"HINDI ka akin, Ron," umiiyak na pahayag ni Marian.
Hinapit sa bewang ni Ron si Marian na pilit kumakawala ngunit dahil malakas ang lalaki hindi ito natitinag sa pagtulak ng babae.
"Hindi kita maintindihan, Mar. Paano mo na sabi na hindi ako ang para sa iyo kung ikaw ang nilalaman nito." Tinuro pa ng lalaki ang dibdib nito.
Habang umiling-iling naman si Marian at patuloy sa pagtulak sa lalaki ngunit mukhang walang balak talaga ang lalaking bitiwan ang dalaga kahit pa sinusuntok na ito ng dalaga sa dibdib.
"Bitiwan mo na ako, Ron—"
"HINDI! Hindi ko iyan magagawa, Mar. Dahil ramdam ko pagbinitiwan kita ngayon, mawawala ka ng tuluyan sa akin."
"Oh, Ron, kung natuturuan lamang ang puso ikaw ang pipiliin ko ngunit hindi," umiiyak na pahayag ni Marian.
Pinakawalan ni Ron si Marian at nilagay ang dalawang kamay nito sa pisngi ng babae at tinitingan ito sa mga mata.
"Ayos lang kung hindi man ako ngayon ang sinisigaw ng puso mo. Hihintayin kita, gagawin ko lahat para mabago ang damdamin mo—"
"Huli na, Ron. Mahal ko si Kin mula pa noong high school, hindi pa tayo nagkakilala ay nasa puso ko na siya. Alam ko...alam kong hindi mo siya mapapantayan kaya't patawad. Hindi ka akin, Ron. May babaeng nakalaan para sa iyo at hindi ako iyon."
"Mar...bakit? Hindi ko matanggap na siya ang pipiliin mo imbis na ako. Hintay kita ng dalawang taon, ikaw lang ang babaeng pinangarap ko, ang babaeng gusto ko magiging ina ng mga anak ko...kaya please, ako na lang," pakiusap ni Ron na ngayon ay puno na ng mga luha ang mga mata at pisngi.
"Gustuhin ko mang piliin ka ay hindi ko magagawa, dahil alam kong hindi ako ang nag mamay-ari sa iyo. Isa lamang ako sa mga panauhin na dadaan sa buhay mo, kaya't sana'y hayaan mo ako maka alis at tumungo na sa taong talaga nag mamay ari ng puso ko—"
"Kahit pa hindi ka niya pinagtutuunan ng pansin? Siya pa rin ang pipiliin mo?"
"Oo. Siya at siya lang ang pipiliin ko kahit pa mamatay ako at mabuhay sa ibang mundo. Siya pa rin ang gusto ko, kaya't sanay na unawaan mo," mapatang na sagot niya.
Napabitaw ang lalaki sa pag hawak sa kaniyang pisngi at napa atras ito. "Buo na ba talaga ang pasya mo?"
Mabilis na tumango siya. "Oo, susundan ko siya dahil pag natili pa ako rito baka mabaliw ako..."
Tumalikod ang lalaki. "P-pag nagkaproblema ka o sinaktan ka niya, bumalik ka sa akin. Maghihintay ako, Mar—"
"Huwag mo itong gawin sa sarili mo, please! Hindi na ako babalik rito, Ron, kaya't alagaan mo ang sarili mo at mahalin mo. Hindi ako ang babaeng para sa iyo, siguro sa ngayon ay hindi mo iyan malalaman pero—"
"Para sa akin ikaw ang babaeng para sa akin. Kahit ano pa ang sabihin at gawin mo hindi mo mababago ang isip ko. Mahal kita, at kailan man hindi na iyon magbabago," mariing giit ng lalaki.
Napayuko na lamang siya. Si Ron Sanchez ay ang kaniyang kasintahan sa loob lamang ng isang buwan, nakikipaghiwalay siya dahil naramdaman niyang lolokohin niya lang ang lalaki at ang kaniyang sarili dahil kahit nobya siya nito ay ibang lalaki ang nasa isip at puso niya. Walang iba kundi ang lalaking minahal niya mula second year high school pa lamang siya, hindi niya alam kung bakit gano'n na lamang siya kabaliw sa lalaking iyon. Tanga na kung tanga pero pipiliin niya pa rin ang sigaw ng puso niya kahit pa alam niyang masasaktan lang siya sa huli at may masasaktan siya. Ika nga ng kasabihan, "Hindi na tuturuan ang puso dahil ang pag ibig kusang umuusbong at yumayabong." Ramdam niyang hindi siya para kay Ron dahil he deserves someone who can love him purely not someone like her na gusto lang makalimot. Ngayon araw siya naka lakas ng loob na ipagtapat sa lalaki ang lahat, hindi na kaya ng konsensya niya at tila mababaliw siya kada araw sa kakamiss sa lalaking laman ng utak at puso niya halos ilang taon na.
"Sana'y maging maligaya ka sa piling ng babaeng mamahalin ka ng buo..." bulong niya sa hangin habang tinatanaw si Ron na humahakbang papalayo sa kaniya.
Alam niyang may posibilidad na pagsisihan niya ang pagbitaw sa lalaking tulad ni Ron. Ngunit mas hindi niya kayang tanggapin na lolokohin niya ito at ang sarili niya. Tumingala siya sa mga bituin sa langit at marahang ngumiti.
LUMIPAS ang ilang taon, nalaman na lamang ni Marian na ikakasal na si Ron sa isang kaibigan nito. Masaya siya sa naging tadhana ng lalaki dahil noon pa man ay pangarap niyang makita itong maging masaya sa piling mahal nito.
"Hindi nga ako nagkamali sa kutob ko, na hindi ka akin," mahinang pahayag niya habang minasdan si Ron at ang bride nitong nakatayo sa harap ng Paring magpapakasal sa mga ito.
Napakurap-kurap siya nang maramdaman ang isang braso na pumulupot sa kaniyang bewang.
"Love, ayos ka lang?" nag-alalang tanong ng tinig.
Ngumiti siya. "Oo naman," tugon niya at sumandal sa dibdib ng lalaki.
Ang kaniyang mister, ang lalaking totoong nagmamay ari sa puso niya. Oo, nagpakasal na sila, hindi nga niya alam kung paano at kailan nagsimula basta na gising na lamang siyang asawa na siya ng lalaking pinangarap niya. Sa buhay ay sadyang may mga taong kailangan mong pakawalan dahil hindi ikaw ang tunay na nagmamay ari sa kanila. Hindi masamang piliin ang totoong nag mamay ari sa puso mo kung alam mong iyon ang ikakasaya mo at ikakabuti mo kahit pa may masasaktan dahil walang nag iibigan na wala may nag sasakrispisyo. Higit sa lahat matutung maging tapat kahit pa ikagagalit o ikakasakit iyon ng makikinig atleast hindi ka nanloko, naging totoo ka.
~The End~
Binibining Mary