Hindi ako makatulog nang ilang araw dahil hindi pa rin ako pinatatahimik ng konsensya ko. Hindi ko magawang umamin kay Ethan tungkol pinanggalingan ko. Kung anong klaseng nakaraan mayroon ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Ayaw kong layuan niya ako o kamuhian. Hindi ko iyon kaya lalo pa't may nabubuo na akong pagmamahal sa kaniya. Hindi ko makakaya kung mawala na lang iyon bigla. Wala naman akong pakialam dati kung anoman ang malaman ng kahit na sino tungkol sa kung anong klaseng tao ako. Hindi importante sa akin ang sasabihin ng iba samantalang ngayon ay kahit maliit lang na bagay tungkol sa pagkatao ko ay hindi ko man lang kayang ibahagi sa kaniya. Natatakot akong baka katakutan niya ako. Takot na hindi niya kayang harapin kasama ako. Baka kapag nalaman niya ay siya na mism