Mahirap pero sinubukan kong magpatuloy sa buhay. Wala akong puwedeng asahan kung 'di sarili ko lang. Masakit ang loob ko sa nangyari sa amin ni Ethan. Sinamahan ako ni Shannon sa library. Dalawang oras akong bakante kaya naisipan kong sa library na lang tumambay. Gusto kong alisin si Ethan sa utak ko pero siya lang talaga ang natatanging laman nito. Kahit ang puso ko na nasasaktan. Sa tuwing iniisip ko siya ay tumitibok pa rin nang mabilis. Baliw na ata. Hindi ko maintindihan. Bakit kasi siya pa ang lalaking minahal ko? "Pumasok ka na. Okay lang ako rito," sabi ko sa kaibigan at halata namang tinataboy ko ito. Naa-appreciate ko ang pagdamay nito sa akin pero kailangan ko lang talagang mapag-isa. "Sasamahan kita rito," pagpupumilit nito sa akin. "Okay lang ako rito. Huwag mo akong alal