SOMETIMES, it’s not really the look that’s matter, kaya’t may mga magaganda at gwapong pinipili iyong mga panget o has an average look than to settle to their level. Sa sitwasyon naman niya, she belongs into average, hindi masyadong maganda hindi rin masyadong panget, kung sa kape, she is not that strong or creamy, just right. Siya si Marya, isang second year college student sa University of Iloilo. 20-year-old, single but not available. Bakit? Because may isang taong nagmamay ari na sa puso niya.
Napabalik siya sa kanyang katawang lupa without finishing her monologue nang may tumapik sa kanyang balikat. Tinignan niya ang may ari ng kamay at nalaman niyang, isa iyon sa kaklase niya na naging medyo close na rin niya.
“Proceed na raw tayo sa room ML 2001.”
Tumango siya at inayos ang kanyang gamit. “Sige, tara.”
Nang palabas na sila sa may corridor kung saan malapit sa may gate ay natigilan siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na mga mata, katawan at higit sa lahat ang kakaibang epekto nito sa sistema niya. Na para bang isang itong kape, nagagawa nitong pasiglahin ang puso niya at pahinain ang kanyang tuhod sa mga titig lamang nito. Napakagat siya ng ibabang labi, buti na lang talaga nakasuot siya ng mask, hindi masyado halatang matindi ang epekto nito sa kaniya. When their eyes meet, parang biglang tumigil ang pagtibok ng puso niya at tumigil rin ang kaniyang pahinga. Akala niya sa mga nobela lang sa libro nangyayari ang sinasabi nilang slow motion moments ng mga tao sa paligid kapag nakita mo ang taong nagpapatibok ng iyong puso but, she experiencing it now.
“Breath, breath,” utos ng utak niya sa kanya para kasing nakalimutan na niyang huminga lalo pa’t nang tumagal ang titig ng lalaki sa kanya na tila ba, he is trying to memorize her face o hindi kaya pinag-aaralan siya nito.
“Oh, please, don’t give me that look, baka matumba ako sa kinatatayuan ko sa ginagawa mo,” piping saway niya habang nakikipag titigan pa din sa lalaki.
He is the boy, she talking about. Ang lalaking siyang bumihag sa kaniyang puso, hindi lang kasi gwapo ang lalaki, he is mature, passionate, smart and goal oriented. Sabi nga niya kanina, sometimes look doesn’t matter, she admires him for being him not for being handsome or as an ideal boy. Sa kanta nga ng isang sikat na singer, “Kapag tumibok ang puso, wala kang magagawa kundi sundin ito, lagot ka na, siguradong huli ka.” Kaya nga marami ang na bobo sa pag-ibig, dahil mostly ang puso talaga na susunod.
“Hoy! Natulala ka diyan.”
Napakurap-kurap siya at lumingon sa kanyang kasama, hindi niya namalayang nalagpasan na pala nila ang lalaki. Pasimple niyang hinulot ang kaniyang puso at pilit pinapakalma ang sarili, her mind went blank kasi noong makita niya ang lalaki. Yes, ganun katindi ang epekto nito sa kaniya, daig pa niya naka singhot ng katol sa pagkasabog niya.
“Oy, ba’t natahimik ka diyan? Sabi ko dalian natin, late na tayo naroon na raw si sir.”
Bumuntonghininga siya at tumango at binilisan ang lakad. Pagdating nila sa room ML 2001, halos naroon na nga lahat ng classmate nila at naroon na rin ang kanilang instructor. Mabilis na naghanap siya ng upuan, ganun rin ang kanyang kasama. Ilang saglit pa ay nagsasalita na sa harap ang kanilang guro habang siya ay lumalakbay ang kanyang utak sa lalaking kaniyang tinatangi and she can’t help herself from smiling like an idiot.
“Wala na, lalo lang ata ako nahuhulog sa lalaking iyon, he keeps popping into my mind,” reklamo ng utak niya.
“At bakit ganun? Kay gwapo niya pa rin kahit stress,” nakangiwing hirit muli ng utak niya.
“Habang ako ‘e parang nanganak ng sampung beses kaya’t na lusyang na, ang unfair naman niyun!” dagdag pa muli ng isang bahagi ng utak niya.
“Marya Sigura.”
“PRESENT, SIR!” pasigaw na sagot niya dahil sa gulat. Narinig niyang natawa ang mga kaklase niya sa kanyang ginawa. Napatampal siya sa kanyang noo lalo na ng nakitawa rin ang kanilang instructor sa katangahan niya. Parang gusto niya na lang magteleport sa sobrang hiyang nadarama niya at that moment pero paano? Hindi naman siya vampire o magician para gawin iyon. Napa-iling na lamang siya sa mga kalokohang pumapasok sa utak niya.
KINAGABIHAN, kakauwi niya lang galing eskwela, naligo agad siya kasi pakiramdam niya’y dumikit lahat ng alikabok sa katawan niya. Nang matapos na siyang maligo ay dumeritso na siya sa kwarto niya, she opens her social media account at nakuha ng atensyon niya ang pinost ng lalaking kanyang sinisinta. Excited binuksan niya ang video at nagulat siya nang isang music iyon and the lyrics seems, it’s mean for her o baka ambisyosa lang talaga siya.
Ang sabi kasi ng kanta, “Kahit litong-lito sa iyo pa rin tutungo, ‘di man sigurado hindi pa rin hihinto. Isa lang ang sasabihin, isa lang ang gagawin, muli kita kikilalanin, minamahal kong estranghero.”
Huling chat kasi nila ng lalaki, sinabi nitong he is not sure if he knows her, pero isa ito sa mga viewers and low-key supporter niya. Lagi niya ito nahuhuling nakatingin sa kanya, especially kapag hindi siya nakatingin. Isa na halimbawa ang encounter nila sa school kanina, ganun iyon lagi, pag nagkikita sila, tinitingnan siya nito na para bang tutunawin siya, since high school. Yes, since high school pa ang pagsinta niya sa lalaki, it’s been five years, still him no new, just him. Maybe estranghero nga siya rito but his heart knows her, kaya siguro they felt connection kada pagkikita nila kaya parang sa kaniya talaga ang kanta iyon. She also did her research about sa song, nakita niya sa official video, about iyon sa dalawang nagmamahalan na hindi kilala ang isa’t-isa. Parang same situation as them, but there’s still possibility na baka trip lang ng lalaki mag-post ng ganun or nag-a-assume lang siya pero it’s okay. Ganun talaga pag nagmahal ka nagiging ambisyosa ka, she like the feeling of being in love, so, she must accept the twin of her happiness that is sadness. Kung sugal ang pag ibig, susugal siya, life is too short to worry about the future na hindi naman sure, if ano mangyayari, ang importante ay ang ngayon and gusto niya ma-enjoy ang pakiramdam ma-inlove, wala na siyang pakialam kung masaktan man siya, at least, she experiences what it is feel to be happy because of the someone you love.
“Para tayong tanga, self!” kastigo niya sa kaniyang sarili nang mapansin niyang kailang ulit na niya pala pinaulit-ulit iyong kanta at parang tangang ngumiti siya mag-isa.
Pero imperness, kung i-imagine niyang si KJ na ang kumakanta niyun tapos sa kanya nito ginawa baka mapagulong-gulong siya sa kilig kahit pa sa gilid siya ng kalsada.
“Baka after 100 years pa iyon,” bulong ng inggiterang utak niya.
“Huwag ka nga, be! Positive dapat tayo, huwag lang sa covid o sa pregnancy test baka masira ang ating plano,” giit niya sa sarili.
Pinatay na niya ang cellphone. “Makatulog na nga lang, may pasok pa ako bukas at baka makita ko pa siya uli, namiss ko siya bigla.”
Nilagay niya ang cellphone sa side table at humiga na sa kanyang kama at pinikit ang kanyang mga mata. Ngunit napabalikwas siya ng bangon nang unang nag-flash sa utak niya ay ang imahe ng lalaki.
“Grabe! Pati ba naman sa panaginip hindi mo ako tatantanan? Patulungin mo naman ako, oy! Tulog ka na, huwag mo akong isipin para hindi ka dumalaw sa panaginip ko,” parang baliw na sabi niya sa hangin na na animo’y nasa harap niya ang lalaki.
“Alam kong maganda ako at namiss mo ako bigla pero pwede bang bukas mo na ako patakbuhin sa isipan mo? At huwag ka na din tumakbo sa isipan ko, pahinga muna tayo, may quizzes pa ako bukas sa mga major subject ko ‘e. Need ko ng tulog para may energy ako sumagot bukas at para fresh ako pag nagkita tayo,” dagdag pa niya habang kinukumpas ang kamay na animo’y may kausap talaga.
Nang wala siyang marinig na sagot, humiga siya muli and she tried to close her eyes pero minulat niya rin agad.
“Ba’t ang kulit mo! Sabi nang matulog na tayo—”
“Hoy, Marya, nababaliw ka na ba? Nagsasalita ka riyan mag-isa, kung ayaw mo magpatulog, huwag mo kami damayin!”
Napakurap-kurap siya at ngumuso nang marinig niya ang boses ng kanyang Tatay.
“Napagalitan ako tuloy, ikaw kasi ‘e,” mahinang sisi niya sa hangin. Hinilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at tumagilid sabay yakap sa kaniyang unan. Nang hindi pa rin siya makatulog ay tumayo siya at kinuha ang kanyang cellphone kung saan niya kanina nilagay.
“Hayy, kulit mo,” aniya sabay turo-turo sa picture ng lalaki sa kanyang cellphone.
“Pero kahit gan’yan ka, love na love kita,” madamdaming niyang pahayag sabay yakap sa cellphone.
“Hay, nababaliw ako dahil sa iyo, ano klaseng gamot ka ba? At mukhang hindi ako mabubuhay kapag nawala ka? Ano ba kasi meron ka at ganito ako ka dead na dead sa ‘yo na animo’y ginayuma mo ako,” tanong niya sa picture habang nanlalaki pa ang kanyang mga mata at humahaba ang nguso niya sa pagtatanong sa picture na akala mo naman sasagutin siya.
Binagsak niya ang kanyang likod sa kama at binalik ang cellphone sa gilid at saka pumikit dahil nakadama na siya ng antok.
“Gusto mo pala kausapin muna kita bago ako matulog, love you and goodnight,” bulong niya sa hangin na animo’y ang lalaki ang kanyang kaharap.
Magmukha man siyang baliw, tanga, martir at masaktan man siya ng todo sa huli sa pag-ibig niya sa lalaki, susugal pa din siya kahit pa, alam niyang dehado siya at 50/50 ang chance niya at magiging 50/50 rin ang puso niya sa huli pag sinaktan siya nito. She loves him, iyong tipong kaya niya gawin lahat, kaya niya isakripisyo niya ang lahat. She willing to change to become a better person to reach his standard. She knows, hindi healthy ang ginagawa niya kasi todo talaga pagmamahal niya rito, kumbaga kahit alam niyang talo siya sa lalaki, bibigay niya pa rin ng buo ang pagmamahal niya. Ganun siya ‘e, todo kung magbigay ng pagmamahal at siya rin iyong tipong pag nag-settle na iyong mind and heart niya sa isang tao, hindi iyon mababago, even sometimes she tried to change it. Hindi siya sugarol, pero kung kailangan niyang sumugal sa lalaki ay gagawin niya, dahil kung sugal ang pag ibig, susugal siya, she will take the risk for him and for herself.
~The End~