Chapter 8

2529 Words
Umaga pa lang ay excited na akong pumunta ng school. Bago ako umalis sa bahay ay pinitas ko ang tatlong rosas sa garden ni Mommy. Nasa parking lot na ako noong tingnan ko ang kotse ni Samantha. Papasok na ako ng room nang matanaw ko ang room ni Samantha. May nakaupong lalaki roon. Gwapo, matangkad, at may dating pero siyempre mas gwapo ako! "May nakaupo na riyan." Nasa harap ako ng lalaking 'to. Madalas ko na itong makita pero hindi ko ito kilala dahil wala akong pakialam. Nakatayo ako sa mismong harap nito habang bitbit ko ang aking bag sa isa kong balikat. "Alam ko," nakangiti nitong sabi. "Hinihintay ko siya." Napakunot bigla ang noo ko sa sinabi nito. Iba ang pakiramdam ko, alam kong may ibig sabihin ang paghihintay nito. Base sa ngiti ay nahulaan ko na. Alam kong si Samatha ang tinutukoy nito. "Anong sadya mo?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa lalaki. Hindi ko gusto na hinihintay nito si Samantha–ang tanging babae na umagaw ng atensyon ko rito sa school. "Ikaw ba siya?" Iba ang tono ng pananalita ng lalaki pero nanatili pa rin itong nakangiti sa akin. Naasar naman ako dahil sa pakikitungo nito sa akin. Tinatanong ko ito nang maayos. Bakit hindi rin ako nito maayos na sagutin? "Kung may balak kang manligaw sa kaniya, maghanap ka na lang ng iba dahil naunahan na kita," paliwanag ko sa sa lalaki. He looked up at me with an insulting gaze and smirked. It made me more irritated, what was wrong with him? "Bakit kayo na ba? Walang nakapagsabi sa akin na ang isang Ethan Del Valle ay may pagka-possesive pala." Uminit bigla ang ulo ko sa mga tanong ng lalaki. Hindi naman masama ang approach nito pero nakaba-badtrip. Kung tutuusin ay parang ang chill lang nito magsalita pero may kung ano sa pakiramdam ko na hindi ako nare-relax sa inaasta nito sa akin. "Malapit na at oo! Pagdating sa taong gusto ko ay possessive nga ako!" matigas kong sabi at hindi inaalis ang mga titig ko sa mata nito. I wanted to assert my dominance but he didn't back down. "Pero wala pa, so may the best man win na lang bro!" nang-aasar na sabi nito sabay tayo sa pagkakaupo at tinapik ako sa balikat. Mas lalo tuloy kumulo ang dugo ko dahil may pangiti-ngiti pa ito. Nakaba-badtrip! Dahil sa disappointment ay pabagsak kong inupuan ang silya ni Samantha. Walang ibang puwedeng umupo at maghintay rito maliban sa akin. Ilang sandali pa akong naghintay sa kaniya. Nakabusangot ang mukha ko at hindi ko na alam kung ano ang makawawala sa inis ko. Akala ko nasira na ang buong araw ko pero isang sulyap lang sa babaeng nagpatitibok ng puso ko ay nawala na bigla ang lahat ng galit ko kanina lang. Mabuti na lang dahil napigilan ko ang sarili ko na kwelyuhan ang taong iyon. Ayaw rin kasi ni Samantha na napapaaway ako. Binigay ko sa kaniya ang tatlong rosas na pinitas ko. Nabigla ako nang niyakap niya ako na nagbigay sa akin ng libo-libong kuryente sa katawan. Sobrang saya ko at bago sa akin ang lahat ng 'to. Inalalayan ko siyang umupo. Nakatingin lang ako sa kaniya habang inaalalayan ko siya. Tuluyan nang sinakop ng kasayahan ang sestima ko na para bang wala lang nangyari kanina. "Ano 'to?" nagtatakang tanong niya nang walang pasabi kong inabot sa kaniya ang cellphone ko. Binasa ko muna ang labi ko bago nagsalita. Napangiti ako nang mahuli ko siyang napatingin doon. Napapailing na lang ako. "Cellphone ko," simple kong sagot. "Oo nga, pero anong gagawin ko sa cellphone mo?" walang ideya niyang tanong habang hawak niya ang cellphone. She really looked innocent but she was a real baddest, which made her more beautiful in my eyes. "Save mo 'yong number mo para ma-text at matawagan kita." Hindi ko man siya matingnan pero alam kung nasa akin lang ang paningin nya. Pasimple ko siyang tiningnan at nahagip ng aking mata ang ngiti niya. Tinipa niya sa cellphone ko na hawak niya ang numero niya. Nagvi-video call kami at chat, pero naiinis ako dahil hindi ko siya ma-reach minsan dahil hindi niya pa binibigay sa akin ang phone number niya. "Heto na," tipid niyang sagot sa akin. "Thanks." Nginitaan ko siya pero bigla na lang tumambol iyong dibdib ko dahil sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Medyo nailang ako pero mas pinili kong labanan ang mga tingin niya. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa sarili ko kung bakit ganito ang pakiramdam ko pagdating sa kaniya. Bakit kaya? Kaya niyang labanan ang mga titig ko. Kakaiba talaga siya. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero wala pa akong nakitang babae na kayang labanan ang mga titig ko. Siya lang. "Huwag kang masyadong tumitig sa akin dahil baka masanay ka. Mahirapan ka ng tumingin sa iba," pabiro niyang sabi sa akin kung kaya't bigla akong natauhan. Napailing na lang ako. How could she say those words? Kung alam lang niya sana kung paano niya ako binabaliw araw-araw kahit pa noong bagong salta pa lang siya rito. "Bukod sa iyo ay wala na akong gustong iba," pranka kong sabi. Nakita ko ang pag-init ng kaniyang pisnge. Sinikap niyang maging seryoso kahit napangingit na siya. "Nabibigla ka lang. Hindi naman ako kagandahan. Kompara sa iyo, masyado kang gwapo para sa hitsura ko." Nabigla man ako sa sinabi niya pero tinitigan ko lang siya. I didn't like what she was saying. For me, she was the only woman who could make me feel this way. Bakit kaya ganoon ang tingin niya sa sarili niya? "Para sa akin, sobrang ganda mo para sa akin. Mas maniniwala ako sa iyo kung sasabihin mong bagay tayo." Hinawakan ko ang kamay niya na ikinagitla niya. Mas lalong pumula ang mukha niya. "At isa pa, alam ko sa sarili ko na wala ng mas hihigit pa sa iyo. Masyado mang mabilis ang nararamdaman ko pero napatunayan ko na mayroon talagang pakiramdam na ganito," patuloy kong sabi habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Nakita ko naman ang pagkislap ng mga ito, tanda ba nagustuhan niya ang sinabi ko. "Marami akong iniisip at problemado akong tao. Lapitin ako ng gulo at ayaw kong pati ikaw madamay sa gulo ko," she said. Natawa lamang ako. I knew that she was prone to trouble...because of me. Kaya nga handa akong araw-araw siyang protektahan lalo na't ganoon din ako. "Hindi ko alam kung anong gulo ang tinutukoy mo pero handa akong mapasama sa mundo mo." Sa tuwing may sinasabi siya tungkol sa pagkatao niya at hindi agad maproseso sa utak ko kung anong klaseng tao ba talaga siya. Masyado siyang misteryosa, hindi talaga siya kagaya ng ibang babae na nakikita ko sa araw araw. She was really different. Maraming araw ang nagdaan at paulit-ulit lang ang nangyayari. Bahay at eskwelahan lang ako pero ang pagkakaiba lang ay mas ganado na akong mag-aral ngayon. Minsan na lang akong uminom at gumala kasama ang mga kaibigan ko. Naninibago na nga pati parents ko dahil kahit nasa bahay ako noon ay madalas akong uminom at walang gana kung ano ang patutunguhan ng buhay ko ngunit ngayon ay hindi na. Nagkaroon na lang bigla ng kabuluhan ang buhay ko bigla dahil kay Samantha. Naging maayos din ang panliligaw ko. Mas kinikilig pa nga yata ako kaysa nililigawan ko. "Lunch na tayo," nakangiti kong sabi sa kaniya. "Sige," sabi niya at sinimulan nang ilagay sa bag ang mga gamit at libro niya. Samantha was very studious. Gina-guide ko siya kapag may hindi siya naiintindiham and that was very rare. Napakatalino rin naman kasi niya kaya nga mas lalo ko siyang nagustuhan. "Ethan, pinapatawag ka ni Coach. Sandali lang daw dahil may itatanong lang daw sa iyo," sabi ni Lemir na ka-teammate ko. Napabuntonghininga ako at napatingin kay Samantha. "Sam, mauna ka na sa canteen. Okay lang ba? Dadaanan ko lang si Coach dahil baka may importante siyang sasabihin sa akin. Madali lang ito, pupunta rin ako kaagad." "Okay lang," nakangiti niyang sagot. One thing I love about her was she wasn't the jealous and clingy type, hindi rin siya demanding kagaya ng ibang babae na nali-link sa akin. Ang totoo nga niyan ay mas ako pa ang clingy sa aming dalawa dahil gusto ko ay palagi siyang nasa tabi ko. Hinawakan ko ang pisnge niya at hinawakan ang buhok niya papunta sa likod ng kaniyang tenga. "Miss na kita agad." I knew I sounded so cheesy but I didn't care. I wanted my feelings and adoration for her to be known. Everyday. "Susunod ka naman agad, 'di ba?" she asked cutely. I smiled and nodded to her. Siya muna ang pinauna ko umalis bago ako pumunta kay Coach. Binilisan ko ang paglalakad at hinanap si Coach sa gymnasium pero hindi ko ito makita. Hinanap ko rin sa ibang parte ng school pero wala pa rin. Natanaw ko si Lemir sa hindi kalayuan kaya binilisan kong pumunta sa gawi nito. "Pare, nasaan si Coach? Kanina ko pa siya hinahanap," sabi ko sa ka-teammate. Naiirita na ako dahil kanina pa naghihintay sa akin si Sam sa canteen. "Wala ba sa gym?" he asked back. "Doon ako galing," I replied. "Ganoon ba, pare?" Napakamot ito sa ulo na may pagtataka na sa mukha. "Hindi ko rin alam. Pasensya na, pare. Pinapasabi lang kasi iyan sa akin ni Nina kanina na hinahanap ka raw ni Coach kaya nga sinabihan kita kasi nagmamadali raw sila," patuloy nitong sabi. Bigla akong kinabahan sa sinabi nito. Alam kong pakana ito ni Nina kaya binilisan kong makaalis sa harap nito. Patakbo kong tinungo ang canteen dahil alam kong may masamang balak si Nina kay Samantha. Kilalang-kilala ko na si Nina, lahat alam na basagolera ito at desperada lalo na pagdating sa akin. Papalapit na ako sa canteen kaya rinig ko ang malalakas na boses ni Nina. Lalapit na sana ako nang bigla akong natigilan sa hindi malamang dahilan. May kung ano sa aking kalooban na napahinto para pakinggan lang ang palitan ng masasamang salita ng dalawa. "Akala mo maniniwala ako sa mga sinasabi mo? Ang sabihin mo nang-aakit ka lang. Sobrang kapal yata ng mukha mo at hindi mo halos makita ang sarili mo kung ano ka!" "Look who's talking, are you talking about yourself?" Wala man lang akong nakitang kaba sa mata ni Samantha, parang natural lang sa kaniya ang sitwasyon kung saan siya ngayon. She was seated calmly while Nina was furious at her. "Ang kapal ng mukha mo! Saan ka ba humuhugot ng lakas ng loob para kausapin mo ako nang ganiyan!" "Saan sa tingin mo?" "Hindi mo pa ako kilala, Samantha Rivera!" "Baka manginig ka kung makilala mo ako, Nina Montes." "You, b***h! Akala mo ay matatakot mo ako. Wala akong kinakatakutan!" sabi nito at dinuduro-duro pa si Sam. "Same to you," natural na natural pa rin niyang sabi. Hindi ko mabanggit kung ano ang reaksyon niya dahil blangko pa rin ang mukha niy. "Bwesit ka!" pasigaw na sabi ni Nina at sabay sampal. Natigilan ako sa sunod na nangyari dahil sa bilis ng pagsangga ni Sam sa kamay ng kaharap. Napaatras ito dahil medyo may kalakasan ang paghawi niya na tumama sa kaniyang braso. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Wala man siyang reakson pero humanga ako sa anggas niya. Mas lalo akong humanga dahil hindi siya tulad ng iba na sumusuko lang at walang laban-laban. She was really strong. Naalala ko lamang ang unang pag-uusap namin. Napapangiti tuloy ako. Hindi ko na siya papakawalan pa. Lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakuha na nila ang atensyon. Makikita ang pagkainteresado sa mga mata ng mga ito na parang may gusto pang mangyari higit pa sa sagutan ng dalawa. "Palaban ka pala," patuloy ni Nina na may nanglilisik na mga mata dahil sa galit. "Partida! Huwag mo akong subukan dahil maliit lang ang pasensya ko sa taong katulad mo. Ang huling taong ginulpi ko ay inutil na ngayon. Baka gusto mong mabaldado." "Masyado kang mayabang, hambog!" Tama si Nina, may parte sa akin na naniniwala sa sinabi nito na mayabang si Samantha. Ngunit bakit sa kabila ng yabang ay mas pinili kong maniwala na kaya nga ni Sam gawin ang lahat ng mga sinasabi niya? "Dahil may ipagyayabang ako. Kakayahan kong manakit ng tao kapag humaharang sa dinadaanan ko." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Mas matapang pa yata si Sam sa inaakala ko. Nakakapanindig balahibo ang nasaksihan ko. Wala mang sakitan na naganap pero sapat na ang nakita ko para masabing may kakayahan nga siyang makipaglaban sa anumang paraan. Ngunit imbes na madismaya ako sa ugali nito, may parte sa sarili ko na hindi ko magawang hindi humanga. Gusto ko talaga ang mga palaban na babae. May kung anong sarap sa pakiramdam ko na hindi ko maitanggi. Maraming bumubuong katanungan sa isip ko pero nangingibabaw ang nararamdaman ko. "Akala mo ay matatakot mo ako?" nakangising tanong ni Nina. Alam kong hindi matatakot basta-basta si Nina dahil kilala itong matapang rito since high school pa. "Bakit natakot ba kita?" "Sino ka sa inaakala mo, witch?" pang-insulto nito kay Sam na tinawanan naman ng mga kasamahan nito. "b***h ako!" Diniinan niya ang pagkakasabi nito. "Baka ikaw ang witch," patuloy na sabi ni Sam. Nawala bigla ang tawa ng kagrupo ni Nina dahil sa pabalik na insulto ni Sam. Imbes magalit sa sinabi ni Nina ay mas diniinan pa nitong sabihin na isa siyang b***h at hindi witch. "Anong karapatan mo para sabihan ako ng witch?" Sa galit nito ay nakuyom na nito ang dalawa nitong kamao na parang hindi na makapagtimpi sa galit. "Tama na ang satsat. Kung ganoon, hihintayin ko na lang ang araw ng pagsorpresa ninyo sa akin. Hindi kasi ako nangunguna sa gulo pero lumalaban ako. Mukhang may ibubuga naman kayo." Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga sinasabi niya. Lahat ay may laman at nakakapanindig balahibo ang mga ibig sabihin niya. Ngayon lang ako nakatagpo ng babae na ganito magsalita. Masyado ng mainit ang pagitan ng dalawa at kilala ko si Nina, may ugali talaga itong hindi marunong magpalampas kaya nilapitan ko na sila. "Nina, stop this bullsh*t," sabi ko sabay alalay sa siko ni Sam. Nina looked shocked and hurt as she spotted my hands touching Sam. Wala akong pakialam. "Oh! The savior. The knight in a shining armor!" she spat at masamang tinitingnan si Sam. Makikita sa mata nito ang tindi ng selos. "So pathetic! You think that I am that weak, huh? I can fight you without him that you described as my knight in shining armor!" iritadong sabi ni Sam. "You're a daughter of a b***h!" "Mas may higit pa ba sa salitang b***h? Dahil kung mayroon man ay ako na iyon lalo na kapag tulad mo ang nakakasalamuha ko." "Nina, please! Ano bang problema mo? Sino ka ba para bakuran ako? Wala kang kahit kaonting karapatan sa akin!" Alam kung masasaktan ito sa sinabi ko pero gusto kong matigil na ito sa pamamakod sa akin. "Nina, please stop this kind of b*llshit!" inis kong sabi at nagtitimpi pa rin sa inis. Hinawakan ko ang kamay ni Sam at iniwan si Nina na nakayukom ang mga palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD