Unexpected Encounter In the Bus

2247 Words
NAPAMULAT si Marisa ng kanyang mga mata ng marinig niya ang boses ng kanyang ama. "MARISA, GISING NA, ALAS SAIS NA!" Napabalikwas ng bangon siya nang marinig iyon. Dali-daling bumaba sa kaniyang kama at hinanap ang kanyang gamit na dapat niyang dalhin sa bahay ng kanyang Lola. Doon kasi siya naliligo kasi may banyo roon at sa bahay nila kasi hindi pa natapos maayos. "Naku naman bakit hindi ako nagising ng maaga, maaga pa naman klase ko ngayon araw." Oo, may pasok siya ng araw na iyon. Kahit pa wala siyang kagana-gana pumasok sa eskwela dahil kagagaling lang niya sa lagnat. Saka parang wala talaga siyang kagana-gana pumasok ng araw na iyon sa hindi malamang dahilan. Ngunit natatakot rin siyang mamarkahang absent, mahal pa naman ang kanyang tuition fee, nararapat lang na mag-aral siya ng mabuti. Naglalakad na siya ngayon patungo sa bahay ng kanyang lola. "May klase ka?" kaagad na tanong ng kanyang Lola nang makita siya. Tumango siya at humikad. "Opo 'e." "Maligo ka na," giit nito at tinalikuran siya. Tumango siya at nilagay sa ibabaw ng kama ang mga dala niya. Malalaki ang kanyang hakbang na pumasok sa loob ng banyo. Nang mahawakan niya ang tubig sa gripo ay napangiwi siya. "Ang lamig ng tubig," komento niya. Pikit mata siyang nagsandok ng tubig at binuhos iyon sa ulo niya. Naninigas ang kanyang katawan nang tumama sa ulo niya at sa katawan niya ang malamig na tubig. "AHHH, ANG LAMIG!!" tili niya sabay talon. Para siyang palakang na basa ng ulan sa ginawa niya. "ANO KA BANG BATA KA! TUMAHIMIK KA DIYAN!" sigaw sa kanya ng kanyang Lolo. Napangisi na lamang siya sa kaniyang kabaliwan. Mabilis lang ang pagligong ginawa niya, hindi nga umabot sa 30 minutes 'e. Oo, isa siyang babae pero hindi siya iyong tipong mabagal maligo at saka baka malate pa siya kung pabagal-bagal siya. Paglabas niya sa banyo ay kaagad niyang sinuot ang kaniyang damit at hindi na nag-abalang magsuklay, tinali niya kaagad ang kaniyang buhok. "Alis na po ako," pamaalam niya at akmang lalabas na sa bahay ng kaniyang Lola. "Hindi ka kakain?" tanong nito. Umiling siya. "Hindi na busog pa po ako." Tumango na lamang ang matanda at hindi na ang komento pa. Siya naman ay malalaki ang mga hakbang na lumabas sa bahay at bumalik sa kanilang bahay kung saan hinihintay siya ng kaniyang ama. Pagdating niya sa bahay ay kaagad niyang tinawag ang kaniyang ama. "TAY, ALIS NA TAYO!" sigaw niya at umupo sa loob ng tricycle. Napangiwi siya nang mapansing kay bigat ng kanyang bag. Napatingin siya sa kaniyang cellphone. 6:19 pa lang ng umaga, hindi niya maiwasang napangiwi dahil ang bilis pala ng kilos niya kanina na hindi man siya inabot ng 30 minutes sa bahay Lola niya. ILANG SAGLIT pa ay nasa daan na sila, tinatahak nila ang daan papunta sa may sakayan. Sa harap na sila ng simbahan nang makita niya ang isang bus. "Tumigil ka, tumigil ka," bulong niya habang titig na titig sa bus na dumaan sa paningin niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang tumigil ang bus sa gilid ng simbahan. "Sakay ka roon?" tanong ng kaniyang Ama. Mabilis na tumango siya. "Opo, bilisan mo tay, kailangan natin maabutan." Iyon nga ang ginawa ng kaniyang Ama. Pagkatigil ng tricycle ay dali-dali siyang bumaba at nagpaaalam. Patakbo siyang pumunta sa gilid ng bus kung saan may pintuan sa hulihan. "Sa Terminal po, Manong," aniya nang makapasok na siya. Tumango ang Mama habang siya ay napalinga-linga. Lihim siyang napangiwi nang mapansing may mga nakaupo na sa bintana malapit. Favorite spot niya kasi sana iyong malapit siya sa bintana, napabuntonghininga siya at umupo na lamang sa tabi ng isang Mama. Nang umandar na ang bus ay napalinga siya at napakurap-kurap siya nang makita niya ang lalaking laman ng isipan niya ilang taon na. Nakapa upo ito sa may hulihan at nasa pinaka gilid. Naka suot ito ng ID nila, pakiramdam niya biglang tumigil ang pagtibok ng puso niya. "Hindi, imagination mo lang iyan, hindi siya iyan," bulong niya sa sarili para pakalmahin. Pasimplemg lumingon siya muli sa gawi ng lalaki. Napalunok siya dahil naramdam niya ang familiar na pakiramdam pag nakikita niya ito. Tila ba nauubusan siya ng oxygen pag nakikita niya ito. "You take my breath away, every time you're near me," gusto niyang sabihin sa lalaki pero baka magtaka ito kaya't tinukom niya ang kaniyang bibig. Napailing siya at pasimpleng hinilot ang kaniyang dibdib. "Huminga ka, huminga ka," pakiusap niya sa sarili dahil parang nakalimutan na niyang huminga. Oo gano'n katindi ang impact nito sa kaniya. Pumikit siya at pilit na pinapakalma ang sarili, parang gusto niyang bumaba na lang kasi hindi talaga siya makahinga. Pagkamulat ng kaniyang mga mata ay nahagip na naman ng mga mata niya ang lalaki, nakayuko ito. Bakit gano'n ang gwapo nito sa umaga, parang nakakahiyang tumabi rito dahil ang fresh-fresh nito tignan habang siya parang isang bangus sa tindahan. Napangiwi siya at pasimpleng inayos ang sarili, napatampal siya ng kaniyang noo nang mapansing basa ang kanyang likuran. Marahil dahil basa pa kanina ang buhok niya tinali na niya agad. Hindi siya mapakali sa kinaupuan niya kaya't nagpasya siyang magsuot ng head set para ma-distract niya ang sarili. Nanginginig ang kamay na dinukot niya ang kaniyang head set sa bulsa ng bag niya at mabilis na pinaandar ang headphone. Ilang sandali pa ay, napangiwi siya at nilagay ang mukha sa kaniyang bag. "Gutom lang iyan, gutom lang iyan, hindi siya iyan, imagination mo lang, imagination mo lang, kumalma ka, kumalma ka," pag aalo niya sa sarili habang nakapikit. "Pwede ka bang umusog, Miss?" Napa-angat siya ng kaniyang tingin nang marinig niya ang boses ng conductor. Wala sa sarili napatango siya at umusog pero napangiwi siya nang mapagtantong kay laking tao ang gustong umupo sa tabi niya. "Huwag na lang, doon na ako sa harap," sabi ng malaking Mama. Napahinga naman siya ng maluwag at pasimpleng nilingon ang lalaki na nakatingin ngayon sa labas. Ang lalaking tinutukoy niya ay ang lalaking matagal na niyang gusto, mula high school pa siya. Iisang eskwelahan sila pero mas matanda ito sa kaniya ng isang taon pero hindi iyon naging hadlang para magustuhan niya ang lalaki. She admires him, para sa kanya ang lalaki ang kanyang future, ang kaniyang kumpas, ang kaniyang lakas at kahinaan. Hindi nga lang niya alam kung gano'n rin ba ito sa kanya pero hindi na iyon mahalaga basta masaya ang puso niyang ang lalaki ang pinili niyang mahalin kahit pa minsan nakakainis ito at lagi lamang sakit ang binibigay nito sa kanya. Oo na, siya na iyong martir at tanga pero hindi niya lang kasi talaga magawang bitiwan ang lalaki kahit pa wala naman siyang nakakapitan rito. Wala naman kasiguraduhan kung gusto ba siya nito o hindi, naghihintay lang siya sa wala pero hindi na iyon mahalaga. Ang imporante ay masaya siya, marami rin namang naitulong sa kaniya ang lalaki kahit paano. Bumuntonghininga siya at napasulyap muli sa gawi ng lalaki. Nakayuko na naman ito, hindi niya alam kung nakita ba siya nito, kung grabe rin ba ang impact niya rito. Napatingin siya sa labas at lihim na napangiti. "Hindi ko akalain na makasabay ko talaga siya, rati, ini-imagine ko lang ngayon 'e nangyari na. Nakakatuwa lang dahil hindi ko pala kaya, ano pa kaya kung magkatabi kami? Baka talaga malagutan na ako ng hininga sa bilis ng t***k ng puso ko," Sa isip-isip niya. Parang gusto niyang tumigil ang oras at bumagal ang takbo ng bus. Ngunit naisip niya napaka-impossible iyon mangyari, dapat makontento na lamang siya kung ano ang binibibigay ni Tadhana na pagkakataon sa kaniya. "Makakaya ko kaya siya makasabay mamaya muli sa jeep? Sa paglakad papunta sa terminal? Hindi kaya't mahimatay ako mamaya?" sunod-sunod na tanong ng utak niya. Iniisip niya pa lang ay parang hindi nakakayanin ng puso at katawan niya. Nanginginig ang kamay niya, gano'n rin ang kaniyang tuhod. Napahinga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili dahil malapit na tumigil ang bus. Inalis na rin niya ang head set sa kaniyang tenga at inihanda na ang sarili para bumaba. "Kakayanin natin ito self, dapat kayanin natin, huwag mo ipapahiya ang sarili mo sa kaniya, maawa ka," tahimik na pakiusap niya sa sarili nang tumigil na ang bus. Pinauna niya ang ibang pasahero sa pagbaba nang wala nang natira. Napatingin siya sa gawi ng lalaki tila may hinihintay rin ito. Napalunok siya at tumayo ngunit napabalik siya sa kaniyang upuan nang sumabit ang kaniyang damit sa upuan. "Ano ka ba, huwag ka nang umeksena, maawa ka," nakapikit na bulong niya sa sarili. Huminga siya nang malalim at tumayo muli at dahan-dahang bumaba sa bus baka kasi malaglag siya, nanginginig pa naman ang tuhod niya. Nang nasa labas na siya ay napapadyak siya sa inis sa sarili. Ngumiwi-ngiwi pa siyang parang baliw, mabuti na lang talaga naka-mask siya hindi nakita ng iba ang pag nguso niya. Nang nasa gilid na siya ng kalsada, hindi siya lumingon sa kaniyang likuran sa takot na baka nakasunod sa likuran niya ang binata at sa sobrang kaba niya 'e tatawid siya nang hindi tumingin kung may sasakyan o wala. Wala pa siyang plano mamatay, kaya't kailangan niyang pakalmahin ang sarili. "Mag-isip ka, huwag ka ngang tanga-tanga!" sigaw ng isang bahagi ng utak niya dahil hindi siya gumagalaw sa kaniyang kinakatayuan. "Ano ba, wala nang sasakyan, ano plano mo? Tumanganga rito?" kastigo niya sa sarili. "Hindi ka ba tatawid?" Napakurap-kurap ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang boses ng isang lalaki sa kaniyang tabi. Sa gulat ay napatalon siya, at napahawak sa kaniyang bibig nang makita niya ang lalaki sa tabi niya ay kaniyang crush na si King Edison. "I-ikaw?" bulol na aniya sabay turo sa lalaki. Napapikit siya nang maramdam niyang humina na ang tuhod niya. Bumigay na talaga ngunit kaagad rin naman siya napamulat nang maramdam niya ang braso nang lalaki sa bewang niya. "Ayos ka lang ba?" nag alalang tanong nito. Parang tumigil ang pag inog ng mundo niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. "Namumutla ka at pawis na pawis, nagugutom ka ba?" tanong muli ng lalaki at inalalayan siya umayos ng tayo. "Ah...eh...ih..." parang tangang aniya. Parang gusto niyang kutusan ang sarili para magising siya. Narinig niyang natawa ng mahina ang lalaki kaya't napakurap-kurap siya. Tumawa ito, pinagtatawanan siya ng lalaki. Hindi niya maiwasang mamula sa pagkahiya. "Sorry, ang kyut mo kasi," nakangiting komento nito. "Huh?" gulat na bulalas niya. Nagpamulsa ang lalaki at ngumiti ito at naunang lumakad habang siya ay napatulalang sinundan ng tingin ang lalaki. "Hindi ka ba sasabay?" Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng lalaki. Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya. "S-sasabay," mabilis na tugon niya at lumakas papunta sa kinaroonan ng lalaki. ILANG SAGLIT pa ay nakasakay na sila sa isang bus. "Mabuti na lang nakita natin itong bus, libre lang sumakay rito." Napatingin siya sa lalaking ngayon ay naka-upo na sa kaniyang tabi. Hindi siya makapaniwala katabi niya ito ngayon at nakinakausap pa siya nito. "Natulala ka na naman, ano ba iniisip mo?" Napakurap-kurap ang kanyang mga mata sa sinabi ng lalaki. "Iniisip ko lang kung bakit ang gwapo mo…" Napakagat siya nang kaniyang ibabang labi nang mapansin niyang nagbago ang expression ng lalaki at alam niyang siya ang dahilan nun. "Sa lahi na namin ito, l wonder if gusto mo rin mapabilang sa aming lahi?" Napa-iwas siya ng tingin sa narinig at parang gusto niyang ilibing ang sarili dahil sinabi niya pala ng malakas ang nasa isip niya. "Nakakahiya ka self," kastigo niya sa sarili at wala sariling tinampal ang kaniyang bibig. Napatigil siya nang hawakan ng lalaki ang kaniyang kamay kaya't napatingin siya sa gawi nito. "Huwag, dudugo ang labi mo, tignan mo namamaga na," komento nito at pinalandas ang hinlalaki sa ibabang labi niya. Heto na naman, nakalimutan na naman niya huminga. Napapikit siya at pasimpleng kinurot ang kaniyang kamay para maparamdam siya ng sakit. "Ang kyut mo talaga." Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng lalaki. "Tama na…" mahinang reklamo niya. Kunot ang noo nito at minasdan siya. "Ano sabi mo?" "S-sabi ko tama na, baka malagutan na talaga ako ng hininga sa ginawa mo." Imbis na mainis ay napangisi pa ang lalaki. "Gan'on katindi ang epekto ko sa iyo." Tumango siya. "Oo, halata naman hindi ba?" Natawa na ang lalaki. "You never fail to amuse me." Napailing siya at binaling ang atensyun sa may labas. Malapit na silang makarating sa kanilang eskwelahan. Medyo na lungkot ang puso niya dahil maghihiwalay na sila ng lalaki. "Gusto mo bang mamasyal mamaya pag uwi?" Napalingon siya sa gawi ng lalaki nang magsalita ito. Bumuka-sara ang kaniyang labi pero walang salitang lumabas hanggang sa tumigil ang bus sa harap ng kanilang eskwelahan at tumayo ang lalaki. Napakurap-kurap siya nang nasa labas na ang lalaki kaya't mabilis siyang tumayo at bumaba at tinakbo ang pagitan nila ng lalaki na ngayon ay papasok na sa gate. "TEKA!! SASAMA AKO SA IYO!" sigaw niya. Napakagat siya ng ibabang labi niya nang tumingin sa kaniyang gawi ang lahat ng tao sa paligid nila. "It's settled then, sabay tayo umuwi mamaya," nakangiting sabi ng lalaki at hinawakan ang kamay niya. Napangiti na rin siya at hindi na ininda ang hiya dahil hawak-hawak ng lalaking gusto niya ang kaniyang kamay, hindi niya akalaing magkakaroon siya ng unexpected encounter in the bus sa kaniyang long time crush ngunit masayang-masaya siya dahil napansin na siya nito. The End Binibining Mary ✍️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD