"What's on that grinning, twin sister?" taas kilay na tanong ni Mariz Kaye sa katabi. Nasa lunch date silang mag-anak, dahil na rin sa paglalambing nito sa Kuya nila. "Huwag kang maingay, kambal. May pinaplano ako." She giggled. "Tsk! Tsk! Ikaw kambal, aba'y lumabas na naman ang pagkakiti-kiti mo. Ah, mali, ang pagkadragona mo," pabulong na rin niyang tugon. Kaso napahagikhik lamang ito. Kaya naman ay nagkatinginan ang mag-asawa. Hindi pa nga naglilipat araw ay bumalik na naman ang pagkasutil nito. Patunay na lamang ang pagbubulungan ng dalawa. Nasa iisang lamesa naman sila ngunit magkatabi ang kambal ng upuan kaya't malaya silang nagbubulungan. "Hmmm, baka naman maari naming malaman ang pinagbubulungan n'yo? Aba'y careless whispers pa naman," ani Brian Niel. Kaso napahagikhik lamang