"Hindi ka naman nahihirapang mamili kung mahal mo talaga ako, 'di ba? Siguro ganito talaga ang buhay. Sino ba naman ako kompara sa kaniya? Mas bagay kayo kaya palalayain na natin ang isa't isa," umiiyak kong sabi sa kaniya. Hindi ko na kasi talaga kaya ang sakit. Kailangan talagang humantong sa ganitong desisyon dahil kami lamang ang mahihirapang dalawa, lalo na ako. Alam kong tanga ako, pero hindi naman iyong ganito kasukdulan. Alam ko pa naman protektahan ang sarili ko. Ngayong kaya ko pa siyang pakawalan ay gagawin ko. Nagkasasakitan lang kami tapos may nadadamay pang tao gaya ni Shannon. Ayaw ko nang lumala pa ang lahat. "Love, don't do this," nagmamakaawang sabi niya. Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Kitang-kita ko na ayaw niya pa ako bitawan ngunit wala naman akong magagawa da