"Iho, would you mind if I'll ask you something personal? But it's okay if you won't answer it," ani Clarence sa binatang engineer. Hindi naman kasi siya sigurado pero malakas ang kutob niyang tama siya kaya nag-iisip siya kung bakit kailangan pa nitong mamasukan sa ibang kumpanya.
"Ang record ko po ba, Sir?" alam niya (Tommy) ang nais tukuyin ng butihing Ginoo kaya't inunahan na niya ito.
"Yes Iho, if you don't mind." Tumango ito bilang pagsang-ayun.
"Alam ko pong nagtataka ka, Sir, kung bakit kailangan kong mamasukan sa ibang kumpanya samantalang negosyante ang ama ko, chief of police ang ina ko. Ang gusto nila'y susunod ako sa yapak nila as my brothers does. Subalit hindi ako sumunod dahil paano ko makakamit ang pangarap ko sa buhay kung magpapamanipula ako sa gusto nila, Sir? They even hated me of that, ngunit hindi ako sumuko, Sir. Dahil simulat sapol ay maging engineer ang gusto ko that's the reason why I pursued my own dream as I walked alone my way. They even tried to blocked my path by using their power, Sir. Ilang buwan din akong naghahanap ng trabaho dahil pinablocked list nila ako sa halos lahat ng kumpanya. Laking pasasalamat ko ng makita ko online ang Herrera Company is hiring pero agad ding nawala ang kasiyahang naramdaman ko dahil three slots na lang pala. Thank you, Sir, for saving me and taking me as one of your marine engineers. Tatanawin kong utang na loob iyan habang-buhay," mahaba-haba niyang pahayag.
Wala siyang ginagawang masama. Masaya siya sa landas na tinahak niya. Wala siyang balak magpamanipula kahit kanino. Kahit ang kapalit nito ay ang pangamgamuhan niya sa ibayong dagat.
Para namang hinaplos ang puso ni Clarence dahil sa pahayag ng binata. Hindi niya inaasahang higit pa sa gusto niyang malaman mula ang narinig mula sa binata. Kung hindi siya nagkakamali'y ilang taon lang ang tanda nito sa kanyang panganay na anak. In his mind, he will keep him for long time. Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa MARGARITA. And he wants Engineer Saavedra's behaviour.
"Sorry for asking, Iho. It must be hard for you, so please accept my apologies," sensero niyang paghingi ng paumanhin pero mas humanga siya dahil wala siyang makitang galit sa mukha nito bagkus ay nakangiti pa itong sumagot.
"They are like that since I was a little boy, Sir. Kaya't nasanay na ako. May yaya po ako na siya ring ang tumayong ina at ama ko hanggang sa ngayon. Wala pong problema, Sir. Dahil tanggap ko ng hindi nila ako gusto dahil hindi ako sumunod sa kanilang yapak. Sir kailan po tayo aalis?" Nakangiti tumingin sa kaniya.
Labis-labis ang paghanga niya rito. Kahit bagong kakilala lamang niya ito. Deep inside of his heart's telling that this young man in front of him will achieve and fulfil his dreams by his own way.
"Kung handa ka na ay maari na tayong aalis bukas para makapagpaalam ka pa sa mga magulang mo or anyone that you wishes too. Kung may passport ka dalhin mo dahil minsan kung saan dadaong ang barko doon tayo umaakyat, minsan doon din bumababa. Don't worry iho you're safe now from those worries. Do your best and you will serve MARGARITA for long time." Nakangiti niya itong tinapik sa balikat. Nais niyang iparamdam dito na wala itong pagsisisihan sa pagsama sa MARGARITA team.
"Mga anong oras siguro, Sir? Pupuntahan ko pa ang rancho para makapagpaalam sa kanila baka magtatagalan na rin akong makabalik doon, Sir. Kung wala na pong oras ay tatawagan ko na lamang po sina Nana at Tata," masayang tugon ng binata. Damang-dama niya ang nais iparating ng Boss niya.
Labis-labis ang pasasalamat niya dahil kahit naka-blocked listed siya sa karamihang kumpanya dahil sa kagagawan ng mga magulang niya. Naubusan ng slots sa HERRERA COMPANY, subalit mas higit pa roon ang ipinalit ng Diyos. Trabaho mismo ang lumapit sa kaniya. He became one of those marine engineers of prestigious international cruise ship, MARGARITA.
"Take your time, Iho. But make sure na nasa pier ka bukas ng hapon and bring all your needed things. Because as you have said earlier, matatagalan na ulit makadaong ang barko rito sa Manila. It will take years to come back here but as per as contract says, every two years, you can come home. Doon na lang tayo magkita total nandoon ang barko and we will be headed to Australia," pahayag ni Clarence.
Hindi niya maunawaan ang sarili, may anak naman siyang lalaki upang sabihin sana niyang miss niya ang magkaroon ng anak na lalaki. He's so fond of him. Damang-dama niya ang sinseridad nito sa bawat binibitawang salita.
"Salamat, Sir. Sige po mauna na ako." Tumalikod na siya(Tommy) matapos makapagpasalamat sa amo niya. Ang taong magdadala sa kaniya sa MARGARITA.
Kaso sa kaniyang pagmamadali ay hindi niya napansin ang papasok ding dalagita. Huli na upang umiwas siya.
"Hey, you watch out!" malakas nitong sigaw.
Unang pagkakataon pa niya itong makita pero halatang anak ng Boss niya. Hindi naman niya ito masisi kung bakit sumigaw dahil kung hindi niya naagapan ay baka tumilapon ito. Kaya naman ay agad siyang humingi ng despensa lalo at namumula ang mukha nito dahil sa galit.
"Sorry, Miss, nagmamadali kasi ako. Hindi ko naman sinasadyang mabangga ka. I'm really sorry, Miss," hinging paumanhin niya. Kaso talagang galit ito, patunay lamang ang pamumula ng mukha nito. Ibubuka pa lamang nito ang labi upang sagutin siya kaso inunahan ito ng isa pang dalagita.
"Ikaw naman, kambal. Humingi na nga ng paumanhin ang tao. Look at him, mukhang nagsasabi ng totoo. And besides galing naman siya sa loob ng bahay," anito bago siya hinarap.
"Pagpasensiyahan mo na ang kambal ko, Kuya. Lumabas na naman ang pagka-dragona niya. Ikaw na lang Kuya ang bahalang magpasensiya sa,kaniya. Siya nga pala, Kuya, anong pangalan mo? Saka anong ginagawa mo rito sa bahay?" Binalingan siya nito saka sinunod-sunod ang tanong.
"Ah, kinausap ko si Boss Clarence. Ako pala si Tommy, Tommy Saavedra. Ikaw anong pangalan mo?" balik-tanong niya.
"Ah ganoon ba, Kuya. Ako pala si Mariz Kaye Mondragon at siya naman ang kambal kong si Cassandra Keith Mondragon. Tama, kami ang kambal ng mga Mondragon kaya't pagpasensiyahan mo na ang dragonang iyan," masaya nitong wika sabay lahad ng palad.
Tinanggap ng binata dahil ayaw niyang ma-offend ito pero ang mata'y pasimpleng nakamasid sa babaing nakabanggaan kaso mukhang kakain ito ng buhay sa uri ng pagtitig nito sa kaniya. Walang may gusto sa pagkabangga niya rito, humingi na rin siya ng paumanhin kaso 'di yata't abot hanggang sukdulan ang galit nito sa kaniya.
"Nice to meet you, Mariz, Cassandra. Nais ko man sanang makausap kayo ng matagalan kaso talagang nagmamadali ako. Ipagpaumanhin n'yo na kung iiwan ko na kayong dalawa. I'm going now." Nginitian niya ang dalawa bago tuluyang tumalikod. Nahagip niya sa sulok ng mga mata niya na ngumiti rin si Mariz kaso kulang na lamang ay mamatay siya sa talim ng pagtitig ni Cassandra. In his mind, baka wala sa mode ang dalagita kaya't masungit. Ganoon pa man ay inunawa na lamang niya ang reaksyun nito.
Hindi na rin niya(Tommy) hinintay na makasagot ang dalawa. Kailangan niyang makauwi sa rancho upang ihanda ang gamit niya. Wala namang problema sa mag-asawang katiwala dahil mapagkakatiwalaan naman sila. Simula't sapol ay sila na ang namahala roon kahit pa nandoon siya ay ang mag-asawa ang hinayaang mamahala. Subok na ang loyalty nila sa mga ninuno niya at sa kaniya. And besides they are his family.
"Sayang hindi na ako makapag-papaalam ng maayos kay Yaya. Alam ko namang mauunawaan niya ako kaso baka ilang taon na bago ko siya muling makita. I'll be missing her," bulong niya habang siya nasa daan.
Ang Yaya niyang tumayo bilang ama at ina niya. Simula noong nasa elementary, high school, hanggang sa kolehiyo. Ito ang gumanap sa tungkulin ng mga magulang niya. Ito rin ang nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal, pagkalinga na dapat sana ay sa mismong magulang niya.
"Siguradong magsasaya sila oras na malaman nilang wala na ako sa bansa. Alam kong hindi nila gagalawin si Yaya kaya't sana huwag itong aalis sa kanila. Pagdating ng araw, in God's will. Babalikan ko siya at ililipat sa rancho. But for now, I need to go and prove them that they are wrong on what they have done to me." Napatigil siya sa pagkakaalala sa mga magulang na kailanman ay hindi naipadama sa kaniya ang salitang pagmamahal sa anak.
But after few minutes, he continued. He went home to his own ranch.
Samantalang hindi maipinta ang mukha ng ni Cassandra dahil kung kailan sila nakauwi'y saka pa siya nakabangga ng sinumang poncio pilato. Nakakainit ng balunbalunan eh! Humingi ito ng paumanhin pero talagang nagngingitngit ang kalooban niya rito. Hindi tuloy nalingid sa kaniyang ina ang kumukulong damdamin. Hindi naman kasi siya nakikipag-away kaya't maaring nagtataka ito sa inasal niya.
"Oh, iha, mukhang may kaaway ka? What's on that angry face?" nagtataka nitong tanong.
"May poncio pilato akong nakabanggaan diyan sa labas, Mommy. Galing naman dito pero bakit Boss ang tawag niya kay Daddy? Mukhang nawalan ng paningin, aba'y hindi tinitingnan ang dinaraanan." Napaismid siyang lumapit sa ina saka nagbigay-galing. Kaso inunahan ng kaniyang ama ang ina sa pagsagot sa tanong niya.
"Galing kamo rito sa bahay? Maputing lalaki na medyo alun-alun ang buhok?" tanong nito.
"Yes, Daddy. Narinig ko ang sinabi niya kay kambal Tommy Saavedra raw ang pangalan niya," labas sa ilong niyang sagot. Di yata't kilala rin ito ng Daddy niya.
Sa narinig ay napangiti siya(Clarence). Di yata't hindi maganda ang engkuwentro ng dalawa sa unang pagkakataon. Umaabot sa bunbunan ng dalaga niya ang galit. Samantalang ngingiti-ngiti lang ang kambal nito.
"Kung gano'n nakilala n'yo na pala ang bagong engineer ng MARGARITA. Tama, siya si Tommy Saavedra at isasama ko siya sa barko bukas. But I guess nagsimula kayo in awkward situations." Binalingan niya ang isa sa mga anak niyang babae.
Hindi naman ito palengkera, o pala-away kaya nakapagtatakang hindi maganda ang mode nitong dumating. Samantalang silang mag-asawa ang sumusuway sa kambal sa pagkapilya nila. Kaso hindi pa ito nakasagot ay ang kambal nito ang nagsabi sa nangyari sa labas ng bahay.
"Parang gusto pa nga yatang lamuning buhay ni kambal si Kuya Tommy, Daddy. Humingi na nga siya paumanhin ang tao dahil sa aksidenteng pagkabanggaaan nila kaso mukhang may dalaw siya kaya't naging dragona na naman." Humahagikhik nitong pambubuko.
"Mag-aama nga kayong tatlo. Mga Mondragon kaya't kumagat ang apelyedo ninyo. Hala magsipalit na kayo ng damit." Napapailing na baling ni MaCon sa mga anak.
Mababait naman sila, kaso kapag nagagalit ay kumakagat ang apelyido nilang Mondragon. Lahat ng mga anak nila ay nagmana sa asawa niyang hot tempered. Hindi rin naman basta-basta nagagalit nang walang dahilan. Iyon nga lang ay talagang sasamain ang sinumang mapagbubuntunan ng galit. And besides she's the one who name him dragon dahil sa temper nito.
Hindi na sumagot ang kambal subalit bubulong-bulong pa rin si Cassandra. Halatang masama ang kalooban dahil sa nakabanggaan. Ganoon pa man ay nagsitungo sila sa kani-kanilang kuwarto. Metikulosa pa naman sila pagdating sa pananamit. Ang pambahay ay sa bahay lang, ganoon din ang mga damit sa pag-aaral, sa pamamasyal. Kaya't pagdating pa lang nila ay nagsisibihis na.
"So sad ang kuwento ng batang iyon, Honey. Kung tutuusin ay kahit hindi na siya magtrabaho'y mabubuhay ngunit gusto niyang ipakita sa mga magulang niya na kaya niyang abutin ang pangarap sa sariling sikap," wika ni Clarence ng wala na sa paningin nila ang kambal. Sigurado namang manggugulo lang sila kapag marinig ang mga binitawan niyang kataga.
"You trust him, Hon? I'm not saying na huwag mo siyang pagkatiwalaan kaso mukhang it's too early naman yata upang ibigay mo ang tiwalang iyan sa kanya?" tanong ni MaCon sa asawa.
Hindi naman sa ayaw niyang pagkatiwalaan nila ito kaso, mukhang napalapit agad ang kalooban ng asawa niya sa bagong engineer ng MARGARITA. Bihira pa naman itong magtiwala. Hindi nito basta-basta ipinagkakaloob sa ibang tao ang tiwala. Kahit pa sabihing nakakasalamuha nito araw-araw. Masuwerte nga ang mga nasa barko dahil nakuha nila ang tiwala nito.
"Yes, Honey. I do trust him, kahit ngayon ko lang siya nakilala. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sensiridad niya sa bawat binibitawang salita. And besides ikinuwento niya sa akin ang buhay niya bagay na hindi nagagawa ng bagong magkakilala. Galing siya sa Herrera Company nag-apply kaso ang tatlong kaibigan lang daw niya ang nakapasok dahil limited naman ang slot ng trabaho. Maaring nauna ang mga kaibigan niya kaya hindi siya nakapasok doon dahil kung sa grade naman ang basehan ay qualified siya lalo at nagtapos siyang may parangal. Siya ang nakakuha sa excellence award. And again, agad niyang inamin kung ano ang estado niya sa mga magulang niya," pahayag ni Clarence.
Totoo naman kasi iyon. Because of his curiosity, he asked him about his record but he found out more than he wants to know. He is the son of the business tycoon, Felimon Saavedra and Chief Of Police Saavedra. Yet, he wanted to work in other company instead of bowing his head to his own father.
"Sabagay tama ka, Honey. Pero hindi na bale binigyan mo naman siya ng trabaho. Sana nga lang ay huwag siyang matulad sa iba na umaabuso sa katungkulan." Napatango na lamang si MaCon bilang pagsang-ayon sa asawa.
May doubts man siya lalo at ilang araw lang nila itong nakikilala pero ayaw din naman niyang dismayahin ang asawa. Kailangang suportahan niya ito lalo at paalis na naman. Sasampa na naman itong muli sa MARGARITA. Ang barko kung saan sila unang nagkakilala mahigit dalawang dekada na ang nakalipas.
"Yes, Honey. Dahil alam kong kaya niya ang trabaho bilang marine engineer and his grades prove it all. About trust? Alam kong mapagkakatiwalaan siya, My instinct says I can relay and trust him. My feelings never fails me, kaya't kahit bagong kakilala ko lang siya ay tinaggap ko. The sincerity of one person can never deceive. Well, kung ano man ang rason kung bakit ganoon ang turing sa kaniya ng mga magulang niya ay wala na tayong pakialam doon as long as magagampanan niya ang kaniyang trabaho. Two years from now magtatapos na rin si Brian Niel at maari ko na ring ipasa sa kaniya ang MARGARITA kaya't kunting tiis na lamang din sa kapaparoo't parito." Nakangiti niyang inakbayan ang asawa saka iginaya pabalik sa kabahayan.
Alam at ramdam niya(Clarence) na may doubts ito sa bago niyang engineer. Hindi lang nito magawa-gawang salungatin ang desisyon niya lalo at nangangailangan siya ng karagdagang tauhan sa MARGARITA. Tutulungan niya si Tommy sa abot ng makakaya niya upang makamit nito ang nais abutin. He feels that he can be trusted all the way. At hindi niya pinagsisihan ang pagtanggap niya rito.
"I trust you, Honey. Kaya't wala kang maririnig mula sa akin lalo at kitang-kita ko ang determinasyon mo upang tulungan siya. Let's go up in our room na para maisaayos na natin ang iba mong gamit. I'm pretty sure matatagalan ka na naman bago makauwing muli." Magkaakbay silang pumasok kaya't bahagya itong tumigil saka tumingala sa kaniya.
"Thank you, Honey. Let's trust him, I can foresight that he will love and stay as he will serve MARGARITA for so long," tugon niya rito saka hinagkan sa tungki ng ilong bago sila nagpatuloy sa pag-akyat upang ihanda ang mga gamit at dadalhin sa MARGARITA.
May mga padala pa naman ang pamilya ng ilang tauhan niya kaya't kailangan niyang ihanda ng maayos upang wala siyang makakalimutan. Nakakahiya naman sa mga ito. They did an effort for their love ones and it's shameless to neglect. Kaunting bagay lamang iyon kumpara sa pag-aalaga nila sa engine ng barko.