Nagising ako ng madaling araw dahil sa ginaw. Nanginginig ang buo kong katawan, sobrang bigat at nanakit ang buo kong katawan. Hindi ko na mapangalanan ang sakit dahil naghalo-halo na ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay mamatay na ako. Pakiramdam mo ay nasa kabilang hukay na ang kaliwang binti ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Natulog si Ethan sa tabi ko. Hindi ko na siya ginising dahil alam kong pagod din siya. Ang init ng katawan niya ay nakatulong para mabawasan ang ginaw na nararamdaman ko. Ngunit ilang minuto pa lang ang nakalipas ay nag-aapoy na ako sa lagnat. Tuluyan na talagang sumama ang pakiramdam ko. Kahit yinakap ko na si Ethan nang mahigpit ay hindi pa rin ito nawawala. Naramdaman naman ni Ethan ang init ng katawan ko kaya nagising din siya. Hinawakan niya ako sa noo