"Pasensya ka na, nag-snack ka na ba?" hinihingal na tanong sa akin ni Ethan. Kakagaling niya lang sa practice. I looked up to him and smiled. "Tapos na. Nag-order na ako para sa iyo. Kainin mo na 'yan." "Salamat, Sam. Akala ko pa naman ay magkakasabay tayong mag-snack. Binilisan ko pa naman pumunta rito para mahabol pa kita," malungkot niyang sabi habang nakanguso. Natawa tuloy ako sa reaksyon niya dahil ang cute niyang tingnan kapag naka-pout. "Huwag ka nang malungkot dahil sasamahan naman kita," malambing kong sabi sa kaniya. His eyes glowed and sat in front of me. "Ang sarap naman," nakangiti niyang sagot. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niyang masarap. Iyong sinabi ko ba o iyong kinakain niya? "Kumusta ang practice mo?" "Ayos lang. Sa susunod ay isasama na kita para mapano