Chapter 13

1017 Words

Palapit na sila sa gawi namin kung kaya't kinabahan ako sa puwedeng mangyari kay Samantha. Naiinis ako dahil sa katigasan ng ulo niya. Kung sinunod lang sana niya ang sinabi ko ay hindi na sana ako magdadalawang-isip na makipagbakbakan. Ganoon pa man, gagawin ko ang lahat para hindi siya mapahamak. Ikamatay ko man ito. "Babae ito, pare. Kaonting respeto naman!" Pinahinto ko ang mga ito sa paglalakad gamit ang nakasenyas na kamay. Tinago ko si Sam sa likod ko para protektahan siya. Dadadaan muna ang mga ito sa bangkay ko bago ng mga ito masaktan ang girlfriend ko. "Wala sa bokabularyo namin ang salitang respeto." Sinugod ako ng mga lalaki nang walang pag-aalinlangan. Akmang susuntukin sana ako nito pero naiwasan ko ang suntok nito. Hinawakan ko si Sam sa kamay pero nabigla ako nang hugut

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD