FIRST WEEK OF JULY, second month na ng klase pero iyong excitement ko pumasok araw-araw ay parang first day of school pa din. Ako nga pala si Maria Christina Sigua, kaka 14 ko pa lang, panganay sa magkakapatid. Hiling ko magbasa, mag-aral at magtinda ng mga biscuits ang kung ano-ano pa para may pambaon ako araw-araw. Hindi kasi kami mayaman tulad ng iba pero hindi iyan ang ikwekwento ko kundi ang buhay pag-ibig ko. Pag-ibig na nga ba? Kung sulyap-sulyap lang ang namagitan saming dalawa? Oo, ang babaw ko para ituring na pag-ibig ang simpleng pagligaw-ligaw tingin sa akin ng isang lalaking hindi ko akalaing aking iibigin. Nagsimula ito noong minsang na ibanggit sa akin ng aking pinsan ang tungkol sa sikat na lalaki sa aming eskwela at nagkita kami ng lalaki sa gate ng eskwelahan.
Alam mo iyong F-4? Iyong apat na lalaking pinagkaguluhan ng mga kababaihan, parang gano'n din ang eksena noong unang pagkikita namin. Hindi makakailang gwapo siya, iyong hair style niya naka tayo ang bangs sa harap na animo'y pag nalaglag ang butiki ay matutusok doon. Hindi ko na lang sana siya papansin ngunit dama ko talaga ang kanyang titig mula sa aking likuran at sa tuwing lilingon ako ay nagtatago ang mga mata naming dalawa. Napuno ng pagtataka ang puso't isipan ko ng sandalling iyon dahil bakit parang sinusuri ng lalaki ang kaluluwa ko kung makatingin ito? Sa hanggang sa uwian ay hindi ako nilubayan ng lalaki.
Dumaan pa ang mga araw, napapansin ko napapadalas talaga ang pag tagpo ng landas naming dalawa ng lalaking mataas, makapal ang kilay at may kalakihan ang mga mata na lagi na lang nakasuot ng sumbrero na baliktad. Hindi ko alam kung ano trip nito pero kung saan ako ay nandun din ito, sadya ba iyon o hindi ay hindi ko rin mawari. Dumating ang entrams bumalik kami sa school para manood ng mga palaro ang hindi ko lang inaasahan ay makikita ko doon ang lalaki at nalaman kong isa pala siya sa manlalaro ng volleyball. Sa kasamaan palad hindi siya naglaro ng araw na iyon minaigi niyang manood na lang kung ano ang dahilan ay hindi ko alam.
Ang bilis lang ng panahon isa na ako ngayong first year college, kung itatanong mo kung ano pangyayari sa amin ni Mr volleyball player ay wala akong ma-isasagot. Sa mga nakalipas na taon wala akong ibang ginusto kundi siya, alam kong hindi tama umaasa ako sa isang bagay na wala namang kabuluhan pero ayaw pa-awat ng puso ko. I follow him, para sa akin siya ang nagsisilbing direction ng buhay ko, ang aking lakas at kahinaan. Baliw na ata ako pero ginawa ko talaga lahat makapasok sa buhay niya kahit pa wala akong imbitasyon, maka silip lang ako ay ayos na.
Araw ngayon ng lunes at gabi na nakaupo ako sa aking upuan at naka lumbaba sa aking study table. Napabuntonghininga ako at binuksan ko ang aking cellphone, pindot ang f*******:, napako ang mga mata ko sa isang litrato na ginawang my day ni Mr. Volleyball player. Hindi ko alam pero parang may sumipa sa puso ko at na ibulong ko na lang...
"Namiss ko ng sobra ang lalaking ito, mukhang maayos naman ang lagay niya, tumaba siya ng kunti at lalong gumagwapo at lalong impossibleng mapa sa akin."
Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko pero nakita ko na lang na minimassage ko na siya, and na surprise akong ng reply siya. Humaba ang usapan naming na hindi ko inaasahan, alam mo iyong tipong parang na full charge ka bigla at bigla ka na lang mapapahiga sa kama mo at mapatulala na may ngiti sa labi. Ganun na ganun ako, mababaw na kung mababaw, sa kanya ko lang talaga nararamdaman iyong ganito, I feel so comfortable, na tila ba we have known each other for many years na kung mag usap kami tila ba close na close kami. Ang saya ko nang gabing iyon na halos hilingin ko na sana huwag na lang matapos pero everything has an end.
THE NEXT DAY...
Nandito ako ngayon sa isang gym, suot ang simpleng t-shirt at maong na highwaist, sa harap ako umupo kasi malabo na ang mga mata ko pag sa hulihan ako hindi ko makikita ng maayos ang mukha ng mga manlalaro, oo nandito ako para manood ng volleyball game. Napa-angat ako nagtingin nang bigla ng ingay ang paligid at sumigaw ang mga kababaihan sa tabi ko ng pangalan ng lalaking laman ng isip ko. Pagtingin ko sa entrance ng gym ay nagtama ang mga mata namin ng lalaki, hindi ko alam pero parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko pero hindi ang pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang gustong kumuwala ng puso ko sa sobrang bilis, napa-iwas na lamang ako ng tingin nang mapansin kong umangat ang gilid ng labi ng lalaki. Nang mag-umpisa na ang laro ay pigil ko ang sariling mapasigaw at icheer ang lalaki, palihim na lamang ako napa-p-yes at mapapatili pag hindi siya nakatingin pero pag tumingin siya mabilis ko tinitikom ang labi ko. Napasinghap ako nang siya na ang mag se-serve, napakurap-kurap ako nang tumingin ang lalaki sa akin bago inangat ang bola sa eri at hampasin ito. Napalunok ako at pigil ko ang sariling mapatili, lihim na nagdadasal na sana'y hindi mag-out at hindi masalo ng kalaban ang bola. Sa kabutihang palad ay hindi na out at naka-score pa sila, kaya't ang lalaki pa din ang mag se-serve. Tulad ng nauna tumingin muna ito sa gawi ko bago tinaas ang bola at tumingala sakay hampas nito, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang kilig ko. Para kasing inaalay niya sa akin ang bawat pag palo niya na tila ba ako iyong pinagkukunan niya ng lakas kung sa basketball nakaka-three points siya dahil sa akin pero sobrang assumera ko naman ata. Sino ba naman ako para alalayan ng gano'n, nagbaba na ako ng tingin, sinundo ng mga mata ko ang galaw ng bola, ang paghampas ng mga manlalaro, pagsalo at paglutang sa eri ng bola. Pigil ang hininga ko ng final na, grabe ang labanan mukha kasing walang magpapatalo pero mas natutuwa akong makita siyang nag-e-enjoy at tila inspired na inspired maglaro, simple man pakinggan pero pangarap ko talaga, makasama at makapanood ng bawat laro niya.
PINASALAKOP ko ang aking mga kamay at taimtim na nagdadasal na sana'y manalo ang team nila. Pagmulat ko ng aking mga mata ay napako ang aking tingin sa lalaking nakatayo sa may ilalim ng net na sumulyap sa gawi ko. Walang lumabas na salita sa labi nito o binuka nito ang labi pero sapat na ang nababasa kong emosyun sa mga mata nito. Na sinasabing magiging maayos din ang lahat, umaayos na ako ng upo ng lumutang na sa eri ang bola mula sa may kabila at napatalon na ang mga blockers sa team ng lalaki pati na din ito. Muntik na ako mapatalon sa tuwa nang malaglag ang bola pabalik sa kabila dahil naharang ito ng malaking kamay ng lalaking sinisinta ko ng palihim. Napakagat labi ako nang sumulyap muli ang lalaki sa gawi ko nagbaba ako ng tingin nang mag si takbuhan ang mga babae para mag papicture sa lalaki. Inayos ko na ang aking gamit at tumayo, sumulyap sa gawi ng lalaki na ngayon ay dinumog na ng mga fans nito. Ngumiti ako bahagya sa kawalan at tumalikod at humakbang palabas.
"Ayaw ko maging tulad nila, tagahanga mo nga ako pero ayaw kong ituring mo akong fan girl mo, because I wanted to be your girl kaya't mas naiisin ko pang tanawin ka sa malayo kaysa makipag agawan sa kanila," bulong ko sa hangin habang tinatahak ang daan palabas.
Nasa labas na ako at dahan-dahan lamang na humakbang habang naka yuko nang bigla na lamang pumatak ang ulan. Mabilis na binuka ko ang aking payong nagulat ako nang may humawak sa kamay ko na nakahawak ngayon sa payong pero mas nagulat ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.
"Pwede ba makisilong?"
Tumingala ako para malaman kung tama ba hinala ko. Napasinghap ako at napa atras nang bumukad sa aking ang mukha ng lalaking minahal ko halos 5 taon.
"Ba't umalis ka pala agad?"
Bumuka-sara ang labi ko pero walang lumalabas, nakatitig lang ako sa lalaki na nasa harap ko. Napakurap-kurap ako nang kinurot ng lalaki ang pisngi ko.
"Natulala ka na naman, nakakatampo ka ba? Bakit ka umalis kanina na hindi ka man lang nagpaalam sa akin?
"Huh?" nalilitong bulalas ko.
Hinapit ako ng lalaki sa bewang at nagulat ako nang nilapit nito ang labi sa may tenga ko.
"Mukhang may sapi ka na naman, gusto mo bang gawin ko muli ang lagi kong ginagawa pag tinotopak ka, ha, love?"
"Love?" gulat na bulalas ko at bahagyang lumayo sa lalaki.
"Owts ayaw mo ng love? How about sweetheart?" nakangiting tanong ng lalaki sa akin
.
Nilapit nito ang mukha sa mukha ko ng hindi na naman ako sumagot habang ako ay pigil ang sariling mapatili at mapa gulong-gulong sa may kalsada. Napakurap-kurap ako ng hinawakan ng lalaki ang kamay ko at hinila ako palapit rito.
"Huwag ka lumayo mababasa ka," malumanay na sabi nito at hinila ako palakad.
Hindi naman gano'n kalakas ang ulan pero sakto lang, napa tingin ako sa lalaking seryoso ang mukhang naka tingin sa unahan.
"Nananaginip ba ko? Bakit kahawak kamay ko siya ngayon—"
Napahawak ako sa noo ko ng pinitik iyon ng lalaking nasa tabi ko. Napatitig akon dito na magkasalubong ang kilay.
"Ang lalim ng iniisip mo eh, na para bang hindi mo nararamdaman nandito ako sa tabi mo, alam mo gutom lang iyan, tara punta tayong Jollibee, libre ko."
Napakurap-kurap siya. "A-ano gagawin natin sa Jollibee?" nabubulol na tanong ko.
Inipit ng lalaki ang ilong ko. "Alam mo minsan naging O.A ka na, sa kakasulat mo iyan ng mga wild scenes eh! Kakain lang tayo sa Jollibee, ano ba iniexpect mo?"
Napa-iwas naman ako ng tingin. "Wala..."
Matagal akong minasdan ng lalaki at binababa nito ang mukha para mag ka level kami at hindi ko inaasahan ang masunod nito ginawa hinuli nito ang labi ko habang ako'y na ninigas sa may kinatatayuan ko.
"Siguro naman, naaalala mo na kung ano mo ako," nakangising giit ng lalaki.
Akmang hahalikan niya uli ako nang hindi ako sumasagot mabilis na tinulak ko ang lalaki.
"Oo na, naalala na kita, Mr volleyball player."
"s***h?"
"Boyfriend ko," nakayukong sagot ko.
Oo, boyfriend ko ang lalaking ito, trip ko lang talaga minsan magbaliw-baliwan dahil hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na boyfriend ko na itong lalaking ito maybe it's because I'm in love with volleyball player, I'm in love with him.
"Good, girl," nakangising sabi ng lalaki at ginulo pa ang buhok ko at saka ako hinila patungong Jollibee
~The end~