Bago ako umuwi ay napag-isipan kong dumaan sa library. Bago pa lang ako rito kaya hindi ko kabisado ang lugar. Sinuyod ko ang kada classroom ngunit hindi ko mahanap ang library.
Bigla akong nakarinig na may nag-uusap sa dulo ng pasilyo. Nagtangka akong lumapit para makapagtanong. Napagtanto ko na dapat ay kanina ko pa ito ginawa.
Nang makalapit ako ay puro pala ito mga lalaki at tanging mga likod lang nila ang nakikita ko. Nasa lima yata ang bilang nila.
"Excuse me. Magtatanong sana ako kung saan banda ang library?" Lahat ay napatingin sa gawi ko ngunit laking gulat ko nang makita ko si Ethan na sinasakal ang kaharap niya.
Nag-iisa lang itong nanakit sa lalaki habang ang mga kasama ng lalaking sinakal ni Ethan ngayon ay walang magawa kundi tingnan lang ang ginawa ng baliw na ito.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Bigla kong nabitawan ang dala kong notebook at lumapit sa kanila. Pinipilit kong alisin ang kamay niya sa lalaking sinasakal niya pero hindi niya ito binitawan.
"Baka mapatay mo siya, Ethan," saway ko kay Ethan dahil masyadongma higpit ang pagkakasakal niya sa binata. Kaya namumutla na ang lalaki at lumalabas na ang ugat sa leeg at sa ulo. "Bitawan mo na siya," patuloy kung sabi at tunog nang-uutos pero hindi pa rin siya nakikinig kaya sinampal ko siya sa kaniyang mukha.
Malakas ang pagkasampal ko sa kaniya na ikinagulat ng mga kasama niya. Naalarma ang mga kasamahan niya at akmang lalapitan sana ako pero sinenyasan ang mga ito ni Ethan gamit ang kamay niya na 'wag akong lapitan.
Hindi ko alam at hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Paanong kumampi sila sa ginawa ko kay Ethan kung kaibigan sila nang sinakal nito?
Una akong mababaliw sa lugar na 'to!
Diretso lang ang tingin niya sa lalaking sinakal niya kanina. At bago siya nagsalita ay tinapunan niya ako nang tingin. Nagtiim-bagang pa siya at kinuyom ang kaniyang mga kamay dahil sa galit sa akin.
"Sa susunod na mahuli kitang nambubuso sa banyo ng mga babae ay hindi na kita sasantuhin," sabi niya sa lalaki pero sa akin pa rin nakatingin.
Sa gulat ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at 'di ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Dahan-dahan kong pinihit ang aking ulo para matingnan ang nerd na kinampihan ko.
Nagkamali ako sa aking pagpanig sa lalaking ito. Kung bakit ba kasi bigla na lang akong sumali sa away nila na hindi man lang nagtatanong sa totoong nangyari.
"Tandaan mo ang babaeng 'to dahil sa oras na malaman kong idinadamay mo s'ya sa mga kalokohan mo ay simulan mo nang tawagin ang lahat ng santo na kilala mo!" sabi ni Ethan at matalim ang kaniyang tingin sa lalaking katabi ko at biglang hinablot ang palapulsuhan ko.
Hinatak niya ako at kinaladkad. At dahil hindi ko pa maproseso ang aking nasaksihan kanina ay nagpaubaya lang ako sa kaniyang paghila.
Wala akong alam kung saan kami pupunta o saan ba n'ya ako dadalhin. Huli na nang mapagtanto ko na nasa harap na kami ng library.
Sinamahan n'ya akong pumasok at umupo habang ako ay parang wala sa sariling hinahanap ang librong kailangan ko. Sa laki ng library rito ay hindi ko maiwasang hindi humanga. Ngunit dahil sa pangyayari kanina ay hindi ko lubos mapuri ang ganda ng library.
Nang sinilip ko siya ay hindi pa rin siya umaalis. Kahit iniwan na ng mga kasama ay nanatili pa rin siyang nakaupo at naghihintay sa akin. At sa tuwing nararamdaman ko ang mata niyang nakatitig ay hindi ako mapakali. Kaya nilapitan ko siya agad.
"Umuwi ka na, hindi mo na ako dapat hintayin," walang gana kong sabi kahit ang totoo ay gusto kong hintayin niya pa ako.
Tinitigan niya lang ako at hindi man lang sumagot. Kaya ako na lang din ang sumuko dahil mas lalo pa akong nailang. Palalim nang palalim ang kaniyang mga titig sa akin.
Bumalik ako sa paghahanap ng libro at dahil sa tensyon ay natagalan ako sa paghahanap. Nang makita ko siya ay pumunta ako sa librarian at nagpaalam na hihiramin ang libro. Binalikan ko s'ya pagkatapos ngunit wala na s'ya sa puwesto niya kanina.
Inaamin kong nadismaya ako dahil sa pag-alis niya. Naguguluhan ako sa sarili ko, kanina ay pinapaalis ko siya pero ngayon namang umalis na siya nang walang paalam ay nalungkot naman ako.
Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga at saka ko tinungo ang pintuan sa labas.
Dire-diretso lang ang aking paglalakad palabas nang biglang may humila sa akin sa gilid ng pinto. Bahagya niyang inangat ang kamay ko at hinawakan bigla. Magkahawak kamay kaming umalis sa library at nagtataka ako kung bakit n'ya ginagawa ang bagay na 'to.
Kinabukasan ay nagising akong masakit ang aking ulo dahil sa kakaalala kung ano ang mga nangyari. Gaya ng mga ginawa ko sa morning routine ko matapos magising sa pagtulog ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko para pumasok sa paaralan.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, b*tch!" sigaw ng babaeng balita ko'y ang pangalan ay Mika kung kaya't nagtawanan ang mga kasama niya.
They looked at me with so much irritation even if they were the fools who placed themselves at the center of the entrance gate. Kahit na sa gilid na ang tinahak ko ay nagawa pa rin nila akong patirin.
Hindi ko alam kung paano nila ginawa iyon gayung ginawa ko naman ang lahat para umiwas. Kung sabagay ay posible nga iyon dahil hindi ko naman inaasahan na may plano pala silang pahiyain ako.
Pambihira naman talaga ang mga babaeng ito. Hindi ba talaga sila titigil hangga't hindi ako nakaaalis dito sa school.
Kahit na sa gilid na ako ay inabot pa nila ang paa ko. Gaano ba ka-elastic ang mga hita nila para maabot pa ako? Mukhang sanay na sanay na sila mang-bully sa kagaya kong hinahayaan lang ang mga kahibangan nila. Pambihira talaga! Ang tatanda na nila tapos ganiyan pa rin ang mga ugali!
However, they should stop pestering me now because it didn't affect me at all. Kahit lumuha pa sila ng dugo riyan ay hindi nila ako mapaaalis.
Ilang ulit man nila akong patirin o pag-trip-an ay hindi ako apektado. Nagsasayang lang sila ng panahon para pagtuunan ako ng pansin.
Siguro, ganito talaga kapag seryoso sa pag-aaral. Hindi nagiging balakid ang kagaya nila para ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa napiling propesyon. Isa lamang sila sa mga challenges na kailangan kong harapin... araw-araw.
Yumuko ako at kalmado ko na lang kinuha ang mga documents na nahulog sa simentong sahig. Mabuti na lang dahil hindi maulan ngayon kung kaya't hindi ang mga ito nabasa.
Kung sakali, nako! Talagang sila ang magpapa-print nito. Nakakairita kaya maghintay matapos ang printing. At buti na lang dahil na-review ko na ito kung hindi, hay nako! Ibang usapan na iyon.
Those girls didn't stop from making my life miserable after I sat beside Ethan Del Valle on my first day here. Hindi ko na lang pinapatulan dahil baka kung ano lang ang mangyari sa kanila kapag pinatulan ko sila. Hindi nila magugustuhan ang gagawin ko.
At isa pa, nagsisimula nang maging mahirap ang mga lesson at marami rin akong ere-report, nothing to say of the chapter quiz and surprise quiz na kailangan kong pagtuunan ng pansin.
Masasayang lamang ang oras ko kung papatulan ko sila. Masyadong ginto ang oras ko para handugan sila ng aking atensyon.
Kung kaya't bahala talaga sila riyan. Sinasayang lang nila ang oras nila. Wala naman akong balak agawin ang Ethan Del Valle na iyon.
Tuloy ay hindi ko maiwasang mapairap. Isaksak nila iyon sa mga baga nila. Nakakaawa lang talaga sila dahil nanakit sila ng ibang tao nang dahil lang sa isang lalaki. Napaiiling na lang ako sa kababawan ng mga rason nila.
Palagi nila akong pinagti-trip-an. Mukha ngang may kopya sila ng schedule ko dahil simula noong araw na rito ako nag-aral ay hindi ko pa nararanasan ang mag-lunch nang matiwasay at tahimik.
Palagi talaga silang nakaabang sa akin at alam nila kung saang room ako lalabas at papasok. Minsan nga, ang creepy na nila. Iniintindi ko na lang dahil ganoon talaga sila kabaliw kay Ethan.
Kailangan na lang talaga ng malawak na pag-unawa sa mga kagaya nila. Mga baliw. Kaya nga ayaw ko na patulan. Sila talaga iyong mga tao na may kailangan ng extra care.
For instance, whenever I went to the ladies comfort room, palagi nilang sinasara ang pinto kaya hindi ako makalabas. Nali-late tuloy ako sa susunod na subject. Mabuti na lang dahil good standing ako kaya pinapabulaanan na lang ng professor iyon, kahit na iyong mga terror pa.
Ngunit siyempre! Ayaw ko naman mamihasa. Sa cafeteria naman, pinapatid din nila ako o minsan, may pinapatid sila para sa akin bumagsak. Mukha ngang pinu-full time job na nila ang pang-iinis sa akin. Bahala sila.
Kung wala lang talagang maraming stock ng pasensya sa loob ng katawan ko ay baka nasaktan ko na rin sila. Ngunit hindi pa rin ako pumapatol sa mga taong walang magawa sa buhay nila. Naawa lamang ako sa buhay nila. Masyado mababaw at cruel sa ibang tao.
Iniwan ko na sila at tumungo muna sa library para makapag-review. Wala kaming pasok ngayong umaga.
Mamayang hapon pa kami papasok pero kailangan kong mag-review dahil may chapter quiz kami mamaya. Ayaw ko naman mangulelat. Terror pa naman iyong professor namin sa subject na iyon. Kahit maganda ang record ko sa kaniya, ayaw ko naman ma-badshot dahil baka pag-initan ako at ako ang palaging tawagin sa recitation!
Nakasasagot naman ako kaso busangot ang mukha ng mga kaklase ko. Kaya nga dumadagdag ang haters ko.
Ewan ko ba. Wala akong nahanap na kaibigan dito. Lahat sila ayaw sa akin na para bang hindi ko deserve magkaroon ng kahit isang kaibigan man lang.
Feeling ko tuloy ina-antagonize ako pero ang overacting naman. Wala naman akong pakialam. Ayaw ko namang pilitin ang sarili ko sa kanila.
Maybe, all my mischief here happened because of that guy, who also happened to be the one who stole my first kiss. Until now, he was still not yet apologizing to me.
Nakakaasar lang dahil parang hindi siya bothered samantalang palagi ko iyong iniisip gabi-gabi. Hindi rin madali kalamutan iyon dahil iyon ang unang halik ko.
Hay*p siya. Kung hindi lang talaga ako busy ngayon, talagang hindi ko siya titigilan. But this year was so demanding to me, kailangan ko talagang magseryoso. Lalo pa't hindi rin biro ang kursong napili ko.
I wanted to finish my study kaya hindi ko na lang iniisip ang mga diablong gumugulo sa akin.
Speaking of that Del Valle, hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit nito ako tinulungan at hinatid na para bang hindi kami nagkainitan sa unang araw ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa nito iyon sa akin.
But after that day, he never talked to me like he didn't know me. Hindi ko rin alam kung ano ang trip sa buhay ng lalaking iyon.
The ride was smooth. Hindi ito kagaya ng mga kakilala ko na napaka-reckless at para bang mamatay na bukas dahil napakabilis. Sakto lang iyon at ligtas naman ako nakauwi pero hindi kami nag-usap. Talagang hinatid lang ako nito at pagkatapos niyon ay umalis din. Hindi na nga ako nakapagpasalamat.
Gusto ko itong komprontahin pero pinangunahan na ako ng kakaibang nararamdaman ko. Siguro, nawi-wierd-duhan lang ako sa lalaking iyon.
Nakita ko na nagkalat ang classmates ko sa hallway. Ang iba'y nakaupo pa habang nagri-review at nagmi-memorize. Ang iba naman ay nakaupo sa bench.
Nakita ko ang grupo ni Ethan, but he wasn't there. Well, never in my entire life kong nakita na nag-aaral iyon. Maybe, he was sleeping again on the rooftop. Narinig ko kasi na roon ito madalas base sa mga kaibigan nito.
Pumasok na ako sa library para mag-aral. Mahirap kasi talaga ang quiz mamaya sa isang subject kaya kailangan ko talagang mag-review.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagri-review nang biglang umingay ang library. Sinita pa ang mga pumasok ng librarian pero nagtatawanan pa rin. Tumingala ako at nakita ko na naman ang grupo nina Stephen.
Nagkasalubong ang mga tingin namin pero ang lalaki itong unang umiwas nang tingin sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi mapakunot-noo.
Nakakapagtataka. Hindi ko mapigilang hindi magtaka dahil sa kinikilos nito ngayon. Parang hindi na ito iyong brusko na palagi akong pinagti-trip-an kapag nagkikita kami.
Nakakapanibago. Anong problema nito? Hindi naman ito bumait dahil nakikita ko pa itong nangti-trip ng freshman kahapon.
Sa unang linggo ko kasi rito ay talagang isa ito sa mga pumupuntirya sa akin. He was bullying me without giving me an enough reason. Basta na lang nito kasi ako hinarang isang araw at kinuha ang aking bag.
Sinabit nito ang bag ko sa puno. Siyempre, hindi ko ito pinatulan. Kinuha ko na lang sa puno ang bag ko. Hindi lang iyon ang unang beses dahil marami pa. Ngayon ay nakakapagtaka na hindi na ako nito pinagti-trip-an.
Hindi naman sa looking forward ako na asarin ako nito pero ang weird naman. Kasi sa nakikita ko ngayon ay parang ito pa iyong ayaw na lumapit sa akin. Para bang iniiwasan na ako nito hindi gaya noon.
Napatingin ako sa aking phone nang biglang tumunog ito. Napabuga ako ng hininga nang mag-send ang prof namin ng mensahe sa aming group chat. Napailing na lang ako. May topak naman iyon!
Nagsabi ito na may quiz kami ngayon tapos biglang hindi na ito papasok! Hindi ba alam nito na hindi pa ako nakatulog dahil sa pagri-review para sa quiz nito?
Ang haba kaya ng coverage na sinabi nito tapos hindi pala! Iritado pa ako dahil ang bagal mag-print ng printer ko kagabi. Kaasar naman si Sir. Sana all na lang talaga paasa.
Taliwas sa pagkadismaya ko ang reaksyon ng mga kaklase ko na naririnig ko mula rito sa loob. Mukhang masaya sila na hindi tuloy. Mga baliw.
Hindi siguro sila aware na sinayang ni Sir ang oras namin pumunta rito. Pero sabagay, siguro ay hindi sila handa talaga.
Napabuntonghininga na lang ako. Siguro, mabuti na nga rin iyon. Since bakante ako ngayong hapon, matutulog na lang ako. Makakapagpahinga pa ako. Uuwi na lang ako sa tinitirhan ko.
Tumayo ako at kinuha ang makakapal at mabibigat na libro. Tumungo ako sa shelf kung saan ko ito nakuha. Binabalik ko na ang mga ito roon nang marinig kong nag-uusap ang grupo ni Stephen.
Wala sana akong pakialam kaso narinig ko ang pangalan ko. Hindi ko mapigilang hindi makinig kahit hindi naman ako likas na tsismosa.
"Really? He did that to you?" hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan ni Stephen. Kita ko mula sa kinatatayuan ko ang gulat at para bang natatawa sa sinabi ni Stephen. "Ethan Del Valle did that to you? For her?"
"Yes. Bigla na lang niya ako sinuntok at pinagbantaan. Kaya bilisan ninyo na riyan. Gusto ko nang umalis dito. Baka isipin ni Ethan ay pinagti-trip-an ko na naman ang transferee na iyon."
Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Stephen. Halata roon ang pagkaatat nitong umalis. Narinig ko na pinagtawanan lamang ito ng mga kaibigan nito.
Naestatwa naman ako dahil sa narinig ko. F*ck. Ginawa ng lalaking iyon talaga para sa akin? For what?
Biglang tumambol ang puso ko nang malakas. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng pintig nito.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko kapag ang lalaking iyon ang pinag-uusapan… na para bang may espesyal dito kahit wala naman. Ganito rin ang nararamdaman ko noong hinatid ako nito at nakasakay ako sa motor nito.
Naalala ko lamang ang wirdong iyon. Kahit na hindi ako nito kinakausap sa klase namin ay ramdam ko naman na tinititigan ako nito kapag hindi ko ito tinitingnan. I couldn’t be wrong.
Kitang-kita ko siya sa peripheral vision ko. Naalala ko rin ang ginawa nito sa aking paghatid. He didn't say any words to me. Tahimik niya lang akong hinatid sa bahay pagkatapos niya akong tanungin kung saan ang bahay ko.
Napahawak ako ulit sa puso ko. All my life, ako lang ang palaging nagtatanggol sa sarili ko. Ito lang ang unang pagkakataon na may gumawa nito sa akin. At sa lahat ng tao ay ito pa. Ano ba ang trip nito?
Hindi naman ako takot kay Stephen o sa grupo nito, but what Ethan did truly melted my heart. Kaso, nagtataka ako. Bakit nito iyon ginawa?
Akala ko ba iritado ito sa akin? Hindi nga ako nito pinapansin at nagkainitan talaga kami sa unang araw ko rito. Wala pa nga kaming usapang matino.
Ganoon pa man, galit pa rin ako sa pagkuha nito ng first kiss ko. Ngunit aaminin ko na umiba ang tingin ko sa lalaki ngayon.
He wasn't that bad, I realized.
Kahit pala ganoon ito ay may malasakit pa rin ito sa akin. For someone valuable like him in this environment I was in, napaka-astonishing ng ginawa nito. Sa karanasan ko kasi, ito iyong madalas na siga at parang gustong katakutan ng lahat. But Ethan was different. There was something about him that piqued my attention, admittingly.
Naguguluhan pa rin ako. Gusto ko nang tuldukan ang mga katanungang pumapasok sa utak ko. Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit nito iyon ginawa. At kung totoo man ay gusto ko pa rin magpasalamat.
Hindi naman ako ingrata para ignorahin ang ginawa nito para sa akin. Isa pa, gusto ko rin ihatid kay Ethan ang pasasalamat ko.
I couldn't help but I am happy. Sa isang kagaya ko na wala ni isa pang nagtatanggol, malaking bagay talaga iyon. Lalo na't ginawa nito iyon nang hindi ko hinihingi.
Ewan ko, kahit na pangit ang record nito sa akin ay gusto ko pa rin magpasalamat. Kaya pagkatapos kong ilagay ang mga nagamit kong libro sa shelf ay kinuha ko na ang gamit ko.
Kailangang magkausap kaming dalawa. Gusto ko ay ngayon na.