Mabuti na lang dahil class hour ngayon. Walang hater ko ang nagkalat sa hallway kaya matiwasay akong pumunta sa rooftop.
Ganoon kasi ang mga ito karami para magpasalamat ako ngayon.
Siyempre, kokomprontahin ko lang naman ang puno't dulo ng pagkamuhi ng mga ito sa akin.
Baka sumabog na ang mga ito na parang bulkan kapag nakita ng mga kami ni Ethan na magkalapit. Ayaw ko naman mangyari iyon. Baka lumala lamang ang pangbu-bully ng mga ito sa akin kaya mas mabuting harapin si Ethan nang walang makakakita.
Mabilis ko siyang natagpuan na nakahiga at nakapikit doon sa bench. Ginagawa niyang unan ang kaniyang bag. Napatingala naman ako para tingnan ang kalangitan. It was the perfect time to sleep here in the rooftop since the sky was promising a good weather. Masyado ring nakaaantok ang bugso ng hangin dito. Hindi na ako magtataka kung piliin niyang dito tumambay at mag-relax kahit may chapter quiz sana kami mamaya.
Sa obserbasyon ko kay Ethan, he was the chill type of a student. Nalaman ko rin na second course na niya ito at siya ang pinakamatanda sa amin. Ganoon pa man, isa pa rin siya sa pinakamagaling sa klase. Minsan nga ay napapanganga ako kapag sumasagot siya. Masyado siyang out of the box kung mag-isip. Kapag nagbibigay siya ng mga opinyon niya, halata talaga na marami siyang experience na maibabahagi sa buong klase.
Natigil ako sa paglalakad papalapit sa kaniya dahil umihip ang hangin. Napagdesisyonan kong itali muna ang buhok ko bago lumapit. Nakaco-conscious naman kung lumapit ako sa kaniya na sabog ang buhok ko. Kahit papaano ay gusto ko na desente kami palaging maghaharap na dalawa.
Natigil ako dahil nasipa ko ang latang nagkalat doon. Naging sanhi tuloy ito para magising siya. Minulat niya ang kaniyang mga mata at nilingon ang banda ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya nang magtama ang aming mga mata. He looked puzzled as he decided to sat in order to face me.
Kahit na nangangatog ang mga tuhod ko ay buong tapang pa rin akong lumapit sa kaniya. Nakakagulat na hinihintay niya lang ako makalapit at mukhang interesado pa sa sadya ko sa kaniya. Sabagay, hindi ko rin siya masisisi. Siguro ay napansin niya rin na hindi ako basta-basta lumalapit kung hindi talaga importante sa mga nakalipas na linggo.
Well, of course, it was important for me. Big deal talaga ito sa akin dahil ito ang unang pagkakataon na may magtatanggol sa akin at hindi pa humihingi ng kapalit.
He should know that I wasn't the type who would approach someone without a reason. He should also know that I was not like those girls who were drooling and willing to kill to have him.
"Can we talk?" I asked when I reached him. He looked up to me and surveyed my face. Tumikhim ako dahil natagalan pa siya sa pagtitig sa akin. Siguro'y hindi makapaniwala na kinakausap ko siya.
"For what?" he asked curiously and fixed his eyes to me. Napaawang ang labi ko lalo na noong malunod ako sa lalim ng kaniyang mga mata, ngunit mabilis din akong nakabawi at tumingin na kang sa ibaba para kontrolin ang pagkamangha. D*mn it. Why did he have such a beautiful set of eyes? Kung wala lang akong resistance sa mga ganito ay baka napahiya ko na ang sarili ko sa kaniya.
Huminga ako nang malalim saka tinuloy ang sasabihin. "Let's be friends."
He mustered his perpetual crease while looking at me. Kung tingnan niya ako ay para akong baliw. He never looked at me this way. Samantalang seryoso naman ako nang sinabi ko iyon. Halos hindi ako kumukurap para malaman niya na hindi ako nagbibiro lang.
"I know what you did. I didn't know your intention, but let's be friends."
"Wala ka na bang mahanap bukod sa akin?" he asked. "I've never thought that you are that desperate to have me as your friend."
"You have the potential to be my friend so why not?"
"What are you talking about?" naguguluhan niyang tanong. "How come that I have the potential to be your friend? We might be inside the same class but we are completely...strangers. Don't tell me, you like me?" Nakita ko ang pagsilay ng isang ngisi sa kaniyang labi. "Maybe, you couldn't forget our kiss. You want us to start as friends but…"
"You are so full of yourself, Ethan Del Valle," I said as I rolled my eyes. Hindi ko inaasahan na ganito kataas ang kaniyang confidence. Hindi niya talaga ako binibigong biglain. "Baka ikaw ang may gusto sa akin kaya ayaw mo makipagkaibigan sa akin? Takot kang mahulog sa akin… siguro."
Napaatras ako nang bigla siyang tumayo at tinapatan ako. The heck with this guy! It was unexpected. Talagang papatulan niya ako? Nakita ko na bumalik muli ang ngisi niya sa labi at ang kaniyang kompiyansa sa sarili. His puzzled look was now gone. He looked like a moron smiling widely in front of me now.
"Are you challenging me? Hindi porque hinalikan kita ay gusto na kita. I just want to teach you a lesson for saying those words against me."
"Wow. Grabe naman makaturo ng GMRC ang paghalik mo," sarkastiko kong sabi sa kaniya. "And how dare you to bring that up without even showing a little bit of guiltiness? That's my first kiss, you idiot!"
"Seryoso ka ba talaga sa pagkakaibigang gusto mo kung ganito tayo mag-usap? What drives you to befriend me? Aren't you one of those girls who likes me, are you?"
"Kung kagaya nila ako, ipinagkalat ko na ang ginawa mo sa aking paghalik. So sorry to break your bubble but you aren't my type. I'm really here to befriend you," sabi ko sa kaniya. "Thank you for stopping Stephen's group from pestering me."
Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya pero mabilis din siyang nagseryoso.
"It is nothing. I don't f*cking care about you." Ipinagkrus ko na lang ang aking mga braso sa ibabaw ng aking dibdib. Tiningnan ko siya.
"Then why did you do that?" nagtataka kong tanong sa kaniya at hindi mapigilan ang sariling isatinig.
"I told you, it's nothing. Hindi ba puwedeng trip ko lang?"
"Whatever you say, we are friends now and you should continue to protect me." Mas kumunot ang kaniyang noo. "Promise me a harmonious year in our school."
"So that is the reason why you are asking me to be your friend?'
"Obviously," sabi ko at ngumisi lamang ako sa sinabi niya. "That is your p*****t for stealing my first kiss. If you fail to protect me, I would ask for more. Hindi kita titigilan kagaya ng ginagawa ng mga fan mo. So whether you like it or not, you are my friend now. Friends."