Tatlong buwan din ang nagdaan at naging maayos naman ang lahat.
Walang naging problema. Kahit nag-iisa lang si Ethan na kaibigan ko sa paaralan, hindi naman ako nalungkot dahil ito lang ay sapat na.
Habang kumakain ako ay marami ang nakatingin sa akin lalo na ngayon na hindi ko kasama si Ethan.
Hindi ko na lang ang mga ito pinansin kahit na ang totoo ay sobrang naiilang ako.
Pakiramdam ko ay dinaig ko pa yata ang sikat na artista.
"Hi, puwede bang makiupo?" tanong sa akin ng babaeng madalas ko ring makita rito tumatambay sa canteen. Tango lang ang naging sagot ko. "Hindi ba ikaw si Samantha?" Tumango ulit ako sa pagkompirma. "Ako nga pala si Spear!" Tango pa rin ang ginawa ko sa madaldal na babae na nasa harap ko.
"Alam mo, ang cool mo! Nakita ko kayong nagkasagutan ni Nina. Ang astig nga ng mga linyahan mo. Aminin na lang natin na napahanga mo ako. Akalain mo iyon, nakahanap din ng katapat ang babaeng iyon!" Hindi ko siya pinansin kaya malakas ang naging buntonghininga niya. Nakuha niya ang atensyon ko para tingnan siya. "Pero mag-iingat ka dahil mga traydor ang grupo nila. Hindi iyon mapakali hangga't hindi sila nakakabawi."
Bigla niya akong nginitian at doon ay hindi ko na napigilang magsalita.
"Sila ang dapat na mag-ingat sa akin!" pagbabantabko rito.
"Yabang mo pero alam mo, gusto kitang maging kaibigan kung okay lang sa iyo? Kung may pagkakataon ay ipakikilala kita sa mga kagrupo ko. Kung gusto mo ay ipasok pa kita!" seryosong sabi niya at ramdam ko ang pagiging sinsero.
Walang emosyon ko siyang tinitigan. "Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko," tanggi ko sa kaniya at seryoso ang boses ko. Hindi ko alam pero pagod akong makipag-usap sa kaniya.
Ayaw kong kinukulit ako lalo na kapag kumakain pero nakikisama na lang ako nang maayos.
"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa nila sinisimulan. Kapag nagkataon ay baka pasalamatan mo pa ako dahil ako mismo ang nag-alok sa iyo."
"Hindi mangyayari iyan! Kapag pumunta sila patungo sa akin ay makikita nila ang empyerno."
"Bilib din naman ako sa kayabangan mo pero binabalaan kita. Marumi silang umatake baka mabigla ka!"
Nakikita ko ang pagiging totoo sa kaniyang mata pero hindi ko iyon seneryoso dahil wala pa ni kahit sino ang puwedeng magpanginig sa akin sa takot.
"Kaya ko na ang sarili ko. Isa pa, matagal na akong gangster. Ako lang ang founder at ako lang ang member," seryoso kong sabi sa kaniya na ikinagulat niya.
"Ano?" gulat na tanong niya dahil sa sinabi ko. "Walang ganoon," patuloy niyang sabi sa akin.
"Mayroon, ako!" At talagang pinaninindigan ko.
"Loko, maniwala ako sa iyo!"
"Walang pumipilit sa iyo. Kung ayaw mong maniwala ay walang problema sa akin iyon. Hindi ka kawalan," paliwanag ko sa kaniya.
Nagpatuloy ako sa aking ginagawa nang bigla akong napailing at naiinis ako.
"Bakit ba nila ginagawa 'to?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Dahil kay Ethan. Matagal na siyang obsessed sa lalaking iyon. Mahirap naman kung mag-a-advice ako na layuan mo ito dahil mukhang nagkakasundo naman kayo, nagkakamabutihan, nagkaka-in love-ban," patawa-tawa pa niyang sabi.
"Ano ba sila ni Ethan?"
"Wala, pero high school pa lang ay binabakuran niya na si Ethan. Sinasaktan niya ang mga babaeng umaaligid sa lalaki o 'di naman ay tinatakot. Desperada siya kaya naisipang pumasok sa mga gang para makahanap ng kakampi sa loob at labas ng paaralan. Kung napapansin mo ay halos lahat ng nag-aaral dito ay may edad na kompara sa edad ng mga college level. Hindi naman matanda pero sa edad nila ay puwede ng magkapamilya."
Tumango ako dahil napansin ko nga iyon. Kahit kasi si Ethan ang pinakamatanda sa amin, hindi naman nalalayo ang edad ng iba naming lalaki. Ako nga ang pinabunso sa aming block.
"Mayayaman ang nag-aaral dito. Kung mayroon man hindi, iyong mga scholar lang. Halos lahat dito ay gangster member. Maraming iba't ibang grupo ng gang ang nandito. Maraming founder pero wala namang gulo dahil wala namang pakialamanan."
"Ibig mong sabihin ay halos lahat ng estudyante rito ay may kagrupo?"
"Yes! Yes! Yes! "
"Paano iyon nangyari?" naguguluhan kong tanong.
"Basta na lang nangyari. Maraming matatapang na nag-aaral dito kaya hindi rin imposible."
"I see," walang gana kong sabi.
"Hindi ka nagulat?" Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.
"Hindi," walang emosyon kong sagot.
"Alam mo, nakakabilib ka! Bukod kay Shiara, ikaw pa lang ang the one and only na pinapansin ni Ethan. Swerte mo day!"
"Sinong Shiara?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"Kilala siya halos lahat ng nandito maliban na lang sa mga bago katulad mo." Sabay turo habang may sinasabi. "Siya lang naman ang nag-iisang babaeng kaibigan ni Ethan. Hindi nga lang namin alam kung hanggang kaibigan nga lang ba?" Para pa siyang nag-iisip habang patuloy sa pagkuwekuwento.
"Nasaan na siya?"
"Nasa hospital mga two years na pero walang nakaaalam kung ano ang dahilan kung bakit naaksidente siya. Sa naririnig ko ay na-comatose raw siya. Nakakaawa nga iyong Ethan mo kasi simula noong naaksidente si Shiara ay parang nawalan din siya ng buhay. Nawalan ng sigla at saya. Akala ko nga ay hindi na 'yon ngingiti ulit. Hindi nga malapitan kasi palaging mainit ang ulo. May nakapagsabi na hindi na lang nila tinatanong si Ethan dahil nakakatakot daw itong magalit. Mukhang totoo naman."
"Malungkot pala ang pinadadaanan niya." Tumango ito sa akin.
Medyo nalungkot naman ako sa nalaman.
"Korek ka, girl! Ngunit dahil nandiyan ka na ay bigla na lang siya sumigla ulit," ngiting-ngiti niyang sabi.
"Bakit ako?"
"Aba malay ko! Well, as I can see it, may pagkapareho kayo ni Shiara ng kaonting-kaonti lang, para sa akin lang iyon ah!"
"Anong pagkakapareho?" Tinaasan ko siya ng kilay para sumeryoso siya. At ewan ko ba kung bakit hindi ko mapigilang magtanong rito.
"Pareho kayong palaban. Ang lakas ng dating, astig, at ang angas pero mas maganda siya at mas sexy rin. Pareho naman kayong bad girl type pero iba lang ang pormahan ninyo," sabi niya habang tinitingnan ang kabuohan ko.
"So, sinasabi mong hindi ako maganda at sexy?" kunot-noo kong tanong sa kaniya. .
"Sakto lang," seryoso niyang saad.
"Lakas makapintas, ha!"
"Maganda? Sakto lang. Sexy? Tama lang," sabi niya habang seryosong titig na titig sa kabuohan ko na tila naghahanap pa kung ano ang puwede maipintas. Ang sarap niya lang batukan!
"'Yan ang pinakamatinding kasinungalingang narinig ko sa araw na ito." Inirapan ko siya.
"Totoo ang sinasabi ko."
"Papuri ba 'yan o insulto? Puwes, mas mabuti pang magsinungaling ka na lang."
"Galit ka ba?" nag-aala niyang tanong sa akin.
"Hindi! Sobrang saya ko! Masayang-masaya sa papuri mo, salamat ha! Salamat kasi maganda ako na sakto lang! Salamat dahil sexy ako na tama lang! Salamat talaga! Mabuti na lang dahil nakilala kita," tunog sarkastiko kong sabi.
"Ano ka ba! Para ka namang na pipilitan" tawa-tawa niyang sabi.
"Nako! Hindi, sobrang saya ko nga sa mga komento mo. Baka marami ka pang puwedeng maipintas, sabihin mo na para isang bagsakan na lang," pagpapatuloy ko sa pagiging sarkastiko.
"Wala na. Pananamit mo na lang ang baduy," wala sa sariling sagot niya. "Saang lupalop ka ba ng kabundukan nagmula at wala ka man lang ka-taste-taste," patuloy niyang panlalait sa akin.
Ano ba namang klaseng tao 'to. Wala naman yata siyang pakialam kung nakakasakit na ng tao. Ang sarap lang batukan.
"Ganoon ba? Baka may nakalimutan ka pa kaya idagdag mo na!" sarkastiko kong sabi.
"Wala na talaga," tumatawang sagot niya, sarap pitikin.
"Abnormal," pabulong kong sabi.
"Galit ka ba? Pasensya ka na. Ganito talaga ako kapag magaan ang loob ko sa tao," sinsero niyang sabi kahit puwede nang mapagkamalang abnormal.
"Okay lang. Mukhang ganiyan ka na talaga!" Walang gana kong sagot.
"Oy, grabe ka naman! Basta simula ngayon ay kaibigan na kita. Ayaw mo mang sumali sa grupo namin pero ituturing pa rin kitang kaibigan. Kung may kailangan ka ay magsabi ka lang dahil baka magawan ko ng paraan. Sige mauna na ako sa iyo. May dadaanan pa ako." Kinakaway pa ang kamay nito habang nakatalikod.
Napapailing na lang ako dahil sa kadaldalan niya.
But it was a good thing that I had another friend aside from Ethan, right?