Noong bandang hapon na ay hindi nga si Samantha nagkamali dahil pauwi na sana kaming dalawa nang may biglang mga lalaking nakaabang sa amin sa labas. Lahat ito ay naka-motor na para bang mga rider na gangster na naghihintay sa kanilang mga nobya. Parang may mali, parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanag. Iba na kaagad ang kutob ko. Hindi ko maitatanggi ang kabang namutawi sa dibdib ko dahil wala pa man ang mga itong ginagawa ay nahulaan ko na... na ako ang sadya ng mga ito. Naalala ko ang mga suspetsiya ni Sam at tama nga ang kaibigan ko. Masasabi ko na masyado namang duwag sina Shiara para gawin sa akin ang bagay na ito. Hindi ang mga ito marunong lumaban nang patas. Mga duwag. Nakaaawa sila! "Sam, ang dami nila," sabi ko kay Samantha. Pareho namin ang mga itong pinagmama