng nasa loob niyon.
Lalapit na sana ako para komprontahin si Jason nang mapatda ako. Kaagad din akong nagkubli para tingnang mabuti kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko.
Si Jason at ang babaeng kasama ko sa unit ko? Piping usal ko.
"Anong ginagawa niya rito? At bakit magkasama sila ni Jason--" kusa akong natigilan nang maisip ang posibleng dahilan.
Ang babaeng nakita ko sa eroplano at ang babaeng iniligtas ko bar at ang babaeng dinala ko sa unit ko, ang babaeng mahal ni Jason? Siya ang ex-girlfriend ni Jason? Si Jason ang dahilan kung bakit palagi siyang umiiyak? Sunod-sunod ang pagdating ng realisasyon sa utak ko ng mga sandaling iyon.
"What the fvck?" Hindi makapaniwalang saad ko habang tiim-bagang na nakasilip para tingnan ang dalawa.
Literal na umusok ang ilong ko nang makita kong nagyakap ang dalawa.
"Damn you, Jason! Hindi mo 'to puwedeng gawin sa pamangkin ko! Magkakamatayan muna tayo bago mo harapang gaguhin ang pamangkin ko. No way!"
Ilang sandali ko pa silang pinanuod. Nang makita kong pumasok sa loob ng hotel room ang dalawa ay mas lalo akong nanggalaiti sa galit at pagkamuhi.
"Hindi ninyo puwedeng gawin ito sa pamangkin ko! Never. Ever."
Umalis ako sa lugar na iyon na tila lumilipad ang isip. Kailangan kong gumawa ng paraan. Mahal ko ang pamangkin ko at hindi ako uupo lang sa isang tabi para panuoring pinagtataksilan nila ang pamangkin ko.