Ang ganda ng party ng pinsan ni Spearl. Kahit ako ay hindi pa nakararanas ng ganito karangyang party. Marami namang pera si Lolo pero kapag birthday ko ay pinapasyal lang ako nito at kumakain kami sa labas kasama ang mga tauhan nito noon. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa mga pagtitipon. Wala rin naman kasi akong mga kaibigan na kaedad ko lang noon. Kahit meron man ay ayaw din ni Lolo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan ang mga panauhin ng pinsan nito. Suot nito ang makukulay, mamahalin at magagandang damit. Halata na galing ang mga ito sa mayayamang pamilya dahil sa damit na suot nila. Idagdag pa dahil may suot ang mga ito na mga alahas na kahit hindi pa i-test ay alam ng mamahalin ang halaga. Ang mas nakaaagaw ng atensyon ko ay kung paano ito nakipag-umpuka