Chapter 6

2350 Words
Cassie's POV Nasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad. "Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon. "Si Shiela ba talaga, Cassandra?" "Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap. Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin. "Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin. "'Pa." "May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--" "Papa," awat ko sa kaniya. Nasasaktang tiningnan ko siya. "Hindi po ninyo ako pinalaki para maging ganiyan kaya paano n'yo naisip na magiging other woman ako?" may hinanakit na tanong ko. "Dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang tarantadong iyon!" umiigting ang pangang sabi nito. "Sana'y hindi mo ako biguin, Cassandra." "I will, Papa. Hindi ko po kayo bibiguin, hindi ko rin kayo bibigyan ng kahihiyan," sagot ko naman. "Salamat naman kung gano'n. Alam kong mabait kang bata, Cassandra." Lumapit pa siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Alam kong nasasaktan ka sa nangyari pero hindi mo deserve ang lalaking kagaya ni Jason. Kung tapat siya sa iyo hindi ka niya sasaktan nang ganito, Anak," sabi pa niya. Pigil-pigil ang mga luhang yumakap ako sa kaniya. "Thanks, 'Pa," garalgal na sabi ko habang nakakulong sa mga bisig ni Papa. Pinakawalan niya ako at hinaplos ang buhok ko. "Malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Tandaan mo na hindi mo dapat pinanghihinayangan ang taong ikaw mismo ang sinayang. Know your worth, Anak." "Salamat po, Papa. Tatandaan ko po iyan," sabi ko. Muli akong yumakap sa kaniya at saka nagpaalam na. Pumayag naman siya dahil tiwala siya sa akin. Paglabas pa lang ng bahay ay kaagad na akong nag-abang ng taxi. Hindi naman nagtagal ay lulan na ako ng taxi papunta sa condo unit ni Shiela. Habang nasa daan ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago mapait na ngumiti. Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Kaya naman pagdating sa condo ni Shiela ay plantsado na ang plano ko. Sinalubong ako ng kaibigan ko at sandali akong iniwan sa sala niya. Sumandal ako sa sandalan ng sofa, saka pumikit. "Kumusta ka naman ngayon?" kapagkuwa'y tanong ni Shiela sa akin. May dala siyang isang basong tubig nang balikan ako. Iniabot niya sa akin iyon na kaagad ko namang tinanggap. Malungkot akong umiling sa kaibigan ko. "Ang sakit pa rin," sabi ko. Hindi ko napagilan ang pagpiyok ng boses ko. "Cassie." Awang-awa siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kayanin mo kasi iyon ang dapat kasi may asawa na si Jason ngayon." "Alam ko, pero ang sakit eh. Mahal na mahal ko si Jason, sa kaniya umikot iyong buhay ko. Ni sa panaginip ko hindi ko naisip na magagawa niya sa akin 'to. May plano na kami eh. Nakaplano na ang lahat para sa amin, kaya ang sakit na ganito lang ang nagyari sa aming dalawa," umiiyak na sabi ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko sa tuwing maaalala na ang layo na nang nilakbay ng relasyon namin tapos sa wala rin naman pala mapupunta. "Ang sakit-sakit eh," hikbing sabi ko pa. "Sshh, alam ko. Alam kong masakit iyan pero kailangan mong tanggapin na hindi na kayo puwede. Baka nagyari 'to kasi may mas magandang plano sa'yo si Lord. Magtiwala ka sa Kaniya. Alam Niya kung ano ang mas makabubuti sa'yo," pag-aalo niya sa akin. Inakbayan niya ako at hinimas-himas ang likod ko. "At isa pa, kung talagang mahal ka ni Jason hindi niya magagawa sa'yo 'to. Kahit may babaeng bumukaka sa harapan niya kung faithful siya sa'yo hindi pa rin siya makakabuntis ng iba. Kasi naniniwala akong walang mabubuong baby kung hindi rin siya nasarapan, Cassie." Lalong naglaglagan ang mga luha ko sa sinabing iyon ng kaibigan ko. "Alam kong masakit pero iyon ang totoo. Ginusto rin ni Jason iyon dahil hindi naman sila mapupunta sa ganoong eksena kung hindi siya nagpadala sa tukso, hindi ba?" sabi pa niya. Hindi naman ako umimik. Umiyak lang ako nang umiyak para ilabas ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Masakit ang mga sinasabi ni Shiela pero tama naman siya. "Sige lang, iiyak mo lang iyan para mabawasan naman iyang nasa dibdib mo. Basta kapag nakapag-usap na kayo ni Jason, tama na, ha? Magmo-move on ka na, Cassie. Walang madali pero alam kong kakayanin mo iyan dahil iyon ang dapat at kailangan mong gawin." Kahit parang pinupunit sa sakit ang puso ko ay nakuha ko pa ring tumango. Tama siya iyon ang dapat kong gawin ang mag-move on na. Kung paano ko sisimulang gawin ay hindi ko pa alam. Basta ang gusto ko makapag-usap muna kami ni Jason. Kung anu-ano pa ang naging payo ni Shiela sa akin. Natigil lang kami sa pag-uusap nang may mag-doorbell. Nagkatinginan kami ni Shiela. "Ikaw na ang magbukas, si Jason na iyan," anito. Kahit nanghihina na ako sa kakaiyak ay pinilit ko pa ring makatayo para labasin si Jason. Inalalayan naman niya ako habang naglalakad palapit sa pintuan. Akma kong bubuksan ang pinto nang pigilan niya ako. Pinihit ako nito paharap sa kaniya at matamang tiningnan. "Ano.." "Huwag kang magpapadala sa nararamdaman mo, okay? Kaya ako pumayag na pumunta siya rito ay para magkaroon kayo ng pagkakataong makapaghiwalay nang maayos at hindi sa kung ano pa man. Inuulit ko may asawa na siya at magkakaanak na." Mapait ko naman siyang ngitian, saka bumuntong-hininga. Hinawakan ko ang mga kamay nitong nakahawak sa magkabilang braso ko. "Alam ko, at huwag kang mag-alala dahil matino pa naman ang isip ko para gumawa ng isang bagay na alam kong masama at kasalanan. Pumayag akong makipagkita sa kaniya dahil gusto kong tapusin nang maayos ang kung anong mayro'n kami noon. Masakit na sa ganitong pagkakataon kami muling maghaharap pero wala na akong magagawa. Gusto ko lang na tuluyang isara ang kabanatang ito ng buhay ko, iyon lang," malungkot na sabi ko. Pinunasan naman nito ang mga luhang namalisbis sa mga mata ko. "Masaya akong marinig iyan mula sa iyo, Cassie. Go, kausapin mo na siya para matapos na ang dapat tapusin," udyok pa nito. Siya na rin ang nagbukas ng pinto at iginaya ako palabas. Sandali akong hindi nakakibo nang bumungad sa akin ang haggard na mukha ni Jason. Para itong hindi man lang nanuklay sa sobrang gulo ng buhok. Ang suot niyang Polo shirt ay wala sa ayos, gusot-gusot din iyon. Napatitig ako sa kaniyang mukha, mula sa kinatatayuan ko ay nakita kong may bahid ng dugo ang gilid ng mga labi niya. "Cassie.." garalgal na tawag niya sa akin. "I'm sorry. I'm really sorry.." Nang makita kong tumulo ang mga luha nito ay doon na bumigay ang puso ko. Kusang tumakas ang mga luha sa mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Mababakas din ang sakit at pagsisisi sa mga mata niya habang nakikipagtitigan sa akin. "Anong nagyari sa'yo?" Iyon ang mga katagang namutawi sa bibig ko. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you but I've made a mistake." Nakaramdam ako ng awa sa dati kong nobyo. Kitang-kita ko kasi ang pagsisisi sa mukha niya. At kagaya ko nahihirapan din pala siya. Lumapit ako sa kaniya at saka siya niyakap. Gumanti rin siya ng yakap sa akin. Ilang sandali pa kami sa ganoong posisyon nang kumalas ako mula sa pagkakayakap niya. Malungkot ko siyang tiningnan sa mga mata. "Sa loob tayo mag-usap." "Sige," sang-ayon naman nito at sumunod sa akin papasok ng unit ni Shiela. "Maupo ka," mahina kong sabi. Nang makita kami ni Shiela ay kaagad na itong tumayo. "Maiwan ko muna kayo, maghahanda lang ako ng maiinom niyo," sabi nito. Tumingin siya sa akin at nag-iiwan ng isang simpleng ngiti. "Usap na kayo, sa kusina muna ako," bulong pa niya sa akin nang dumaan sa tabi ko. Tinanguan ko lang naman siya. Kapagkuwa'y umupo na rin ako sa sofa, katapat ng kinauupuan ni Jason. Napatingin ako sa mukha niya at doon ko nakitang umiiyak pa rin pala siya. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tila walang gustong mauna. "Cassie.." Nag-angat ako ng mukha nang tawagin ni Jason ang pangalan ko. "J-Jason.." "I'm sorry. I really am." Mapait naman akong ngumiti sa kaniya. "Hindi ko akalain na magagawa mo sa akin 'to, Jason. Nakakawala ng kumpiyansa sa sarili ang ginawa mo sa akin. Pero gano'n talaga siguro, hindi ako sapat para sa'yo kasi kung oo, hindi ka maghahanap ng iba. Kung naging sapat ako hindi ka makakabuntis ng iba. Hindi mo ako lolokohin, hindi mo ako sasaktan nang ganito." Hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya. Hindi kasi basta-basta iyong self doubt na nararamdaman ko ngayon eh. "I'm sorry kung nakalimot ako sandali, pero totoong mahal kita, Cassie. Hindi ko siya gustong pakasalan, pinilit lang nila ako." "Pinilit? Jason, nabuntis mo siya pero iniisip mo pa rin na pinilit ka lang nila? May anak kang dapat panagutan sa kaniya--" "Handa kong panagutan ang bata, wala akong balak takasan ang responsibilidad ko sa anak ko. Pero puwede kong gawin iyon kahit hindi kami kasal ng Nanay niya, pero iyon ang ginawa nila sa akin. Pinilit nila akong pakasalan si Mia kahit alam nilang may iba akong mahal," garalgal na sabi niya. "Cassie, ikaw lang ang gusto kong pakasalan at wala ng iba. Pero ginipit nila ako, lalo na ang Tito niya! Paniwalang-paniwala siya na kayang magpakamatay ng pamangkin niya kapag hindi ko pinakasalan. Cassie, alam niyang hindi ko mahal ang pamangkin niya pero ginipit niya ako--" "Tama na," awat ko rito. "Cassie.." Mapait naman akong ngumiti sa kaniya. "Kung anuman ang isyu mo sa kanila, wala na akong magagawa riyan. Nakipagkita ako sa iyo hindi para makinig sa problema mo sa kanila kun'di para tapusin na nang tuluyan ang ugnayan ko sa iyo," matatag na sabi ko. "C-Cassie, akala ko papayag kang maayos--" "No. Hindi ako nakipagkita sa'yo para ayusin ang kung ano sa ating dalawa. Gusto kong makipaghiwalay nang maayos sa'yo." "Pero mahal kita, Cassie at alam kong mahal mo rin ako--" "At anong gusto mo? Gawin akong kabit mo?" Hindi ko napagilang magtaas ng boses sa kaniya. Marahas naman siyang umiling. "No. Ang gusto ko lang sanang hilingin sa iyo ay hintayin mo akong ayusin ang lahat ng ito. Babalikan kita, Cassie," desperadong sabi nito. "Mahal mo naman ako, hindi ba? Kaunting panahon lang ang hinihingi ko sa iyo, Cassie." "Oo mahal kita, Jason, walang duda ro'n pero hindi ko kayang ibigay ang gusto mo. Kung gusto mong mapatawad kita sa mga ginawa mo sa akin, magpakalalaki ka. Panindigan mo ang anak mo. Panindigan mo ang pamilya mo dahil kahit mahal pa rin kita hindi na ako babalik sa'yo." Kitang-kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito. "C-Cassie.." Tumulo ang mga luha nito. "Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko." Malungkot akong umiling sa kaniya. "Hindi na tayo magkakabalikan, Jason. Nasaktan mo na ako at may pamilya ka na. Kahit hindi kayo maging maayos ng asawa mo hindi pa rin ako babalik sa'yo," diretsang sabi ko. "Cassie.." "Makakaalis ka na, Jason. Hangad ko ang maayos na pamilya para sa'yo. Hindi magiging madali ang lahat ng ito sa akin pero kakayanin ko. Gusto ko ring sabihin sa'yo na babalik na ako sa Taiwan sa susunod na linggo kaya nga nakipagkita na rin ako sa'yo ngayon. Ayusin mo ang buhay mo, ayusin mo ang pamilya mo. Panindigan mo ang lahat ng mga ginawa mo. Simula sa oras na ito, tapos na tayo. Paglabas mo ng unit na ito hindi ka na parte ng buhay ko, magiging nakaraan na lang kita," dire-diretsong sabi ko. "Bakit ang dali para sa'yo na bitawan ako, Cassie?" Sumbat niya sa akin dahilan para makaramdam ako ng inis sa kaniya. "Madali? Seryoso ka?" Manghang tanong ko sa kaniya. "Hindi 'to madali para sa akin, Jason. Walong taon kitang minahal tapos dahil sa ginawa mong panloloko sa akin masisira tayo nang ganito! Walong taon iyon, paano mo nasasabi na madali lang 'to para sa akin, ha?" mataas ang boses na sabi ko. "Because it was so easy for you to let me go." "Wala kang alam, Jason! Walang madali sa mga ginawa mo sa akin. Muntik na akong mapahamak dahil sa sakit na nararamdaman ko nang magpakasal ka sa kaniya. Hindi mo alam kung paano mo ako dinurog sa ginawa mo sa akin tapos ngayon sasabihin mong ang dali kitang binitawan?!" gigil na sabi ko. "Cassie, I'm sorry--" "Umalis ka na." Mariin kong sabi. "Hindi ko sinasadyang masabi iyon, nadala lang ako ng frustration ko. Mahal na mahal kasi kita..mahal na mahal." Malamig ko siyang tiningnan. Marahas ko ring pinunasan ang mga luha ko. "Umalis ka na." "Cassie, please?" Pakiusap nito. Tumayo ako at binuksan ang pinto ng unit, kapagkuwa'y lumingon kay Jason. "Leave." Tumayo ito at lumapit sa akin. "Huwag kang umalis, Cassie.." "We're done. Babalik na ako sa Taiwan at wala na akong planong bumalik dito. Doon ko na planong ituloy ang buhay ko, Jason. At sana gano'n ka rin, piliin mong maging maayos ang buhay mo with or without me," matatag na sabi ko kahit gustong-gusto ko ng bumigay ng mga sandaling iyon. "Cassandra.." sambit niya sa buo kong pangalan. At senyales iyon na gusto na rin niya akong pakawalan. Muling naglaglagan ang mga luha niya. "Mahal na mahal kita.. I'm sorry kung sinira ko ang mga plano natin. Ang sakit lang na dahil sa isang pagkakamali ko nasira ang lahat. Aayusin ko ang buhay ko pero iyong pagsasama namin ni Mia, malabo na iyon. Again, I'm sorry.." Nang yakapin niya ako ay hinayaan ko siya. Hinayaan ko rin ang sarili kong yakapin siya sa huling pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD