CHAPTER TWENTY-THREE

2027 Words

"Kasasabi ko lang, kung kailan darating ang karma niya ngunit ibinigay agad ng langit. BOSSING alam mo po ang nasa utak ko. Kailanman ay hindi ko idinalangin ang pangyayaring ito. Wala akong kasalanan sa nangyari, BOSSING," bulong niya. Papaikutin na sana niya ang sasakyan upang lumapit sa kinaroroonan nito baka sakaling mailigtas niya kaso dumating ang mga police na maaaring papunta rin sa mansion nila kaya't bumalik siya sa pangalawang option. Tumuloy siya sa kanilang mansion. "Good morning, Sir Tommy. Pasok ka," sabi ng guwardiya ng napansin niya. "Salamat. Pero may aksidenting nangyari sa may kanto. Kung hindi ako nagkakamali ay dito siya galing dahil nakasalubong ko pa siya bago sumalpok sa poste. Halos magkabanggaan nga kami dahil kulang na lamang ay paliparin niya ang sasakyan."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD