Matagal ako tinitingan ni Gon na tila ba sinusuri nito ang mukha ko. Nagbaba ako ng tingin sapagkat hindi ko kinaya ang bigat ng tingin nito.
"Pakiulit ng sinabi mo." Humakbang ito palapit sa akin.
Umatras ako. "Sabi ko l give up!" medyo mataas ang boses na giit ko.
Napuno ng pagtataka ang mga mata nito at hinila ang kamay ko kaya palapit ako sa kanya.
"Give up? Saan, Mer?" naguguluhang tanong nito.
Binawi ko ang kamay ko pero hindi niya ako binitiwan.
"Sagutin mo ako," seryosong utos nito.
"l-l give up para sa friendship natin–"
"T-teka? At bakit?" tumaas ang boses nito at nilapit ang mukha sa mukha ko.
Iniwas ko ang mga mata ko sa mga mata niya.
"Dahil ayaw na kita maging kaibigan, Gon!" giit ko at hinala ko kamay mula sa pagkahawak niya sabay talikod pero hindi pa ako nakahakbang ay hinatak na niya ako.
"Bawiin mo sinabi mo, Mer! Ba't ayaw mo na ako maging kaibigan? May nagawa ba akong mali? Please ipaliwanag mo," pakiusap nito.
"Wala kang kasalanan, l-l just need to stay away from you–"
Hinawakan ni Gon ang magkabilang balikat ko at pinaharap niya ako sa kanya.
"Bakit kailangan mo lumayo?" tanong nito gamit ang mahinang boses.
Nagbaba ako ng tingin. "Dahil pag nagpatuloy pa ako sa paglapit sa iyo baka…"
"Baka ano?" tanong nito nang 'di ko tinapos ang aking sasabihin.
Umiling-iling iling ako at saka inalis ang mga kamay ni Gon sa aking balikat pero hinawakan nito ang kamay ko.
"Sabihan mo sa akin, Mer. Gagawin ko lahat ng sasabihin mo--"
"Kahit pa sabihin kong ako na lang ang mahalin mo at huwag na siya?" putol ko sa aking kaibigan.
Nabitiwan nito ang kamay ko at napa atras ito. Unti-unting pumapatak ang mga luha sa mga mata ko na kanina ko pa pipigilan.
"H-hindi mo kaya hindi ba? Kaya hayaan mo na lang ako," umiyak na aniya ko.
"I'm sorry, Mer. Alam mo namang mahal ko siya–"
Tinaas ko dalawang kamay ko. "Alam ko…kaya nga ako na lang ang lalayo, Gon."
Napakagat ako ng ibabang labi ko para pigilan ang aking hikbi. Humakbang na ako papalayo kay Gon na ngayon ay nakatayo lang at nakatitig sa akin. Masakit man pero kailangan kong gawin para din sarili ko at para sa aming tatlo. Simula pa lang alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin pero umasa pa din ako not until one day i met his girlfriend. Ang ganda niya, mayaman at fashionista hindi gaya ko simple, mahirap at walang ka alam-alam sa fashion. Tanging tapat na pag ibig lang makaya ko ibigay pero mukhang hindi 'yon kailangan ng aking kaibigan kaya pinili kong magpaalam dahil alam ko namang una pa lang hindi kailanman mananalo ang kaibigan sa kai-ibigan pero sumubok pa din ako at 'di ko pinagsisihan 'yon.
~The end~
Binibining mary ✍️