Chapter 5

2981 Words
Present Javi's POV Andito ako sa bathroom ko sa kwarto. Umiiyak at sinisisi ang sarili kung bakit ko nga ba hinayaan na may mangyari samin dalawa! Paano ako ngayon? Di naman na nya mapapanagutan dahil may asawa na sya at much worst, magkakaanak na sya! Ang g*go lang! Promise are made to be broken kaya dapat talaga hindi ako naniwala sa pangako na un! Hindi dapat ako nagpadala sa sinabi nya! Tignan mo! Hindi lang ako ginalaw ng g*go! Inanakan pa ko. Pero hindi na dapat kasi may asawa na sya... Lagot ako kay papa! Paano ako magdodoctor kung ganto! Nakapasa na ko ng NMAT tapos biglang may ganto! Waaaaaah! KUYA ANGELO!!! 2 months na kong andito sa Korea, at 2 months simula ng may mangyari ulit samin ni Louie. Simula ng nagumpisa syang manlamig at mabalitaan kong ikakasal na sya, mas malala dahil nabuntis nya ung babae. Pinagsawaan lang ako ng Bagong taon, kung may nagpapaputok ng fireworks nung gabi na un. Sya din nagpapap*tok sakin. Hay! Mabuti na lang I continue taking pills. Sabagay! Kami pa din kasi nun... Hindi pa sya nanlalamig sakin. Wala pa kong kaalam alam na kinabukas pala nun iaannounce na ikakasal na sya dahil nahuli syang katabi ung anak ng kaibigan ng parents nya. Alam na nya un kaya nga pinagsawaan nya ko! Alam nya un kaya nga nung pagkatapos naming gawin un umiiyak sya at niyakap ako ng mahigpit. Un pala ung hinihingi nya ng sorry sakin. Akala ko kaya lang nagsasabi ng 'mahal na mahal' nya ko ay dahil ganun nya ko kamahal. Hindi pala kasi may ginawang kagaguhan! Late ko na nalaman na may ganun pala. Kasal na sila! Hinayaan ko na nanlalamig sya sakin sabi ko baka busy lang kasi nagtatrabaho na sila, un naman pala may ibang tinatrabaho. Sobrang nagalit ako kila Kuya nun dahil hindi nila sinabi sakin. Alam na pala nila pero hindi nila sinabi. Hinayaan nilang pumunta ng Celebration ng graduation ko ung mag asawa at ung baabe may umbok na sa tyan. Pero anong magagawa ko. Galit man ako sa kanila pero sila lang ung makakapitan ko ng araw na un. Hinayaan nila ko sa kwarto na umiyak ng umiyak dahil un naman ung dapat at un ung gusto ko. Pero sadyang tarantado si Louie at pinasok ako sa kwarto... Kaya eto ako ngayon, umiiyak dahil... Im pregnant.. nung araw na un may nangyari samin at alam ko sa sarili kong gusto ko un pero pinigilan ko syang wag sa loob dahil nga may asawa na sya pero hindi nakinig si Louie at dun nya pa din inilabas... Alam kong mali un, aminado ako pero naging marupok ako... Kaya eto ako ngayon at hindi alam ang gagawin.. "Javi? Halika na. Kain na tayo." Naputol lang ung pagiisip ko dahil sa sigaw ni papa. Wala naman pamilya si Papa na iba. Naghiwalay lang sila ni mama pero hindi na nag asawa si papa ulit. Kaya eto kami at dalawa lang ni Kuya. Pinunasan ko muna ung luha ko at huminga ng malalim bago ako sumagot kay papa. "Susunod na po ako pa." Sagot ko. Nakarinig naman ako ng paglayo sa pinto ko kaya alam kong nakaalis na sya. Tatawag ako mamaya kay Kuya Gelo. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Paano ako pag aaralin ni papa na may laman ang tyan... Nag ayos na lang muna ko para bumaba dahil hindi kakain si papa pag hindi pa ako bumaba. Kahit wala akong gana kailangan kong bumaba at kumain. Bumaba na ko at umupo sa lamesa kung saan andun ung mga pagkain. Buti nga kahit andito kami ni papa sa Korea. Kinakausap pa din nya ko ng tagalog. "Okay ka lang? Bakit mukha kang namumutla?" Tanong ni papa ng umupo na din sya sa tapat ko habang inilalapag ung r****h na hawak nya. Paborito ko to dito pero dahil ung bata sa tyan ko mukhang ayaw kaya eto ako at nagpipigil na maduwal sa harap ni papa. "Okay lang ako pa... Pagod lang ako dun sa mga inaadvance reading ko atska dun sa office mo." Nakayukong sabi ko. "Ah. Sabi kasi sayo. You don't have to help me in our company, but you still insisted ayan at napapagod ka tuloy. Magpahinga ka na dito bukas at mag aral na lang ulit para pagdating ng pasukan, you don't have to rush. Araso?" Sermon ni papa. "Opo. Sorry." Sabi ko habang pinipigilang umiyak. "Hay ang prinsesa ko. Okay lang. Sige na at kumain ka na. Tapos umakyat ka na at magpahinga." Sabi nya kaya kinagat ko ung ibabang labi ko para hindi humikbi. Kumuha na lang ako ng pagkain at sumubo kahit sa loob loob ko. Gusto kong isuka ung ipinapasok ko sa bibig ko. Agad akong nagpaalam kay papa ng matapos ko ung pagkain ko. Halos takbuhin ko ung banyo ko mula sa pinto ng kwarto ko dahil nasusuka na talaga ako. Pagdating ko dun, inilabas ko lahat ng kinain ko habang pinubuksan ung shower para akalain ni Papa na nagsshower lang ako. Naiiyak akong inayos ung sarili ko at nilinis ung suka ko. "Tanga mo kasi Javi!" Sabi ko sa sarili ko habang naiyak at nakatingin sa salamin. Paglabas ko sakto naman tunog ng phone ko. Si Kuya Gelo. Dala dala ko ung pt na ginamit ko para sa test kanina. Naiiyak kong sinagot ung tawag nya. "Kuya..." Hindi ko na napigilang hindi umiyak, wala naman akong natanggap na kung ano kay Kuya kundi mukha ng nag aalala pero may galit. [Bakit ka umiiyak bunso? Anong nangyari?] Tanong nya sakin. Hindi ko alam pero ramdam kong galit sya. Huminga muna ko ng malalim.. "Kuya... May kasalanan ako sayo... Sa inyo ni papa..." Naiiyak kong sabi at pumikit lang si Kuya tapos ngumiti pag dilat. [Sabihin mo na bunso... Andito lang si Kuya..] sabi nya kaya naman mas naiyak ako kasi natatakot ako. "Kuya... Im pregnant..." Sabi ko at unti unting tinaas ung pt at mas umiiyak. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko..." Dagdag ko pa at yumuko dahil ayokong makita ung itsura nya. [T*ngina!!! Si Louie ba?! Si Louie ang ama?] Nanggigil na tanong nya. Tumango lang ako sa kanya. [Tarantado! Hayop!] Galit na mura nya pero pininigilan ko agad. "Kuya... Please! Don't tell him... Ayokong makasira ng pamilya... Natatakot lang ako kay papa... Paano ako mag aaral..." Naiiyak pa din na sabi ko. [Ayaw mong makasira! Eh sya naman mismo ang sumira ng pamilyang gusto nya! Tarantado!] Galit na sigaw ni Kuya. [Ako ng bahala kay Papa. I'll tell to him. Wag ka na umiyak baka pumangit ang pamangkin ko... Dito lang si Kuya. Kung ayaw ni Papa, ako mag papaaral sayo. Naiintidihan mo? Iuuwi kita dito.] Desididong sabi ni Kuya kaya umiyak lang ako ng umiyak... "Kuya... Sorry... Sorry talaga... Kasalanan ko naman ih... Hindi ko sya pinigilan. Una pa lang dapat pinigilan ko na... Hindi na ko nagpagalaw. Sorry...." Umiiyak pa din na sabi ko nabiglang umangat dahil sa pagbiglang bukas ng pinto ko. Si Papa.... "Totoo ba?! Totoo bang buntis ka, Javielle Lorraine?! Sumagot ka?! Narinig ko usapan nyo nga Kuya Angelo mo! Pero gusto ko marinig sayo mismo?!" Galit na sigaw ni Papa... Naririnig ko si Kuya na sumisigaw pero hindi ko maintindihan! Na kay Papa ang atensyon ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko... Humagulgul na lang ako dahil sa kaba at frustration ko... Tanga mo kasi Javielle! "Sagutin mo ko, Javielle!" Parang kidlat na sigaw ni Papa.. kaya mas natakot ako at tumango at unti unting inabot sa kanya ung pt. Pagkita ni Papa nun bigla syang naglakad sa kama at umupo na parang frustrated sa nangyari. Naririnig ko pa din si Kuya na sumisigaw. "Pa... Im sorry..." Ayun lang ung nasabi ko kasi ayoko ng magpaliwanag sa kanila. Tinignan lang ako ni Papa tapos kinuha ung phone ko. [Papa. Please... Don't hurt Javi... Ako may kasalanan... Di ko sya nabantay... Please... Kung ayaw mo na syang pag aralin.. uuwi ko na lang sya dito. Ako na bahala... Wag mo na syang pagsalitaan. Please...] Mahinahong sabi ni Kuya. Tinignan muna ko ni Papa bago sya nagsalita kay Kuya. "Angelo. Kilala mo kung sinong tatay ng anak ng kapatid mo?" Madiing pero mahinahong tanong ni papa kay kuya. [O-Opo.] Alanganing sagot ni Kuya. "Javielle, will stay with me. Don't tell to that guy na buntis si Javielle. Naiintindihan mo ko, Angelo?!" Nanggigil na sabi ni Papa. [Yes pa... But please... Don't hurt Javi's feeling...] Umiiyak na sabi ni Kuya kaya mas naiyak ako. Si Kuya ang kasa kasama ko simula ng nawala si Mama. Kahit ayaw nuon ni Papa na magstay ako kay Kuya, pinush nya at sinabing hindi nya ko papabayaan. Kaya ngayon alam kong sinisisi nya ung sarili nya dahil sa nangyari sakin lalo na kaibigan nya ang tatay nito. "Gelo. Don't be so stupid. Wala akong gagawin sa kapatid mo na anak ko. I will talk to her. Mamaya na kayo mag usap ulit." Sabi nya at pinatay na ung tawag ni Kuya at hindi na inantay ung sagot nun. Kinabahan naman ako habang nagpupunas ng luha dahil biglang tumingin sakin si Papa.. "Stop crying. Makakasama sa bata." Sabi nya habang tumatayo. "Hindi na ko magtatanong ng kung ano pa about sa tatay nyan. Sa Kuya mo na lang siguro. Kaya mo bang mag aral even though you are pregnant?" Tanong nya sakin at hinaplos ung ulo ko. "Papa..." Naiiyak na tawag ko sa kanya, niyakap lang ako ni papa at hinimas ung likod ko. "Ssshhh... Ang prinsesa ko. Patawarin mo si Papa ah... Kung hindi ko kay iniwan ni Kuya nung nawala si Mama. Sorry Anak.." malambing na sabi ni Papa pero alam kong umiiyak sya. "Sorry papa... I love you po... Mag aaral po ako kahit ganto... Sorry po talaga..." Naiiyak na sabi ko sa kanya at yumakap ng mahigpit. "Mahal ka din ni Papa... Wag na umiyak. Kawawa naman ang apo ko pag pumangit." Sabi nya at inilayo ako ng unti tapos pinunasan ung luha na nagtumutulo sa mukha ko. Nag usap lang kami ni papa sa magiging set up namin. Kakausapin nya ung school na papasukan ko kung hahayaan akong mag aral at pag pumayag. Tuloy tuloy akong mag aaral sa pag dodoctor ko. Pagkatapos din ning mag usap, ako na ang tumawag kay Kuya Gelo at sinabi kung anong napag usapan namin ni Papa. Nagsabi lang sya na bibisitahin nya daw ako dito once na natapos na ung project nya. At magsabi lang daw ako kung may kailangan ko. ----- Lumipas ang pitong buwan at patuloy ako sa pag aaral, nakaonline class ako. kabwanan ko na kaya si Kuya Gelo andito at todo bantay sakin kahit si Papa. Kumuha na din si Kuya ng mag aalaga kay Baby Jash. Dahil paglabas nya 3 months lang babalik na ko ng school kaya kailangan masanay ni Jash sa kanya. But i will be hands on to him also. Ou. Lalaki ung anak ko. Tuwang tuwa nga si papa at kuya nung nalaman nila na lalaki. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Kuya at Louie. Wala namang nabanggit si Kuya sakin. Wala na din akong paki alam sa kanya. Bahala na sya. Itutuon ko ung atensyon ko sa anak ko. "Nag iisip ka na naman ng malalim, Javi." Agaw ng atensyon ko ni Kuya. "Sorry. Wala akong magawa Kuya eh." Nakangiting sagot ko sa kanya. Nakaleave si Kuya ngayon dahil nga sakin, kahapon lang sya dumating. At may mga pasalubong na gamit ng baby. "Lika. Lakad lakad tayo. Dyan oh? Sa labas ng bahay." Yaya nya sakin kaya tumayo ako, inalalayan naman ako ni Kuya dahil medyo hirap na din ako. Hindi naman gaano malaki ung tyan ko pero nahihirapan ako kasi first time ko. Ang bigat bigat. Lumabas na kami ni Kuya at tahimik na naglakad lakad sa bakuran. Nakahawak ako sa braso nya at dahan dahan naman syang naglalakad. "Alam kong wala kang paki alam sa pamilya ni Louie pero nanganak na ung asawa. Babae" Basak nya sa katahimikan namin. Di naman ako nagreact at huminga lang ng malalim. Dahil bigla may bumara sa lalamunan ko at dibdib ko. "Ah. Talaga? Edi maganda." Sabi ko at pinipigilang umiyak. Tinignan lang ako ni Kuya pero bumalik din agad sa harap ang atensyon. "Hm. Anong balak mo? Dito ka na sa Korea for good or babalik ka ng pilipinas?" Pag iiba nya ng topic. Buti naman pero hindi ko pa din kasi alam. "Di ko alam kuya. Baka dito muna ko mag internship at magboard exam. Pwede ding sa pilipinas ko na gawin ung dalawang yun. Di ko pa talaga alam. Sa ngayon eto munang anak ko ang pagtutuunan ko ng pansin." Sabi ko sabay himas sa tyan ko. Tumango tango lang naman si Kuya at hindi na nagsalita. Habang naglalakad kami pabalik ng loob ng bahay bigla naman akong nakaramdam ng pananakit ng tyan. Kaya napahawak ako ng matindi kay Kuya. "Hey! What happen? Anong masakit?" Agad na tanong nya dahil nakangiwi ako. "Kuya... Humihilab ung tyan ko. Lalabas na ata si Jash..." Nakangiwing sabi ko. Kaya naman sumigaw si Kuya kay Leah, ung taga alaga namin tapos dali dali akong binuhat papunta ng kotse. Nang makasakay naman na si Leah sa kotse pinaandar na un ni Kuya at tumawag kay Papa. Ako naman na iiyak na sa sakit ng tyan at balakang ko.... Para akong naiihi... Ilang minuto lang nakaramdam ako ng tubig sa hita ko at mukhang pumutok na ung panubigan ko.. "Sir Gelo. Pumutok na po ung panibigan ni Mam Javi..." Nag aalalang sabi ni Leah. "Oh f*ck! Saglit lang bunso ah... Kapit lang... Jash... Wag mong pahirapan ang mama mo..." Kausap ni Kuya dun sa baby ko. Habang busy pa din na tawagan si Papa. "Pa! Si Javi. Manganganak na! Papunta na kaming ospital. Yes! Salamat." Mabilis na sabi nya at binaba na un. "Argh! Kuya! Ang sakit na!" Naiiyak na sabi ko at sakto naman na huminto na kami sa ER ng Hospital. "Dito na tayo bunso." Sabi nya. "My sister is in labor, she already have a record and OB here." Kausap nya dun sa nurse na nasa unahan namin. "Oh! Doctor Kim!" Tawag nya dun sa OB ko. Hindi ko na alam ang nangyayari dahil masakit na talaga sya. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ko sa Hospital Bed at nilalagyan ng dextrose. "You need to push this really hard, Javi. Araso?" Bilin ni Dr. Kim kaya tumango na lang ako. "When you push, don't make any sound because it will drain your energy. You can do this, Javielle. Okay! Let's Start." Dagdag nya pa kaya naman. Nung sinabi nyang iri, iniri ko talaga at sobrang sakit! 3 iri lang at nakarinig na ko ng iyak ng bata... Kahit sobrang pagod ako at gusting pumukit ng mata ko. Sobrang sarap sa pandinig na marinig ko ung iyak ng anak ko. Inihiga sakin si Jash at hinayaang yakapin ko. Naiiyak ako. 'Jash... Mahal ka ni Mama, hinding hindi ka iiwan ni Mama. Pangako. Mag sisikap si Mama para sayo.' sabi ko at hinalikan pa un sa ulo. Kinuha naman sya agad sakin dahil lilinisan kaming dalawa pareho. After akong linisan, nakatulog na ko kaya naman paggising ko. Andito na sa loob ng kwarto ko si Kuya, Papa at Leah. Nilalaro nila si Jash. Buhat ni Papa si Jash, si Kuya naman tinitignan ung mukha ni Jash. "Nak ng Patola, Jash! Mama mo naghirap sayo tapos kamukha ka lang ng tarantado mong Tatay? Tsk! Buti na lang love kita." Sabi nya na hindi mo alam kung naiinis o natatawa. kamukha ni Jash si Louie? Bakit? Paano ko itatago? "Gelo! Bibig mo!" Saway naman sa kanya ni Papa kaya natawa ako at kaya din nabaling ung atensyon nila sakin. "Gising ka na pala, Javielle." Bati ni Papa sakin at unti unting lumalapit. "Kamukhang kamukha ni Louie. Mahal na mahal mo ba ung tarantadong un?" Sabi ni Kuya at tumabi sakin. Nginitian ko lang sya dahil sa sinabi nya. "Kuya. Malakas lang ang dugo nya kaya ganun. Hindi porket kamukha e, mahal na mahal ko na agad. There's none like that in science." Sabi ko at inirapan lang naman ako. "Okay. Med Student ka nga pala." Sabi nya kaya natawa sila papa at leah. "Pwede pong pabuhat papa?" Tanong ko kay papa kasi parang ayaw na ibigay sakin. "Of course, it your son." Sabi nya kaya dahan dahang ibinigay sakin. Naluha ako ng mahawakan at matitigan si Jash. Tama nga si Kuya, para silang pinagbiyak na puno ng saging, dalawa ni Louie. Walang nakuha sakin. Ang daya! "Ssshhh.. stop crying. Iiyak din yan si Jash." Sabi ni Papa at hinagod ang ulo ko, si Kuya naman hinahagod ung likod ko. "Hayaan mo. Pag lumaki yan magiging kamukha mo din." Biro ni Papa kaya naman natawa ako bahagya. "Sana. Pero kung hindi hayaan mo na. Atleast may alaala ka sa ex mo." Sabi ni Kuya tapos ngumiti. Ex? Wala nga kaming closure. Hahahaha. "Gutom ka na ba? Nagluto ako ng nilaga sa bahay kanina tas dinala ko dito. Wanna eat?" Tanong nya. Tumango na lang ako pero hindi ko pa din binibitawan ung anak ko. Kaya hinanda na ni Kuya un. Sakto naman na nahanda na ni Kuya, dumating ung nurse at kukunin na si Jash. "i will get the baby for his vaccine and by the way what is the baby name?" Tanong nya kaya naman sakin habang kinukuha si Jash. "Jashua Lawrence Manliquez." I said and look at Kuya. He just smile at me and didn't say a thing. After kong sabihin un. Umalis na din agad ung nurse at ibabalik na lang daw after 30 mins. Kaya kumain muna ko para may lakas at gatas ako pag gusto na ni Jash ng milk. Kakayanin ko naman kahit wala si Louie diba? Bahala na kung anong sasabihin ko pag hinanap nya ung papa nya. --------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD