Natigilan si Ethan sa kaniyang ginawa saka niya ako tinakbo at kinulong sa yakap. Sa galit ko sa kaniya ay tinulak ko siya. "Huwag mo akong hahawakan!" mariin kong sabi. "Love, sorry—" "Iyan lang ba ang kaya mong gawin? Ang paulit-ulit akong saktan at paulit-ulit na mag-sorry? Nakasasawa ka!" Tumayo ako at tinulunggan kong tumayo si Shannon. "Pati ang nag-iisang taong totoong nagmamalasakit sa akin kapag nakikita akong nasasaktan dahil sa iyo ay ginanito mo!" Iyon lang at palabas na kami ng canteen habang umiiyak. "At siya nga pala, hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit hindi mo man lang ako magawang pansinin habang kasama mo ang babaeng iyan. Tapos ngayon ay ganito ang inasal mo, pinahiya mo lang ako. Pinagmukhang tanga sa harap ng ibang tao. Ano mo ba talaga siya sa bu