Chapter 7

1927 Words
Maaga pa lang pero heto ako, 'di mapakali dahil naghalo-halo ang aking excitement at kaba sa aking dibdib. Kinakabahan akong makita si Ethan. Sa tuwing nakahaharap ko siya ay parang may tambol sa aking dibdib lalo na noong payagan ko siyang ligawan ako. Excited akong makita siya pero kapag nasa harapan ko na siya ay nakararamdam na ako ng hiya. Sadyang hindi ko lang pinapahalata dahil nakababawas ng angas. Ayaw ko naman maging pabebe, because he knew me as someone who was b*dd*st too. Baka isipin niya ay trying hard lang ako para magustuhan niya ako! Mahangin pa naman iyon sa akin! Though, I admit, maraming nagbago simula noong pinayagan ko na siya manligaw. Minsan talaga may pagka-weird ako kung mag-isip pero enthusiastic talaga akong maranasan ang ligawan ni Ethan. Alam kong kailan lang kami nagkakilala pero magaan na agad ang loob ko sa kaniya lalo na noong maging malapit na kami sa isa't isa. Kahit tahimik lang siya sa unang araw na nakatabi ko siya at nagkasagutan pa kami! Ganoon pa man, una pa lang talaga at ramdam ko na ang koneksyon namin sa isa't isa. Nararamdaman kong magkasusundo kami sa maraming bagay. Hindi naman ito ang unang beses na may nagtangkang manligaw sa akin, pero ito ang unang beses na pumayag akong magpaligaw. Noong nag-confess siya sa akin, hindi ko talaga ma-explain ang nararamdaman ko. Noong panahon na iyon ay para akong lumulutang sa ere lalo na noong tinanong niya ako kung puwede niya ako ligawan. Hindi ako nakapagsalita nang ilang minuto noon. Actually, I answered through nodding. Ngunit siyempre, dahil gusto niyang masigurado ay tinanong niya pa ako ulit kaya sumagot na ako. He was happy and he almost kissed me! THAT JERK! Hindi ko rin lubos maisip kung bakit parang ang dali lang sa akin na payagan siyang papasukin sa aking buhay. Maybe, I really liked him too. Yes, I liked him. Hindi ko naman siya sasagutin kung hindi. At isa pa, gusto ko rin siya makilala pa lalo at maging kasama ko araw-araw. Bago pa ako makapasok sa loob ng classroom ay wala pang masyadong tao. Sa aking upuan ay nakaupo si Ethan. Ang gwapo niya talaga kahit naka-uniform lang. Ibang-iba talaga ang dating niya pagdating sa akin. Para kasi sa akin ay siya lang ang pinakagwapo rito sa school lalo na kapag naka-uniform! May dala siyang tatlong piraso ng rosas. Alam kong sa akin niya ibibigay iyon kaya kahit kinikilig ay hindi ako nagpahalata. Talagang maaga siya rito para sorpresahin lang ako! Well, ilang beses niya na itong ginawa pero kinikilig pa rin ako. Ang lakas ng nararamdaman kong pagkabog na nagmumula sa aking puso. Kakaiba ang aking nararamdaman, hindi ko mapangalanan. Para akong kinakabahan ngunit hindi ko maipaliwanag ang saya lalo na ngayong nakikita ko siya. He was the only one who could make me feel this way. Ngayon tuloy ay gusto kong tumalikod sa kaniya para mabitawan ang labis na saya. Hindi ko kayang ipakita sa kaniya ang aking ngiti. Baka makita niya kung gaano ako kinikilig sa simpleng the moves niya sa akin. Siyempre, ayaw ko naman siyang maging over confident! At dahil may naisip akong kalokohan, imbes na ako ang sorpresahin niya ay gumawa ako ng paraan para matagalan ko ang sitwasyon namin dahil sobrang nakaaiilang. Para hindi ako mailang sa ginawa niya na sobrang nagpapakilig sa sistema ko, niyakap ko siya bigla pagkatapos kunin ang tatlong rosas. "Flowers for me?" tanong ko at turo ko sa aking sarili. Napatitig lang siya sa akin na parang natulala sa aking inasta. Nahuli ko siyang nakatingin sa labi ko kaya napanguso ako saka nagsalita. "Sweet ka pa lang manligaw. May pa-flowers ka pa!" astig kong sabi at hindi pinahalata ang kilig sa aking sistema. Ginawa ko ang lahat ng pagpipigil para hindi ako bumigay sa harap niya...upang hindi mabawasan ang angas ko. Ewan ko, ayaw ko lang na makita niya ang parteng iyon sa akin. Not yet. Masyado pang maaga. Baka maging kampante siya. "Ako nga ang na-surprise mo kasi hindi ko inasahan na yayakapin mo ako," 'di makapaniwala niyang sabi sa akin. "Maliit na bagay," sabi ko kunwari na para bang hindi apektado kahit na gusto nang kumawala ng puso ko sa ribcage ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Malaking bagay na 'yon para sa akin, Samantha." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko mahanap ang salita na dapat kong isagot sa kaniya. "You know that I really like you. I want to make you feel that you are so special to me," he said sincerely which truly brought havoc to my body system. Tumawa ako nang hilaw dahil hindi ko inaasahan ang sinabi niya sa akin. He was very outspoken and transparent, nakakaasar! Nakabawi lang ako nang biglang narinig ko ang boses ng isang grupo ng mga babae na kilala ko na. Boses pa lang ay nahulaan ko kung sinu-sino ang mga ito. At tama nga ako sa aking hinala noong nilingon ko ang mga ito. Napailing ako dahil hindi nga ako nagkamali. Kapag ingit, pikit! "Umayos ka, Ethan. Palapit na ang grupo ni Nina rito," I warned him. Isa kasi ang grupong iyon sa solid haters at basher ko. "Who cares? Basta huwag ka lang nila pag-trip-an ay wala namang problema sa akin," he said angrily. "Ano ka ba. Huwag mo nang pansinin. Hindi naman oobra sa akin 'yan. Kahit sila pa lahat ng kagrupo niya, away babae 'to. Kaya huwag kang makialam, kaya ko ang sarili ko," pinal kong sabi. Ayaw na ayaw kong nasasali siya sa away ko dahil alam ko namang kaya ko ang sarili ko kahit na wala siya. Siya lang talaga itong always to the rescue sa akin. Siya lang. Kaya nga feel blessed talaga ako to have him in my life. Dahil sa sinabi ko ay napatitig siya sa akin nang matagal. Bago siya bumaling ng tingin sa grupo ni Nina ay pinanliitan niya ako ng mata na para bang pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kayabang. Totoo naman kasi. Naa-appreciate ko ang pagtulong niya pero hindi ko naman talaga need ang help niya. "Hambog." Natawa na lang ako. Sa una'y iritado siya pero napapangiti na lang. Ganito talaga kaming dalawa magbiruan. "Look who's here? Very early, huh! Ang babaeng probinsyana, nakakaawa ka naman! Pati style ng pananamit mo ay nakadidiri," malakas na sabi ni Nina na sinabayan pa ng tawa. 'Yong tawang nakakainis dahil alam kong ang liit ng tingin nito sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Ethan dahil nakita kong naiinis na siya. Kung hindi rin naman talaga tanga ito si Nina, hindi ba ito aware na natu-turn off tuloy si Ethan. Ngumiwi ako sa grupo ng mga ito at diretsong nakatingin sa mata ni Nina. Hindi ako nagpahalata na naiinis din ako. Siyempre, tao lang ako pero ayaw kong sayangin ang oras ko sa mga ito. Ayaw ko rin sirain ng mga ito ang araw ko. Sa halip ay mas gusto ko tuloy ang mga ito na mas inisin pa. Tiningnan ko ang sarili ko at binigyan ang mga ito ng nakalolokong ngiti bago nagsalita. "Anong nakadidiri? Ang cool nga nito kompara naman sa mga suot ninyo," sabi ko sabay tingin sa kabuohan ni Nina. "Right, Ethan?" Ethan nodded then he shamelessly held my hand and played with my fingers! Hindi ko iyon inaasahan! Itong lalaking talaga! Tsansing! Nanlaki ang mata ng mga ito sa galit at akmang susugod sana akin pero tumikhim si Ethan kaya naalarma ang mga ito na hindi ako lapitan. Nakalimutan ata ng mga itong kasama ko siya. "Ang kapal ng mukha mo, sino ka sa inaakala mo!" Nanlilisik man ang mga mata ng mga ito at hindi ako nagpatinag. "Baka maulol ka kapag nagpakilala ako sa iyo," sabi ko sabay ngisi sa nakakatakot na paraan. At sinadya kong diniinan ang aking sinabi. Napansin ko rin ang gulat ng mga ito. Napapansin ko rin na parang kinabahan ang mga ito sa sinabi ko. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon dahil ito ang buhay na kinalakihan ko. Buhay na hindi ko hinangad pero ito ang binigay sa akin. Mabuti na lang dahil tanggap ni Ethan na ganito ako. "Pagsisisihan mong kinalaban mo ako, kami! Babaeng probinsiyana!" sabi nito habang dinuduro ako. "Hindi mo kami kilala lalo na ako!" patuloy nitong sabi na may himig pagbabanta. Walang gana ko naman ang mga ito tiningnan, lalo na si Nina. "Hindi ako takot sa mga banta," matapang kong sabi. "Puwes! Ngayon ay matakot ka na!" sigaw nito na parang nauubos na ang pasensya sa akin. "Huwag na huwag mo akong babantaan," kalmado kong sabi. "Hindi mo alam ang sinasabi mo sa akin." "Hindi ako marunong magbanta dahil ginagawa ko ang gusto kong gawin kapag ako ay napuno," mayabang nitong sabi. "Puwes, gawin mo! Marami ka pang sinasabi!" nakangiti kong sabi. "Maghintay ka dahil malalaman mo 'pag nangyari na." Natawa ako nang hindi inaasahan dahil sa sinasabi nito. "Baka umurong iyang bayag mo 'pag nakalaban mo na ako?" walang gana kong sabi at tiningnan ko ito pailalim para masalubong ang tingin nito. "At sino ka sa inaakala mo? Isang katulad mo lang para labanan ako? Nagpapatawa ka ba? You are really getting on my nerves!" iritado nitong sabi. "Puwes, hihintayin ko ang araw na iyon. Sa araw na magtutuos tayo, sisiguraduhin ko sa iyo na hindi mo makakalimutan ang araw na kinalaban mo ako," sabi ko bago tumalikod. Nakasunod naman sa akin si Ethan. "Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" sigaw nitong sabi na siyang dahilan upang mapahinto ako sa paghakbang. "Bakit? May kasalanan ba ako sa iyo para patawarin mo?" diretsahan kong tanong at nanatili lang na nakatalikod sa gawi ng mga ito. "Sa pagkakaalam ko ay wala akong naaalalang may ginawa akong masama ni isa sa inyo, kayo itong nanggugulo sa buhay ko," patuloy kong sabi. "P*tang-ina ka!" sabi nito na halos maubusan na ng boses dahil sa galit nito sa aking. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo noong murahin ako nito. Dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang minumura ako. Sino naman ito para murahin ako! Wala itong ambag sa buhay ko para murahin nang ganoon! Kung kaya't mabilis akong napalingon, lumalakad palapit kay Nina na ikinabigla nito at mahigpit na hinawakan ang bibig nito. "Bwesit ka! Alam mo bang magaling akong magmura? Huwag mo akong sigawan dahil nabibingi ako sa boses mo." Mahina kong iginalaw ang aking leeg dahil parang nauubos na ang lahat kong pasensiya para sa babae. Tuluyan na nitong sinira ang araw ko! "So, tama talaga sila? Balita ko matatapang ang mga bisaya?" sabi nito na halatang nang-aakit ito ng away. "Hindi ka nga nagkakamali. Kompara sa inyo, hindi pa yata umaabot sa kalingkingan ninyo ang tapang ko," pagmamayabang ko. "Hambog! Puwes, mag-ingat ka na simula ngayon!" pagbabanta nito sa akin. Akala nito ay natatakot ako. Marami na akong napagdaanan para matakot lang sa simpleng banta nito sa akin. "Ba't 'di mo subukan?" "Magtutuos din tayo, maghintay ka lang!" "Hindi lang kita hihintayin, aabangan pa kita." Sinadya ko talagang diinan ang huling linya ng aking sinabi para ipaalam sa kanilang hindi nila ako basta-basta matatakot. Wala akong dapat ikabahala dahil wala akong ginagawang masama. At patulak ko itong binitawan. Handa akong lumaban sa patas na paraan. At hindi ako makakapayag na tratuhin lang ako ng mga ito na parang basahan lalo na sa harap pa ni Ethan. Nakita ko si Ethan na namamanghang nakatingin sa akin. He smiled at me and tapped my seat. Bumalik na lang ako sa aking upuan at hinayaan siyang laruin ang aking mga daliri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD