Sinarado ko kaagad ang aking locker nang may naramdamang kong may pares ng mga mata na kanina pa nakatitig sa akin. Hindi ko man tingnan pero makalas ang pakiramadam ko na mayroon talaga kung kaya't nagdesisyon ako na umalis na lang. Ngunit hindi sinasadyang may nakabunggo ako.
Napaatras ako ng dalawang hakbang dahil sa nangyari. Hindi kaagad ako nakakilos dahil na rin sa gulat nang kinulong ako gamit ang dalawang braso nang nakabunggo ko.
Again, it was Ethan Del Valle.
Napalunok ako nang magkasalubong ang aming mga mata. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya naiilang ako. Napansin ko ang galit niyang mga titig na nakabaon sa akin at halos kalakalin kung ano man ang iniisip ko.
Ano na naman ba ang ginawa ko sa kaniya?
"How dare you?!" matigas niyang sabi sa akin. Sa sinabi niya ay may problema talaga kaming dalawa na hindi ko yata alam.
"A-Ano ba ang problema mo?" mabilis kong tanong sa kaniya.
Umalis naman ako roon sa 'teritoryo' niya kung kaya't bakit niya pa ako pinag-iinitan ngayon? Kinakabahan ako dahil sa hindi malamang dahilan. Sa sobrang lapit n'ya sa 'kin ay nawala ako sa huwisyo. Ngayon lang ako nilapitan ng isang lalaki na ganito kalapit at ganito pa ang ayos.
"Ikaw," diretso niyang sagot sa aking tanong. "Ikaw ang problema ko!" ulit niyang wika at tinumbok ako.
"B-bakit ako?" nauutal kong tanong sa kaniya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko hindi dahil kinakabahan ako. Kundi bumibilis iyon dahil sa presensiya niya.
"Wala naman!" matigas niyang sabi bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Sinabihan mo lang naman ako na masama ang ugali," diretsahanan niyang sagot sa akin tapos bigla ako tiningnan ng masama. Kung nakakamatay lang ang titig ay tiyak na kanina pa ako nakahandusay sa sahig.
"Bakit ka galit?" patuloy kong tanong at pilit kong tinatago ang aking kaba. Ginawa ko ang lahat para maging matapang kahit ganito ang ayos naming dalawa.
"Bakit? Akala mo ba ay papalampasin ko ang sinabi mo sa akin?" Nakataas ang kilay niya ng sabihin niya iyon sa akin. Halatang hindi siya nagbibiro sa binabalak niya sa akin.
Magsasalita na sana ako nang may bigla siyang ginawa na hindi ko inaasahan. Nanginig ang mga tuhod ko nang bigla niyang idinampi ang labi niya sa labi ko sabay hawak sa dalawang kong pisngi.
Umabot pa sa aking mga buhok ang kaniyang mga kamay na para ba'ng sinusuklay gamit ito ng kaniyang mga daliri. Na-shock ako dahil sa ginawa niya. Nanlalaki rin ang mga mata ko dahil sa kaniyang kawalang-hiyaan.
Pagkatapos niya akong halikan ay iniwan na lang niya ako bigla. Tinalikuran niya ako na para ba'ng wala lang nangyari.
And that was the time when Ethan Del Valle started to mess up my mind. It was because of his d*mned kiss.
Hanggang sa nakauwi ako sa bahay ay hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya. Gusto kong abalahin ang sarili ko para kahit papaano ay makalimutan ko siya. Pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari kahit na ano'ng gawin kong pag-aabala.
Naalala ko lamang kung paano kalambot ang labi niya pero hindi ako dapat magpaapekto roon. Buong araw akong hindi mapakali sa loob ng klase kanina lalo na't nakikita ko siya palagi sa loob ng classroom.
Naiilang ako kapag tinitingnan ko siya lalo na't magkatabi lang kami nang upuan.
Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero nagpapanggap lang akong walang pakialam. Kahit na sa loob-loob ko ay sobrang nawindang ako sa ginawa niyang paghalik kanina.
Naiinis ako sa kaniya dahil ginawa niya 'yon sa akin. Hindi ko maintindihan. Wala kaming relasyon, ni hindi nga kami magkaibigan pero basta-basta na lang niya ako hinalikan nang ganoon! Lapastangan siya!
Naiinis man kung iisipin pero bakit may pakiramdam ako na labag sa loob ko ang umangal? Nakakahiya man ang aminin pero ang halik na 'yon ay ang unang halik na naranasan ko at nagustuhan ko pa.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinilit ang sarili na huwag na mag-isip pa. Nakinig na lang ako sa aming guro na nasa harap at abalang nagtuturo kahit na halos ang lahat ng mga kaklase ay wala sa kaniya ang atensyon.
Matapos ang pangatlong klase kanina ay wala pa rin ako sa aking sarili. Hindi ko mawaglit sa aking isipan ang mga nangyari kanina. Nang palabas na ang guro ay paulit-ulit naman na bumabalik sa aking utak ang nangyari, para itong sirang plaka ng pelikula na paulit-ulit na nagpi-play sa aking utak.
Kahit pumasok na ang panghuling guro ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Nakakainis.
Wala sa sarili akong napasigaw sa inis saka ginulo ang aking mga buhok. 'Yan tuloy, nagmukha pa akong baliw. At dahil sa pagsigaw ko, ang lahat ng tao sa loob ng classroom ay napatingin sa akin, pati ang guro namin ay napahinto sa pagtuturo. Gosh! Nakakahiya naman.
"Miss Rivera, we are in the midst of class discussion. You should not shout as if you are in the market," sabi ng aming subject teacher at pailing-iling pa ang kaniyang ulo, pinapakita ang kaniyang disappointment sa akin.
Nakakahiya dahil parang nawala ako sa aking sarili. Ito ang unang beses na hindi ko makontrol ang aking nararamdaman.
Kaya mabilis kong nilingon ang kinauupuan ni Ethan at tiningnan ko siya ng sobrang sama. Kasalanan niya 'to dahil kung hindi niya ginawa ang bagay na 'yon sa akin ay hindi ako hahantong sa ganito.
Ngunit ano pa ba ang aasahan ko? Wala akong magagawa dahil parang wala naman siyang pakialam sa mag nangyari at sa kaniyang ginawa. Kahit alam kong wala akong mapapala sa taong masyadong seryoso sa tabi ko ay hindi pa rin mawala sa kaniya ang paningin ko.
"Done checking on me?" mayabang niyang tanong at ngumisi. Ikinairita ko naman ang kaniyang sinabi.
"Ang kapal ng mukha mo! Sino ka sa inaakala mo. Artista ka ba?" naiinis kong bulong sa kaniya sa nanlilisik na mga mata.
"Gwapo lang pero hindi artista," nakangiti niyang sagot sa akin na parang sinasadya pa akong asarin.
"Kapal talaga! I'm staring, not checking on you. Magkaiba 'yon," paliwanag ko.
"Okay, if that's what you want to believe," sabi niya at bigla niya akong iniwan, sakto na rin kasing natapos ang klase.
Ang pagbabalewala niya sa nararamdaman ko ay mas lalong nagpagigil ng inis ko sa kaniya. Pagkatapos ng ginawa niya, iniwan lang niya ako sa ere na para ba'ng walang nangyari! At hindi man lang ako kinausap tungkol doon para humingi sa akin ng paumanhin.
Dapat siyang mag-sorry sa akin dahil mali ang manghalik ng babae na walang pahintulot!
"Sh*t! Nakakainis!" Wala sa sarili akong napasigaw ulit. Mabuti na lang at wala na ang aming guro dahil patay ako kung nagkataon. Baka idala na ako sa guidance office sa paulit-ulit kong pagsigaw.