Sinundan ko si Samantha nang bigla niyang iniwan si Ethan. Nangangalaiti ako sa galit at hindi ko mapigilan ang sariling mainis sa walang hiyang iyon. Sa lahat ba naman ng tao ay si Samantha pa ang pag-iisipan niya ng masama! Kitang-kita ko kung paano sila nagkasasagutan habang sila ay nasa gitna ng entablado. Mabuti na lang dahil hindi naman nahalata ng iba ang nangyari. Ayaw kong mapahiya ang kaibigan ko sa okasyong ito dahil gaya ni Ethan ay si Shiara pa rin naman ang kakampihan ng lahat. Siya ang anghel sa paningin ng lahat at hindi ko sila masisisi kung iyon ang sa tingin nila. Ang magagawa ko na lang ngayon ay samahan si Samantha at hangga’t maaari ay poprotektahan ko siya sa paraang alam ko. Buwiset na buwiset ako kay Ethan dahil sinaktan na naman nito ang kaibigan k