Pauwi na kami nang biglang umulan nang sobrang lakas. Naging mahina ang pag-usad ng trapiko at bumabaha na rin ang ibang parte ng Maynila. Nakinig kami ng balita sa loob ng kotse habang naghihintay na mag-go ang traffic light signal. Biglaan ang pag-anunsyo na may bagyo. Hindi na kami nagpatuloy sa pag-uwi at naghanap na lang ng matutuluyang hotel. Hihintayin na muna namin humupa ang ulan. Mabilis kong p-in-ark ang kotse sa parking lot. Halos wala na itong space sa sobrang dami ng sasakyan. "Miss, two rooms please," sabi ko sa babaeng nasa front desk. Katabi ko si Samantha na ginagalugad ng tingin ang paligid. "Sir, one room for two na lang po ang available. Lahat po kasi at occupied na po. Pasensya na po, sir. " Tiningnan ko si Sam at nakita ko ang kaniyang pagsang-ayon kaya hindi n