Magsisimula na ang laro ni Ethan nang bigla akong tinawag ng kalikasan. Sinubukan kong labanan ito ngunit noong hindi ko na kayang matiis na pigilan pa ito ay nagpaalam ako sa kaibigan ko na magbabanyo muna ako saglit at nangakong babalik din kaagad. Medyo malayo rin sa court ang banyo pero naisip ko na hindi naman siguro kaagad-agad magsisimula ang laro. At kailangan kong bilisan sa paglalakad dahil alam kong inaasahan ako ni Ethan na manonood sa laro niya. Tandang-tanda ko pa kung gaano siya ka-excited noong malamang manonood ako sa kaniya kaya hindi ko dapat siya biguin. Halos takbuhin ko na ang daan at nililipad na rin ang aking mahabang buhok ng hanging nakasasalubong ko. Isang palatandaan na nagmamadali nga ako. Mabuti na lang dahil walang mga taong nakapila sa labas ng comfort roo