Ako si Nadette, 29 year old, isang single mom at may 3 anak pero iisa ang ama. Kung paano ako naging single mom? Heto na nga ikwe-kwento ko, Nikos ang pangalan ng ama ng mga anak ko, siya ay isang heartthrob, noong high school pa lang kami, 'di lang 'yan varsity player din siya sa basketball. Gwapo, maputi, mala christian grey ang kanyang look mga mare kaya nga't patay na patay ako sa kanya. Second year high ako noon at gayon din siya ngunit hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap at that time kahit klassmate pa kami not until, nang maka graduate ako at nagkaroon ng part time job sa isang restaurant sa Iloilo. Maaga ako nagising ng araw na iyon, siempre pormado ako para naman kaaya-aya ako tignan.
SA RESTAURANT, maraming customer, siempre todo ngiti ako habang ibinigay ang mga orders, ilang saglit pa may bagong dating, pagkabukas ng pagkabukas ng pinto ng restaurant parang tila tumigil ang ikot ng aking mundo nang makita ko ang lalaking crush na crush ko noon at walang iba kundi si Nikos. Nag tama ang mga mata namin, matagal kaming nagkatitigan, napakagat labi ako para mapigilan ko ang ngiti ko pero 'di ko talaga na pigilan at namalayan ko na lang nakangiti naku na animo'y nanalo sa isang lotto.
"Miss?"
Napakurap ako ng may tumawag sa aking atensyon, walang iba kundi si Crush na nasa harap ko na pala siya at nakangiti ito tila ba inaasar ako.
"Y-yes??" bulol kong tanong. Nakita kong napatawa ito ng mahina kaya't lumabas ang dimple nito lalo tuloy itong naging gwapo sa paningin ko.
"O-order sana ako," nakangising sagot nito.
Napatango ako. "Sige po, ano po 'yon??"
Umaayos ito ng tayo. "Ikaw sana o-orderin ko pwede ba?" nakangiting hirit nito sabay tingin ng direkta sa akin habang natigilan naman ako.
"Hahahahaha…biro lang... ang kyut mo naman namumula ka pa," mamaya'y giit nito.
"Ah eh hehehehe," nahihiyang ani ko na lang.
"Lokong lalaki ito ah, akala kung totoo na, joke lang pala," reklamo ng isip ko.
"Pwede niya naman totohanin, 'e," hirit naman ng malanding bahagi ng utak ko.
"Kukuha ako ng dalawang batchoy at saka puto."
Napakurap-kurap ang aking mga mata at napating
in ako sa lalaking nasa harap ko ng bigla na lamang ito ng salita. Ba't kaya ngiti-ngiti ito? 'Di tuloy ako maka pag pokus dahil kay ganda ng ngiti nito.
"Sige po, take out po ba?" mahinang tanong ko.
Tumititig muna ito sa akin. "Ikaw? Pwede ko ba i take out?"
"Huh?" gulat na bulalas ko at nanlalaki ang mga matang napatitig sa binata.
Ngumisi ito. "Sabi ko, ikaw pwede ba kitang i take out?" ulit nito na hindi man lang kumukurap.
Natigilan ako at napatitig kay Nikos na nakatayo sa harap ko. Ang pangarap kong lalaki nakatayo sa harap ko at tinanong niya ako kung pwede niya ba ako itake out. Hindi ko alam pero ramdam kong umiinit ang magkabilang pisngi ko, kinikilig ba ako sa hirit nito?
"Naku! Tumigil ka na Nikos baka patulan na kita sige ka," hirit naman ng malanding bahagi ng utak ko.
"Joke na bayan uli?" mahinang tanong ko nang matauhan na ako.
"Hindi seryoso ako…so, Miss beautiful can I take you out?" seryosong tanong nito.
"Ah… eh…hehehehe," iyon lamang ang tanging na i sagot ko.
"Oy, matagal pa ba iyan?? Kanina pa kami dito, ah!!" reklamo ng isang customer kaya't napilitan si Nikos na tumabi at magbigay daan.
Sumulyap muna ito sa akin at saka, kinuha ang order sa kabilang gilid. May sinenyas ito pero 'di ko na intindihan at ang pangyayari iyun ay na ulit nang naulit hanggang sa naging kami. Oo, naging kami, masaya naman ang pagsasama namin tulad ng ibang magnobyo, away bati din umiikot ang relasyon namin pero ang pinakagusto ko sa lahat noonpg nag sama na kami.
Hindi kami nag pakasal, nag sama lang sa iisang bahay, sa bahay ng magulang ni Nikos at so far tanggap naman ako ng pamilya niya.
LUMIPAS, ang mga araw at wala naman masyadong naging problem ang relasyon namin, may trabaho na si Nikos, sa isang subdivision kaya't minsan-minsan na lang ang pag uwi niya pero ayos lang sa akin. Masaya naku sa simple buhay namin pero mas sumaya ako ng mabuntis ako sa panganay naming si Gelo. Nang dumating siya sa buhay namin ni Nikos, masayang-masaya kami, tulad ngayon kakauwi niya lang galing trabaho.
"Namiss kita, boss," bulong nito sa akin habang nakahiga kami sa aming kama. Nasa likuran ko siya, lihim napangiti ako, malambing talaga si Nikos kaya nga't gustong gusto ko siya.
"'Di mo ba ko namiss?" nagtatampong sabi nito ng hindi ako umimik.
"Namiss din kita siempre," mahinang sagot ko baka kasi magising si Gelo, dalawang taon na ang anak namin o diba ang bilis lang.
Hinila niya ko paharap sa kanya, nang magtama ang mga mata namin ay hinuli nito ang labi ko. Ang simpleng halik na iyun ay nauwi sa physical type of love.
Makaraan ang ilang linggo ay napansin kong kakaiba ang pakiramdam ko, delay na din ang buwanang dalaw ko kaya may kutob naku buntis ako kaya bumili ako ng PT at tama nga ako, buntis nga ako.
Limang buwan na ang lumipas at malaki na ang tiyan ko, hindi ko alam pero parang kakaibang kinilos ni Nikos, hindi na siya tulad ng dati na sweet tila ba laging may iniisip higit sa lahat ay pag umuuwi ang kaibigan nito galing trabaho ay hindi ito umuuwi. Hindi naman na ako nagtanong kung bakit, kasi naisip ko na baka nat o-overtime siya dahil nga malapit-lapit na rin naman na ako manganak, baka nagpa-plano itong mag ipon. Hanggang sa isang araw may narinig akong usap-usap na may babae daw si Nikos pero 'di ako maniwala not until...
Sa bahay ng aking matalik na kaibigang si Mitch, malapit lang naman ang bahay nila sa amin kaya tumungo ako roon.
"Oh nandito ka," sabi ni Mitch nang makita ako.
"Oo eh, namiss lang kita," hirit ko sabay ngisi.
"Baliw ...upo ka," natatawang utos nito sa akin.
Kaya napaupo ako. "Buti naman tumungo ka rito, pakinggan mo ito," seryosong giit nito sabay lagay ng cellphone sa harap namin.
"Mitch, huwag mo sasabihin kay Nadette na isinabi ko sa ito ah."
Natigilan ako pero mas nagblangko ang utak ko sa mga sumunod kong narinig na may babae si Nikos at kinakasama iyon ng lalaki sa tinatuluyan nito sa trabaho kaya 'di nakakauwi. 'Di ko namalayan
umaagos na pala luha ko, hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ng mga sandaling iyon.
"So, ano plano mong gawin??" seryosong tanong ni Mitch.
"Hindi ko alam..." wala sa sariling sagot ko.
"Gag* talaga 'yang Nikos na 'yan, kailangan mo itong ma-ikompirma baka matagal ka nang niloloko niyan, 'di mo lang alam, ikaw kasi nagbibingi
-bingihan ka sa sinabi ng iba, 'yan tuloy niloloko ka na, 'di mo pa alam."
Tahimik lang akong umiyak, nag araw na 'yun halos at 'di rin halos makatulog. Niloko lang naman siya ng lalaking pinagkatiwalaan niya ng kanyang puso. She needs to talk to him, as soon as possible.
***
DUMATING, ang araw na manganganak na siya sa ikalawa nilang anak, dahil hinang-hina siya sa ospital, wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari. Pagalabas niya sa ospital, inisikaso din naman siya ng lalaki, hindi siya ng tanong tungkol sa nalaman niya, gusto niyang siya mismo ang maka saksi kaya nang lumaki na medyo ang anak nila. Tumungo siya sa pinagtatrabahuha ng lalaki at naabutan niyang naglalampungan ang kaniyang hilaw na mister at ng babae nito. Sa inis niya'y sinugod niya ang babae at nag sabunatan sila ng Babae and what a surprise kapitbahay nila ang babae at isa itong estudyante, mas bata lang sa kanya ng ilang taon.
"Walanghiya kang babae ka!! May pinag-aaralan kang tao pero papatol ka pamilyado, saan 'yung utak mo ha? Sa s**o mo o sa makating p**e mo?" galit na angil niyang nang pinaghiwalay sila ng mga kasama ni Nikos.
"Ang sabihin mo naiinggit ka lang kasi ako na gusto ng asawa mo at 'di na ikaw," nakangisi
ng patutsada nito.
"Aba't–"
Pumiglas siya at sinabunutan ang babae at ng maghiwalay uli sila, lumapit siya sa kanyang hilaw na mister.
"Siya o ako?? Mamili ka, Nikos!! Siya o ako? Kami ng mga anak mo?" umiiyak na tanong niya habang tinuturo-turo ang lalaki.
Hindi ito sumagot kaya napatawa siya ng peke.
"So, siya ang pinipili mo?? Oh, edi sige mag sama kayo!" galit na angil niya sabay talikod.
Pagkatalikod niya'y nag sisiunahan ang mga luha niyang bumagsak at parang kinu-kutsilyo ang puso niya sa sakit.
KINABUKASAN, hindi nga umuwi ang lalaki, oo umasa pa siyang uuwi ito pero hindi nangyari, naghintay na naman siya sa wala. Mukha babae pa nito ang pinili nito, pinahid niya ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata at pinag patuloy ang pag ayos ng mga damit nila. Oo, uuwi na siya sa kanyang mga magulang, ano pa gagawin niya rito, masakit man pero kailangan.
Galit na galit ang kanyang ama pero wala din naman itong nagawa kundi intindihin siya. Natili sila roon ng kanyang mga anak sa bahay ng kanyang sinilangan. Lumipas ang mga araw, may 'di inaasahang panauhin ang dumating at walang iba kundi si Nikos.
"Ano ginagawa mo rito??" malamig na tanong niya.
"Sinundo ko kayo ng mga bata–"
Pinutol niya ang sasabihin nito. "Para ano pa? Hindi ba't siya ang pinili mo at hindi ako o kami? Bakit ka pa narito?? Nagsawa ka na ba sa babae mo kaya't naisipan mong hanapin kami?" asik niya sa lalaki.
Akmang hahawakan siya sana nito pero lumayo siya.
"Dimps, ikaw ang pinili ko kaya ako narito," malumanay na giit nito.
Dimps ang tawag nito sa kanya, kapag nanlalambing ito.
"Huh! Talaga lang ha?" nakataas ang kilay na sabi niya.
Yumuko ang lalaki at siya naman ay tatalikod na sana ng hilahin siya nito at yakapin ng mahigpit.
"Bitawan mo ako!!" malamig at diin na utos niya.
"I miss you….namiss ko kayo ng mga bata... u-uwi na tayo o kung gusto mo dito muna tayo," masuyong bulong nito.
Hindi niya alam pero tumigil siya sa nagpupumiglas at hinayaan ang lalaki sa pagyapos sa kanya hanggang sa nagkaayos sila. Akala niya'y okay na ang lahat at magsisimula muli sila dahil nga nagpa-plano na nga silang magpapakasal na biglang nawala na lamang ang lalaki na parang bula. Para siyang nilibing ng buhay nang mga sandaling 'yon, sirang-sira ang buhay niya at wasak na wasak ang puso niya pero hindi siya pwedeng sumusuko, dahil may mga anak siya at madagdagan
pa ito dahil buntis uli siya. Hindi ba't kay tanga niya? Niloko siya ng lalaki pero pinatawad niya pa ito at nagpabuntis pa siya, sa pag aakalang titino na ito at magsisimula sila muli pero sa huli siya pa rin ang nasawi at ito ang nagwagi.
***
LUMIPAS ang buwan at mga taon, so far ayus na din naman siya malaki na ang mga anak nila ng lalaki, kamusta na si Nikos? Ayun kasama ang babae nito sa Manila ang balita niya'y may mga anak na din ang mga ito. Nasasaktan pa din naman siya pero 'di gaya ng dati na sobra-sobra. Sa awa ng diyos naka move forward na siya makapagtrabaho na siya at nakapunta sa iba't-ibang lugar, ayos na ayos na buhay niya 'e pero bakit? Bakit napaka palabiro ni Kupido? Ba't lagi siya nitong pinagtritripan? Ba't sa lahat lahat siya pa??
Nag kita uli sila ni Nikos, nang umuwi ang mga ito sa kanilang probinsya. Casual lang naman sila sa isa't isa, hanggang sa nag ibang bansa ang babae nito, ayy hindi na pala nito babae dahil nag pakasal na ang dalawa. Oo, nagpakasal na ang mga ito.
Hindi niya alam kung ano na naman ang trip ni Nikos at nag umpisa na namang mangulit sa kaniya kaya lagi sila na issue.
Pag pumunta siya sa bahay ng kanyang kaibigan si Mitch na malapit lang sa dating bahay nila ng lalaki. Pinapansin niya din naman ito, hindi niya talaga matiis na hindi ito pansinin hanggang sa nag away na sila ng asawa nito. Oh diba gano'n talaga pag inagaw mo lang ang isang bagay, e-expect mo talagang babalik 'yun sa dating may ari. Sa pagkakataong ito sisiguraduhin niya magiging siya na ang pipiliin ng lalaki kahit pa ang babaeng iyon ang pinakasalan siya pa rin naman ang pinabalik-balikan.
Lumipas pa ang mga buwan, ang bilis lang tulad na lamang ng pagpalit naman nag sitwasyon ni Ann, pangalan ng babae sa position niya noon na halos ma-highbood siya sa galit sa ginawa ng mga ito sa kaniya at ngayon ang babaeng iyon naman ang magdurusa.
"Tingnan lang natin, kung may uuwian pang siyang asawa," nakangiting bulong niya sabay tingin sa lalaking nakasandal sa balikat niya. Patungo kaming Iloilo, he invited me to join him, so, sino ba naman ako para tumanggi.
"Gising na nandito na tayo," masuyong bulong ko sa tenga nito.
Minulat nito ang mga mata kaya't ngitian ko ito at ngumiti din ito pabalik. Pagbaba namin na pa O ang labi ko nang makita ang paligid, nandito kami sa Iloilo kaya maraming magagandang pasyalan dito para lang kami bumalik sa dati. Hawak kamay kaming namasyal, but we never take selfie together.
"Nagustuhan mo rito?" malumanay na tanong nito.
"Oo naman," nakangiting sagot niya.
Tumango-tango tango ito sabay ngiti. "Mabuti kung ganun."
Ang pag pasyal-pasyal nilang iyon ay na
ulit pa, hanggang sa isang araw, sinabi ng lalaking nagsisi itong iniwan siya nito. Nanahimik lang siya, ang relasyon nila ay nagpatuloy, wala naman mali kung kukunin niya ang pagmamay ari niya dahil siya ang nauna hindi ba? Sa pagkakataong ito ipaglalaban na niya ang pag-ibig niya sa lalaki at hindi lang para sa kanya kundi para na din sa mga anak nila.
Ang araw na pinakahihintay niya'y dumating na dahil magkahara silang tatlo, oo tatlo dahil umuwi na ang babae, siguro kinabahan ito dahil sineryoso niya ang banta niya.
"Oh, ano, Nikos, babalik ka sa kanya??"
seryosong tanong ni Ann.
Natahimik ang lalaki at napatingin ito sa gawi niya habang siya ay nakadekwatrong nakaupo lang.
"Ako o siya??" nakangiting tanong niya.
Kaya mas lalong sumimangot ang babae.
"Ikaw!!!!" galit na baling ng babae sa kanya na gulang na lang ay umuusok ang ilong nito.
"Ako? Maganda at ikaw malandi," patutsada niya.
"Aba't!! Sino ba nag-aagaw ng asawa satin? Hindi ba't ikaw?" galit na sabi nito.
"Excuse me, ako naman na una sa 'yo, kung 'di mo siya nilandi, ako sana iyong asawa niya, but it's okay totally ako naman babalikan niya, oh halata namang mas mahal niya pa din ako kaysa sa iyo," nakangising giit niya.
Napatayo ang babae at akmang sasabunutan siya pero mabilis na pinigilan ito ng lalaki.
"Ann, tama na, nakadesisyun naku, maghiwalay na tayo, " seryosong saad nito.
"A-ANO? Seryoso ka ba diyan, sa sinasabi mo ha, Nikos? Pipiliin mo siya kaysa S sa akin? Nagbibiro ka ba?? Ako 'iyong asawa mo! Kasal ka sa akin! Siya kabit lang kabit–"
Pinutol niya ang pag dra-drama nito. "Excuse me at the first place ikaw naman unang kumabet, ginawa ko lang ginawa mo sa akin dati, ba't galit na galit ka diyan? 'E kinuha ko lang naman, 'yung akin at girl papel lang 'yang kasal na 'yan after 5 years wala nang visa yan pero ang pag ibig niya ay nasa sa akin pa din," malumanay pero puno ng diin na giit niya.
Pumiglas ang babae sabay tinalikuran sila at naiwan sila ng lalaki sa mesa.
LUMIPAS, ang ilang taong, ay kinasal siya and guess with who?? Siempre sa lalaking mahal na mahal niya kay Nikos. Napawalang bisa na kasal nito kay Ann, dahil nauna din itong pag-aasawa, sumunod sila. Masaya siyang tinanggap na nito sa wakas. Ang dating single mom ay masayang housewife na ngayon, kailangan mo talaga minsan maging matapang at maging malupet para hindi ikaw ang hahagupitin ni tadhana.
~The End~
Binibining Mary ✍️