Chapter 2

1142 Words
Sa kasagsagan ng klase, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi palihim na pagmasdan ang katabi kong si Ethan Del Valle. Hindi ko maipagkakaila na may gwapo siyang mukha. Ang kaniyang ilong ay matangos, nakaakit ang mapupulang labi, at makakapal ang palaging magkasalubong na kilay. Masyado siyang maangas kung titingnan ngunit hindi ko naman maitatanggi na malinis siya tingnan lalo na sa paraan ng pananamit. Karamihan kasi sa mga nakita kong lalaki sa school na ito ay halata ang pagkabarumbado ngunit iba siya, nakasuot siya ng polo at ng isang itim na jeans. Ang lakas niya makahatak ng tingin. 'Yon bang kahit na hindi ko siya sinasadyang tingnan ay nagagawa niya pa ring kunin ang interes ko. At ang matindi, nananatili na lang sa kaniya ang atensyon ko. May ganoon siyang katangian at hindi ko alam kung bakit nahahatak niya ako. Sa huli ay naoobserbahan ko tuloy siya. Masyado siyang tahimik pero mukha namang matalino. Ngunit naniniwala ako na sa bawat magagandang katangian sa kaniyang panlabas na anyo ay mukhang mayroon din siyang kakaibang ugali. Ganoon naman talaga, 'di ba? Walang taong perpekto. Unang tingin ko pa lang sa kaniya ay masasabi kong strikto siya at hindi palakibo. Napansin ko rin na walang gana siya makipag-usap o mamansin ng kaklase—kahit ako. Mukhang hindi rin siya interesado sa akin na para bang wala siyang pakialam sa lahat ng nandidito sa silid. Gaya ng inaasahan sa unang araw ng klase ay puro pagpapakilala sa sarili ang naganap. Bukod doon ay wala ng ibang nangyari. Hindi ko naman masyadong binibigyan ng pansin ang mga kaklase ko dahil hindi ako interesado at wala akong pakialam sa mga buhay nila. Lalo na sa mga babae na sinaktan ako kanina. Napansin kong nang-aagaw talaga ng pansin ang lalaking katabi ko nang siya na ang magsasalita. Wala naman siyang sinabi bukod sa pangalan n'ya pero bakit parang nakuha na niya ang atensyon ng lahat ng mga babae? "Ano ba naman 'to. Kailan pa ako nagkaroon ng interes sa iba?" tanong ko ulit sa aking sarili. Gusto kong pagalitan ang sarili dahil kanina ko pa siya pinapansin. Ano ba itong nangyayari sa akin! Dapat layuan ko ang mga taong maglalapit sa akin sa gulo kagaya niya. Hindi ko pa nga siya kilala at ka-close ay marami na ang mga babaeng naghahandog sa akin ng matatalim na tingin. Kung makatingin sila ay para bang ilang ulit na nila akong sinaksak sa kanilang isipan o unti-unting pinapahirapan. Siguro, kung nakakamatay lang ang matalim na tingin ay kanina pa siguro ako pinaglalamayan. Nakinig lang ako sa mga sinasabi ng mga kaklase ko dahil panay lang naman ang pagpapakilala nilang lahat. Ilang oras ang nagdaan ay nagpasalamat ako sa Diyos dahil dumating na ang pinakahihintay ko—ang breaktime. Mabilis akong magutom at matakaw rin ako sa pagkain pero hindi naman iyon halata sa aking katawan. Gusto ko ng kumain kaya mabilis akong umalis sa aking silya. Kahit transferee ako ay wala man lang nangahas na makipagkaibigan sa akin. Naiintindihan ko naman, bahala sila. Hindi naman sila kawalan. Mag-isa lang akong nagtungo sa canteen dahil wala pa akong kaibigan. Namili lang ako ng puwedeng makain at naghanap na ng puwesto kung saan may bakanteng upuan. Nang makahanap ako ng bakante ay dumiretso na ako roon para makaupo. Ngunit sa 'di malamang dahilan ay nagtaka ako kung bakit lahat sila ay nakatingin na naman sa akin na para bang may malaki akong kasalanan sa mundo. Ano na naman ba ang nagawa ko? Kung makatingin naman silang lahat sa akin ay para bang isa akong wanted na criminal na nakatakas sa kulungan. Wala akong pinansin kahit isa sa kanila dahil hindi naman ako mabubusog sa mga tingin nila. Mamamatay lamang ako sa gutom kung hindi ko pa kakainin itong mga binili ko. Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang aking pagkain. Hindi pa man ako nangangalahati ay may lalaking tumayo sa harap ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatitig sa akin si Ethan Del Valle. Nagtaka tuloy ako kung ano kaya ang sadya n'ya sa akin. At isang himala dahil hindi ko nakalimutan ang kaniyang pangalan. Kanina ko lang siya nakilala. Hindi ako matandain sa mga pangalan ng tao dahil sa rasong hindi ako interesado! Sabagay, he was the reason why I was bullied. Natural lang na matandaan ko siya. Ano na naman kaya ang ginagawa niya? Ano ba ang problema niya? Nagkatinginan kami sa isat-isa kaya napaisip ako bigla. Bakit kaya tinitingnan n'ya ako habang kumakain? Gusto ba niya 'tong pagkain ko? Baka siguro naubusan na s'ya kaya naglalaway siya pero hindi n'ya lang pinapahalata dahil bukod sa akin, marami talagang nakatingin sa amin. "Gusto mo ba 'to? Ubos na ba ro'n? But don't worry, share na lang tayo. Apat naman' tong binili ko kung kaya't kainin mo na. Dali, umupo ka," sabi ko sa kaniya sabay turo sa upuan na nasa harap ko. Ngunit hindi siya kumilos, nananatil lang siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang sadya niya. Habang nakatitig siya sa mga mata ko ay wala akong makitang kahit anong emosyon sa kaniyang mukha. Blangko lang ito at hindi ko mahulaan kung ano ba ang kaniyang iniisip. "Sorry, but I don't share my seat with someone I don't know. " "Really? Do you own this chair? Why can't I find your name here then?" I asked sarcastically. "I don't need to put my name on my chair because everyone knows that I seat only here. That is my territory," sabi niya at sabay hawak sa upuang nasa harap ko. "Okay, I'm really sorry," sabi ko at humingi na lang ako ng paumanhin dahil nakakapagod makipagtalo. "But can you at least let me sit here? Please! Because I don't know where to find for a vacant seat. By the way, I'm Samantha Rivera," sabi ko sabay lahad ng aking kamay ngunit hindi man lang siya nag-atubiling makipag-shake hands sa 'kin kung kaya't nilagay ko na lang pabalik sa ilalim ng mesa ang kamay ko. Ano bang problema ng lalaking ito? Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa kaniya? Bakit ganito na lang siya makatingin sa akin? Para bang kakainin niya ako ng buhay. Hay nako, mas mabuti na lang siguro kung hindi ko na lang siya pansinin dahil mukhang may tama yata siya sa utak. Ang lakas niya mang-bad trip! Para upuan lang tapos ang damot-damot niya. Kung kaya't dinoble ko na lang ang bilis ng aking pagsubo para makaalis na. "I'm done, thanks a lot," I said sarcastically. Nakita ko ang pag-irap niya sa akin. "Ang sungit mo naman! Gwapo ka sana kaya lang ang sama naman ng ugali." Hindi ko mapigilang hindi manumbat. Binilisan ko na lang ang pag-alis dahil alam kong mainit ata ang dugo niya sa akin. Dumiretso ako sa locker para makapaghanda ng puwede kung gamitin sa susunod kong klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD