Pinagmasdan ko ang papalayong kotse kung nasaan siya. Umaasa ako na sana ay maging maayos din ang pakiramdam niya. Alam kong makakaya niyang lagpasan ang sakit ng pinagdaanan niya. Siya ang pinaka-cool na babae na nakilala ko sa buhay ko. Alam kong sisiw lang sa kaniya ang paglimot. Sana. "What are you doing here?" Tinaasan ko ng kilay si Ethan habang galit na nagtanong. Talagang ang lakas ng loob nitong lumapit sa akin matapos ang ginawa niya sa kaibigan ko. Ang sarap lang suntukin. "I just wanted to talk to her but she left," malungkot nitong sabi. Gusto kong matawa dahil sa ipinapakita nitong lungkot gayung kitang-kita ko kung paano nito ipinagtanggol si Shaira kanina. Kung paano nito pinili ang babae at hindi pinili si Sam. "No need, she's fine..." Tumigil ako sa pagsas