Nang makabalik na ako kasama ang mga kagrupo ko, nakita ko si Ethan na niyakap nang mahigpit si Sam. Halos wala ng pagitan ang higpit ng yakap nila sa isa't isa at kahit na hangin ay mahihiya sa yakapan nilang dalawa. Nilibot ko ang ang aking paningin sa buong lugar pero wala akong makita. Umalis na rin ang mga naka-motor na gustong manakit sa akin kanina. "Umalis na sila?" bigla kong tanong. Ni hindi ko na inisip kung nasisira ko na ang moment nilang dalawa. Para kasi akong hindi makapaniwala. "Kanina pa. Ang tagal ninyo kasi," sabi ni Sam. Dahil sa hindi maipaliwanag na damdamin ay bigla akong tumakbo at yumakap kay Sam habang umiiyak. "Sam, salamat talaga. Kung wala ka ay sigurado akong napahamak na ako," humahagulhol kong sabi. "Sino ba ang mga iyon?" sabat ni Ethan at