"Nerbiyos?" tanong niya sa kasama. Halatang kinakabahan ito o mas tamang sabihin na takot ang nakabalatay sa mukha nito. Hindi naman niya ito masisi dahil alam nito kung ano ang buhay mayroon siya sa pamilya niya. Ngunit nais niyang matawa rito dahil tagos hanggang buto, nanunuot pa sa puso niya ang mga binitawan nitong salita. Kaso kung kailan nandoon na sila sa malapit sa kanila ay saka pa lang niya napansin ang pangangatog sa katauhan nito. "Eh, ewan ko ba, Kuya. Kung kailan nandito na tayo ay saka pa ako hindi mapakali. Huwag naman sana, Kuya, kaso ibang-iba ang pakiramdam ko." Nakangiwi itong tumingin sa kaniya. Kaya naman ay napangiti siya. Akala niya ay ipagkakaila nito ang saloobin ngunit nagkamali siya. Mas naging bukal ito sa kaniya. Ipinahayag ang tunay na nararamdaman. "Huw