"Pasok maupo kayong tatlo," wika ni MA sa mga tauhan ng kumpanya. Wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang dahilan kung bakit nakiusap sa kaniya ang bayaw na ipatawag niya ang magkakaibigan. Ganoon pa man ay sinunod niya. Maaring may sasabihin ito sa tatlo ngunit hindi maaring ipagsabi sa labas kaya't sa kaniya ito dumaan. "Salamat, Boss. Subalit maari ba naming malaman kung bakit mo kami ipinatawag?" tanong ni Samson na agad sinundan ni Anjo. "Tama si Engineer Reyes, Boss. May nilabag ba kami sa patakaran dito?" anito. "Hindi ko alam, Boss, pero pakiramdam ko ay may importante kang sasabihin. Maari mo naman po kaming kausapin in public pero pinagreport mo pa kami rito," wika naman ni Romy. Wala siyang masabi sa mga ito. Dahil simula tinanggap niya ang tatlo anim na taon na ang naka