"Sige na. Umuwi ka na muna. Sasamahan kita. Alangan namang pumunta tayo na ganiyan ang hitsura mo. May dala rin naman akong gamit. Doon na lang ako magbibihis sa inyo kung okay lang," sabi ko at tumango lang si Sam sa akin. Mabuti na lang dahil pumayag siya. Sobra din kasi ang pawis niya ngayon dahil sa naganap kanina. Ganoon pa man, sobrang ganda pa rin niya. Kaya nga minsan ay crush ko rin siya kahit parehas kaming babae! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko. May bago na naman akong natuklasan tungkol sa kaniya. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o hindi. Sa nakita ko, napatunayan ko lalo na kakaiba talaga siyang babae. Kahit magkaibigan na kami, masasabi ko na napakamisteryosa niya pa rin. Mas humanga lamang ako sa kaniya. Naalala ko tuloy iyong kin