"Love, magpahinga ka na." Nagising ako dahil minamasahe ako ni Ethan. Hindi ko maipaliwanag pero parang may init na dala ang bawat paghagod niya sa akin. Nakakawala ng bigat sa aking nararamdaman. Siya lamang ang nakagagawa sa akin ng ganito. Siya lamang. Masuyo ko siyang nginitian kahit na nanghihina. Ginantihan niya naman ako ng isang ngiti. Kitang-kita ko ang paglabas ng biloy niya sa pisnge na siyang nagpapalabas ng kagwapuhang taglay niya. Mas lalo lamang akong nahuhulog sa kaniya. "Massage ko na lang muna ang katawan mo para maibsan ang bigat ng nararamdaman mo," malambing na sabi niya sa akin saka niya ako hinagkan sa noo at sa labi. Tumango na lang ako. Ganito talaga siya kalambing lalo na kapag pagdating sa akin. Kahit na kami na at hindi na siya nanliligaw ay sobrang sweet niya