Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para sabihin iyon kay Ethan.
My initial plan was to thank him only, wala roon ang pag-alok ko sa kaniya ng pagkakaibigan.
Masyado lang siguro talaga akong nadala nang malaman kong ginawa niya iyon para sa akin.
But there was no reason to cry over spilled milk, kung tapos na ay tapos na. I should look forward now to important things and...take a rest.
I've decided to go home that day to sleep. Nagsunog din kasi talaga ako ng kilay para lang sa wala.
However, at least, kaonti na lang ang ni-review kinabukasan.
Saulo ko na rin ang coverage kaya hindi na ako nagtaka kung nakakuha ako ng mataas na marka, samantalang si Ethan naman ang pinakamataas.
Well, he was really brilliant. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa experience o ano.
He looked unbothered by the school works, parang yakang-yaka lang iyon sa kaniya.
Speaking of, after our conversation at the rooftop, that guy has never taken me seriously.
Same treatment pa rin kasi ang turing niya sa akin kahit nag-usap na kami sa rooftop na para bang hindi pa malinaw sa kaniya iyon.
Ganoon pa man, napansin ko na medyo nababawasan na ang mga babaeng nagbu-bully sa akin sa campus.
Hindi ko alam kung siya ang may kagagawan pero malakas ang kutob ko na siya.
Siguro, ganito ang set up namin bilang magkaibigan?
Lowkey lang ang pagtulong sa isa't isa? May mga ganoon din naman.
However, natutuwa ako dahil kaonti na lang iyong nangti-trip sa akin kaya medyo nawala ang bigat na nararamdaman ko sa tuwing pumapasok ako sa campus.
Nabawasan ang may mga galit sa akin. Paano kaya niya iyon ginawa? Tinakot niya kaya?
Ngayon ay papunta ako sa apartment ng kaklase kong si Micheal. Kagrupo ko ito sa isang research activity sa major subject namin.
Doon kasi ang tagpuan ng grupo namin, nauna na roon ang kaibigan nitong sina Kyle at Nathalie na magkasintahan.
Actually, sampid lang ako. Wala kasing gusto na makigrupo sa akin. Si Ethan naman ay naging kagrupo ng mga kaibigan niya.
Kahit hindi ako komportable na roon gawin ang task, wala naman akong magagawa.
Inisip ko na lang na grupo kami at wala namang mangyayari dahil kasama ko rin doon ang dalawa ko pang kaklase. Mag-iinarte pa ba ako?
Ako na nga itong inampon ng grupo ng mga ito, ako pa itong choosy!
Iba rin kasi makatingin sa akin si Michael minsan.
There were times that he was shamelessly staring at me which made me uncomfortable.
Hindi ko alam kung sinasadya nito iyon o baka ganoon lang ito makatingin.
Ganoon pa man, hindi pa rin ako komportable. It brought me discomfort.
Para siyang lalaki at kulang na lang sabihin sa akin na I want you!
Pero mahirap din naman paniwalaan kaya isa nawalang bahala ko na lang.
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko pati na sa numerong nakaukit sa may pinto ng isang apartment ng pinuntahan kong establisyemento.
Sana ito na ang apartment ni Micheal. Wala kasi akong mapagtanungan.
Hindi rin sumasagot ang dalawa kong kaklase sa group chat habang si Micheal naman ay naka-offline.
Hindi rin ang mga ito sumasagot sa tawag o text ko.
Hindi ko tuloy mapigilang kabahan pero sinunod ko naman ang instruction ng mga ito kung saan itong apartment.
Kakatok na sana ako nang biglang umingay ang pasilyo.
Napatingin ako dahil masyadong pamilyar ang mga boses.
Bigla kong nakita si Ethan na simpleng natatawa sa mga pinag-uusapan ng mga kaibigan niya hanggang sa nakita niya ako.
Nakalagay sa bulsa ng kaniyang faded jeans ang kaniyang kamay. He looked handsome in that polo shirt.
Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya kasabay nang pagbagal ng lakad niya.
Dahil nasa unahan siya ay naging ganoon din ang mga kaibigan niya. Gulong-gulo ang mga kaibigan niya nang makitang nasa akin ang atensyon niya.
Tiningnan niya ulit ang pinto na kakatukin ko sana.
Akala ko ay lalagpasan na niya ako pero bigla siyang tumigil.
"What are you doing here?" he asked.
This was the first time he talked to me after our conversation at the rooftop.
The way he looked at me, it looked like he was alarmed and he didn't like me being here.
Ano ang problema niya? Well, I've observed that we weren't fighting anymore even if we had a 'terrible' first encounter together.
"We're doing the research task," kaswal na sagot ko sa kaniya. "Kayo?" I asked even if it was very obvious. Gusto ko lang ibalik ang kortesiya.
"I mean, with you alone?" The hint of alertness was very visible, ignoring my question to him.
Na para bang ang isasagot ko sa tanong niya ang pinakaimportante sa lahat.
"Makakasama ko naman ang kagrupo ko," sabi ko.
Gusto ko siyang barahin na siyempre group work iyon kaya siyempre grupo kaming gagawa.
Hindi ba siya nag-iisip? Hindi ko na lang isinatinig iyon dahil baka bumalik na naman kami sa dati.
Sawa na ako sa gulo at ayaw kung magtalo na naman kami sa walang kakwenta-kwentabg mga bagay.
Ako kasi iyong tao na ayaw nang magkimkim ng galit. Gusto ko payapa lang para mabawasan ang stress.
"Sino ang iba mong kagrupo bukod kay Natividad?" He was pertaining to Micheal and I noticed that spat his surname angrily.
Ano ang problema sa kaklase namin? Masyado siyang mausisa sa akin at parang wala itong tiwala kay Micheal.
"Si Nathalie at Kyle." Napansin ko na nagkatingin ang mga kaibigan niya samantalang nagtagis naman ang panga niya.
Hindi ko naman mapigilang hindi maguluhan.
"We saw them leaving a while ago. I heard they were having a date somewhere." Gulat naman akong napatingin sa kaniya dahil walang sinabing ganoon sa akin ang dalawa!Akala ko ba ay gagawin na namin ito? At kagagaling lang ng mga ito rito? "Are you really sure that you want to go inside that room?"
He said, pointing at the door. Magsasalita sana ako nang biglang bumukas ang pinto and it revealed Michael.
She was only wearing shorts! Well, she could wear what she wants but a female blockmate? That was a big NO!
"Kanina pa kita–" Hindi na nito tinuloy ang sasabihin nito nang makita nito ang mga kasama ko. "Ethan, ikaw pala. Gagawin ninyo rin ang research task?"
Instead answering him immediately, kitang-kita ko ang bagsik sa mga mata ni Ethan habang tinitingnan si Michael.
He looked pissed and angry at something, na para bang may hindi siya nagugustuhan sa nangyayari.
"Natividad, you're on it again?" galit at seryoso niyang sabi.
Walang bahid ng pagbibiro ang kaniyang mukha nang sinabi niya iyon.
Ano ba ang ibig niyang sabihin? May alam ba siya na hindi ko alam?
Masyado na akong naguguluhan sa mga kinikilos niya.
"Hindi naman. Actually grupo kami–"
"Cut the crap," he interrupted, which astonished me. Halos hindi ako makahinga dahil sa ipinapakita niyang galit, ganoon din ang kaniyang mga kaibigan. Napanganga naman ni Micheal dahil sa inasal nito. "Don't let me ruin your door again. She is my... friend."
Kitang-kita ko na napanganga ang mga taong naroon sa sinabi niya, lalo na ako.
Well, I knew that we talked about it. Ngunit hindi ko maisip na sasabihin niya at parang... proud pa siya!
"Hindi naman. Gagawa lang kami ng task." Nauutal si Micheal nang sabihin nito iyon.
"Just make sure or else… you don't know what kind of problem you are putting yourself through."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin siya sa akin bago siya umalis. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa labis na gulat.
Micheal called Nathalie and Kyle immediately, saka lang ako nito pinapasok nang dumating na ang dalawa.
Plus, she immediately changed her clothes. I worked with those three blockmates of mine at naging matiwasay naman iyon.
Though, I still wondered kung ano ba talaga ang problema at bakit ganoon ang sinabi nito?
I didn't know what really happened but it spread like a wildfire inside the school– iyong pagiging magkaibigan namin.
Many girls were tripping me again but Ethan never failed to save me.
Then suddenly, we became close which truly shatters the hearts of those girls who like him. Para namang tanga, hindi naman kami.
Naging pansin ang pagiging malapit naming dalawa sa isa't isa.
It started when he waited for me at Micheal's door. Hinatid at sinundo niya kasi ako hanggang sa maging tuloy-tuloy na iyon.
Naging malapit na rin kami sa isa't isa at madalas na nga niya akong nakakasama kaysa sa mga kaibigan niya.
He was helping me with my studies. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kaniya.
Dahil din diyan ay dumami ulit ang mga bashers ko pero wala na akong pakailam.
Masarap naman palang kasama si Ethan pero iba lang ang trip.
Katulad na lamang ngayon, pinapapunta niya ako sa rooftoop dahil may sasabihin daw siya sa akin.
Akala ko kasama niya pa ang mga kaibigan pero hindi.
Nakita ko siya na pinagmamasdan lang niya ang nasa baba.
Mabilis ko siyang tinawag kaya nakuha ko rin ang atensyon niya.
He smiled at me when he saw me. Mabilis akong pumunta sa kaniya.
"Hello," sabi ko. "Ano pala iyong sasabihin mo sa akin? Lakas ng trip mo ah?" Natawa ako.
Alam kasi niya na wala talaga ako sa mood ngayon para pumunta rito pero hindi ko siya mahindian.
Ganoon din siya sa akin. May nabuo na lang talaga kaming pagkakaibigan na mahirap i-explain sa lahat.
Bakit nga ba namin kailangang e-explain?
"I don't know how to say this but there is a line I have to cross since it never leaves my mind," he said which made me puzzled.
"What are you talking about?"
Tiningnan niya ako nang maigi gamit ang mapupungay niyang mata. Binasa muna niya ang labi niya bago siya nagsalita.
"Samantha…" he trailed off. "I know that you could feel what I feel for you. The way I act, I'm never like that to a female friend."
Biglang kumalabog ang puso ko, na para bang gusto ko tuloy tumalon para hindi niya iyon marinig. I knew what he was talking about but I was afraid to break it since I was content to have him as a friend. But now that I was hearing this, the fire within me surged to the highest level.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginagawa niya sa akin. Sumasayaw sa hangin ang takas na hibla ng buhok ko, siya mismo ang naglagay niyon sa likod ng aking tainga.
"Samantha, I know it's risky but whenever I remember the day I kissed you, you have never stopped messing up my mind. It became messier when we became this close.'' The way he confessed to me, I could mirror his raw feelings in his eyes which made my heart flutter. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisnge. Hindi ko maintindihan. "I really like you and I want to know you more, to be always with you everyday."
"Ethan..." Ang sumunod na sinabi niya sa akin ay hindi ko inaasahan.
"Samantha Rivera, can I court you?"