Umupo si Sam sa pinakagilid na parte na wala masyadong dumadaan na estudyante. Nakaupo rin ako sa harapan niya habang hawak-hawak niya ang libro. Seryoso niyang binabasa ito. Nakatingin lang ako sa kaniya. Iyong tingin na hindi ko na maalis ang titig ko. Iyong bigla na lang lumalabas ang natural na kalungkutan dahil mas ako pa yata ang nasasaktan sa kaniya. "Ikaw lang ang brokenhearted pero pati ako nagdurusa," mahina kong sabi pero alam kung dinig niya iyon. Nag-angat lang siya ng tingin at hindi ako sinagot. "Bakit ba sa tuwing tinitingnan kita ngayon, hindi ka naman kaawa-awa pero bakit kusa akong nasasaktan." Hindi niya pa rin ako kinibo. "Bilib din naman ako sa tapang mo, kahit alam kong tinitiis mo lang. Kung kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako. Kahit kailan handang ma