CHAPTER FIVE

2661 Words
"Tsk! Tsk! Bakit ba hindi mo na lang kalimutan ang nangyaring iyon kanina? Aba'y nakakapanibago naman yata ang ugali mong iyan. Baka naman crush mo siya?" paninita ni Mariz Kaye sa kambal. Lahat silang magkakapatid ay mayroong kuwarto. Kaso dahil parehas silang engineering students ay nasa iisang library silang dalawa. Nakabukod lamang ang study room ng Kuya nilang isa ring engineering student iyon nga lang ah marine engineering ito unlike them. Siya ay theatrical engineering dahil simula't sapol ay pangarap na niyang pamahalaan ang HERRERA THEATER. Ang kambal niyang natuluyang naging dragona sa araw na iyon ay flight engineering. Flight engineers are responsible for operating the systems in older airplanes. Before sophisticated computers, complex systems on airplanes such as the electrical, pneumatic, fuel, and hydraulic systems required specially trained operators. Ang rason ng mga magulang nila ay balang araw ito ang mamahala sa HERRERA AIRLINES. Kahit wala raw sumunod sa yapak ng ina nila bilang airplane pilot dati sa Swedish Airlines ay may mamahala sa AIRLINES na ipinamana ng abuelo nila sa ina nila. "Ano kaya ang ipinakain ng poncio pilatong iyon kay Daddy, kambal? Mukhang baguhan naman siya ngunit pinagkatiwalaan agad niya. We know our father, twin sister. Hindi siya nagtitiwala ng basta-basta kaso mukhang giniba na ng taong iyon ang paniniwala ni Daddy," anito imbes na sagutin ang tanong niya. "Kambal, alam kong nagalit ka sa pagkabangga niya sa iyo accidentally. Nandoon ako kasama mo kanina kaya't nasaksihan ko ang kaganapan. Okay, magalit ka sa kaniya hanggat gusto mo kasi karapatan mo iyan. Subalit makatarungan ba namang tawagin mo siya ng poncio pilato? Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa pero bilang kambal mo na wala ng higit na nakakakilala sa iyo, pinagsasabihan kita dahil ayaw kong magtanim ka ng galit sa kaniya. Tauhan iyon ni Daddy, ibig sabihin kapamilya natin siya dahil sa MARGARITA. So forget about those matter an focus your mind to your reviewers." Naupo siya(Mariz) paharap sa kambal. Pinayuhan lang naman niya ito dahil ayaw niyang magaya ito sa ibang tao na mapagtanim ng galit. Magkaiba naman kasi sila sa lahat ng bagay. Kung may pagkakapareho silang dalawa ay ang pagiging palabiro. Mahaba ang pasensiya niya samantalang dragona ang kambal niya. Mainitin ang ulo nito, pero kagaya niyang malambing. Kahit mainitin ang ulo ay may pusong mamon. Mapagmahal itong tao. "Tsk! Tsk! Mukhang sa akin ka na naman nagpapraktis sa isasagawa n'yo sa theater bukas eh. Maari bang hayaan mo muna akong tawagin siyang poncio pilato habang nandito pa sila sa Manila? Sabi mo nga ay magiging kapamilya na natin siya pagsampa niya sa barko." Nakangisi niyang pinitik ang ilong ng kambal niya (Cassandra). Actually, aminado naman siyang masyado niyang dinibdib ang pagkakabangga ng bagong engineer sa MARGARITA. Nagninilay-nilay siya kaso mukhang nag-practice na naman sa kaniya ang kambal niya. Tagos hanggang kalamnan na naman niya ang mga payo nito. But at the end, she understand it well. Ayaw nitong may kaaway sila sa mga tauhan ng ama sa barko. "Kambal naman eh, sa ganda ng speeches ko aba'y pitik lang ang napala? Hmmm, diyan ka na lang at ako'y pupunta sa kusina. Narinig ko kanina ang sinabi ni Manang. Yummylicious ang ulam, bibilinan ko siyang huwag kang bibigyan---" Alam niyang nagbibiro lang ito. Kailanman ay hindi naging gamahan ang kambal nila. Kaya't bago pa nito maisipang tutuhanin ang pananakot nito ay agad niyang pinutol ang pananalita nito. Mabilis siyang tumayo saka pinutol ang pananalita nito. "Oo na, kambal. Erase na ang poncio pilato. Aba'y mahirap ang matulog na kumukulo ang tiyan. Ikaw din baka mabibingi ka sa pag-aalburuto ng tiyan ko mamaya. Baka pa nga aabot sa kuwarto mo ang tunog kapag ako ang magutom." Tinakpan niya ang labi nito sa pamamagitan ng palad niya. Ikinawit pa ang isang braso sa siko nito saka inakay palabas ng library nila. Kaso ang scenaryong iyon sa pagitan nila ay hindi na bago. Kahit nasa gitna sila ng seryosong usapan, pag-aaral sa mga leksyun nila kapag maisipan nilang magharutan ay basta na lamang sila magtatakbuhan hanggang sa mauuwi sa harutan. Kagaya ng hapong iyon. Ilang oras ang nakalipas mula ng nakabanggaan niya ang bagong engineer ng Daddy nila. Ayun sila, para na naman silang mga batang naghahabulan. "Hey, you two! Will you stop that foolishness of yours! Hindi na kayo nakakatuwa ah. Aba'y wala ba kayong exam bukas?" tinig ng Kuya Brian Niel nila. Nasa third year of his marine engineering course. Kaya naman ay para silang mga kriminal na nahuli sa akto. Bigla silang nanahimik, nagkatinginan. And without a word, patakbo silang bumalik sa kinatatayuan ng Kuya nila. Pinagitnaan nila ito, umangkla sa magkabilang braso. "Huwag ka ng magalit, Kuya. Masyado kasing seryoso itong si Mariz kaya't---" "Heh! Ikaw kaya itong---" "Anong ako---" Walang gustong magpatalo kaya't muling nagsalita ang Kuya nila. Well, iyon naman talaga ang nais nilang dalawa. Ang isali ito sa kalokohan nila upang makaiwas sa mas matindi nitong sermon! "Kapag ako ang mapuno sa inyong dalawa ay malilintikan talaga kayo sa akin. Kung gusto ninyong magharutan ay itaon n'yo iyan kapag walang exam. Aba'y paano kayo magiging engineers kung palaro-laro kayong dalawa instead of reviewing your lessons? Tsk! Tsk!" anito. Kaso ang dalawang sutil ay hindi nilubayan ang Kuya nila. Alam naman nilang hindi ito galit. Actually madalas pa nila itong kasama sa kalokohan nila. Imbes na matakot sila sa pagtaas ng boses nito ay hinila pa nila ito ng walang pag-aalinlangan patungo sa kusina. Kulang na lamang ay mahulog silang tatlo sa hagdan. Kaya naman ay napailing na lamang ang mga magulang nilang napatakbo upang alamin kung ano ang nangyayari. Sa kabilang banda, sa sekretong rancho na pag-aari ni Tommy. Abala siya sa pag-iimpake ng lumapit sa kaniya ang mag-asawang Andong at Tina. Sila ang mga trusted people na namamahala sa rancho. "Talaga bang hindi ka magpapaalam sa mga magulang mo na aalis ka ng bansa, Iho?" tanong ni Mang Andong sa kaniya. "Hindi na kailangan, Tata. Bakit pa ako magpapaalam sa kanila samantalang sila ang nagtulak sa akin upang gawin ito? Sigurado akong magsasaway sila sa tuwa oras na malaman nilang wala ako. Baka iisipin pa nga nilang namatay na ako sa gutom, o di naman kaya ay baka sumama na sa mga organisasyun ng mga sindikato upang may ikabuhay ako. So, bakit pa ako muling magpapakita sa kanila? Para muling marinig ang disappointment nila sa blackship of the family na tulad ko? Ilang buwan na simula nagtapos ako ng kolehiyo, nakapasa na rin sa board examination, sa awa ng Diyos ay nakakuha na ng trabaho kahit ilang beses nila akong pina-blocked listed sa mga kumpanyang maaring pasukan. Sa lagay na iyan, Tata, kailangan ko pa bang ipaalam sa kanila kung saan ako pupunta?" paliwanag niya. Hindi lang sila katiwala para sa kaniya. Sila ang tunay niyang pamilya. Hindi siya pinapabayaan sa hirap man o ginhawa. Ang mga taong tulad nila ang maaring sandalan sa oras ng pangangailangan. Maaring pinapasahod niya sila, ibinibigay ng sobra-sobra ang pangangailangan nila pero lahat ng iyon ay pagtanaw niya ng utang na loob. Sila ang kaagapay ng Yaya niya sa pag-aalaga sa kaniya kahit pa sabihing ito ay lingid sa mga magulang niya. "Nauunawaan kita, anak. Kahit sa Yaya mo man lang sana. Ang Yaya ninyong magkakapatid, sigurado akong nag-aalala na iyon sa iyo. Alam mo namang sa iyo napalapit ng husto. Sigurado akong wala siyang kaalam-alam kung nasaan ka, dahil kung alam niyang nandito ka sumugod na iyon dito kahit noong bagong dating ka pa lamang. Ilang buwan na ang nakalipas simula noong umalis ka sa mansion ninyo, ganoon na rin katagal na hindi ka niya nakita, anak," wika ni Aling Tina. Sa narinig ay napabuntunghininga siya. Dahil totoo naman kasing sa kanilang magkakapatid ay siya ang paborito ng Yaya nila. Sa kaniya ito napalapit ng husto, marahil dahil siya ang malayo ang loob sa mga magulang nila kaya't ito na ang pumuno sa pagkukulang nila sa kanya. Hindi naman sa malayo ang loob niya sa kanila, sadya lamang na ayaw nila sa kaniya. Para siyang namamalimos ng atensiyun nila. Walang anak ang ayaw makapiling ang magulang kaso naiiba ang parents niya dahil sila mismo ang nagpalayo sa kaniya. Simula nang iniwan niya ang marangyang bahay nila sa siyudad ay wala na rin siyang balita dito kahit paminsan-minsan ay nakatanaw siya sa kanilang bahay ng palihim. Hindi niya ito natitiyempuhan kaya't ilang buwan na rin niya itong hindi nakikita. "Gustuhin ko man po na makausap si Yaya ngunit wala na po akong oras, Nana, Tata. Dahil bukas din ay kailangan ko ring babalik sa siyudad dahil sasampa na kami ng Boss ko sa barko. Opo, sa international cruise ship po ako magtatrabaho. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito. Kagaya po ng dati ay kayo na muna ang bahala rito habang wala ako. Alam ko naman po na kahit hindi ko sabihin ay gagawin ninyo kaya't muli ko pong ipagkakatiwala sa inyo ang lahat. Hindi ko po alam kung kailan ulit ako makakauwi rito kaya't mag-ingat po kayo lagi, Nana, Tata. Tandaan n'yo lagi in case of emergency ay lumuwas kayo ng Maynila hanapin ninyo ang mag-asawang Maria Concepcion Herrera at Clarence Keith Mondragon dahil sa kanila ako magtatrabaho pero sa international cruise ship nila," mahaba-haba niyang paliwanag. He really wants to see his Yaya dahil miss na rin niya ito pero wala ng oras. Kailangan pa niyang tapusin ang pag-iimpake niya para makaluwas siya ng maaga. Bukas ng hapon pa naman ang alis nila, almost a day ahead pa ngunit sa daloy ng trapiko sa bansa ay hindi niya maaring ipagsawalang-bahala ang lahat. Ayaw din naman niyang sirain ang tiwalang ipibagkaloob ng amo niya sa kaniya. He need to prove that he is worthy enough for that trust as well as the job that he entrusted to him. "Huwag mo kaming alalahanin dito, anak. Ikaw ang inaalala namin dahil sa ibayong dagat ka magtatrabaho samantalang maari kang mabuhay ng malaya rito. Huwag kang mag-alala, anak, dahil gagawin namin ang lahat para mapangalagaan ang buong rancho hanggang sa abot ng aming makakaya. At sana pagbalik mo'y mas mapaganda pa namin ang buong paligid. Kunin mo ito, anak, kahit sa simpleng rosaryo ay maiparamdam namin sa iyo ang aming hangaring sana ay lagi kang gabayan ng DIYOS." Ipinahawak ni Aling Tina ang rosaryo na binili nilang mag-asawa sa tapat ng simbahan. Ipina-bless pa nila iyon sa pari dahil talagang ibibigay nila sa butihin nilang young master. Kailan man ay hindi nila naramdamang alila sila sa binata. More than a family kung ituring sila kaya't mas pinagbubutihan nila ang serbisyo nila. Sa panahon ngayon ay mahirap na ang magtiwala ng basta-basta. Wala na silang hahanapin pa sa bata nilang amo. Hindi nalalayo ang edad nito sa anak nilang si Tan-Tan pero ito rin ang nagpapa-aral dito. "Rosaryo po ito 'di ba, Nana?" alam naman niyang rosaryo ang ipinahawak ng matanda sa kaniya ngunit nais niyang siguraduhin. Sa pag-aalala, pag-aasikaso nila sa kaniya ay mas sumiphayo sa isipan niya ang butihin niyang Yaya. Sigurado siyang ganoon din ang gagawin nito kapag ito ang nasa harapan niya. Muli, naisip niya tuloy na mas mabuti pa ang mga taong hindi niya kaano-ano, hindi niya kadugo dahil may pagmamalasakit sa kaniya samantalang ang mga mismong kapamilya niya ay sila pa ang nagbibigay ng pasakit sa kalooban niya. "Oo, anak. Alalahanin mo na ang dasal sa Diyos ang pinakamalakas nating sandata sa ating buhay. Sana'y makatulong iyan sa paglalayag ninyo sa barko. God will bless you, anak. Huwag kang lumimot sa Maykapal dahil SIYA ang tangi nating pag-asa," tugon nito. Without hesitation he wore it. Mananatili ang Holy Rosary sa leeg niya hanggat siya ay nasa laot. Alam niyang ito ang magliligtas sa kaniya anumang oras. Sa pamamagitan ng rosaryo ay mananatili siyang malapit sa DIYOS. "Thank you so much, Nana. Ipagpaumanhin n'yo na sana kung hihilingin ko sa inyo na iwanan n'yo muna ako. Kailangan ko po kasing tapusin ang pag-iimpake ko. Siya nga po pala, pakisabi po kay Tan-Tan, huwag siyang mag-alinlangan na magsabi kung may kailangan siya. Kumpleto ang gamit ko rito lalo at engineering student din siya kaya't magagamit niya ang lahat ng nandito including computer and printer para hindi na siya magpapagabi sa labas," aniya. "Ang bait-bait mo, Iho. Wala kang ipinagkaiba kina Senyor at Senyora noong nabubuhay pa sila. Kailanan ay hindi kami itinuring na trabahador ng rancho bagkus ay kapamilya kami kung itinuring. Pagpalain ka sana ng Maykapal, anak. Ipagdadasal ko araw-araw na sana ay makamit mo ang pangarap mo sa buhay." Nakangiti man pero banaag sa boses ni Mang Andong ang kalungkutan dahil aalis ang butihin nilang young master. "Salamat po, Tata," tugon niya saka dahan-dahang isinara ang pinto ng silid niya. Gustuhin man niyang makipag-usap sa kanila ng mas matagal ngunit talagang nagagahol siya sa oras. Samantalang hinintay muna ng mag-asawa na nawala ang binata sa paningin nila saka sila naglakad pabalik sa bahay nila sa tabi ng main house sa loob ng rancho kung saan nakatira amo nila. Ipinatayo ng mga abuelo nito ang bahay nila sa loob din ng rancho, house and lot na nga ito. Regalo raw nila sa kanilang mag-asawa. Ang binata nama'y taunang ipinapaayos ang main house including their own house kaya't parang laging bago. Ilang sandali pa ay muling nagwika ang Ginang. "Mula noon, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan kung bakit ganoon ang mga magulang niya sa kaniya samantalang napakabait naman niyang bata." Napailing ito sa muling pagkakaalala sa pagtrato ng mga Saavedra sa binata. "Hayaan mo na, asawa ko. Ipanalangin na lang natin na sana'y pagpalain at gabayan siya ng Diyos sa landas na kaniyang tatahakin. Malaki ang respeto at tiwala ko kay Tommy kaya't tanging dasal ang maitutulong natin sa kaniya," tugon ng Ginoo. "Sabagay tama ka, asawa ko. Kaya halika na rin sa ating silid upang makapahinga na rin tayo. Bukas na lang natin ipapaabot kay Tan-Tan ang bilin ni Tommy," muli ay sabi ng Ginang saka naunang lumakad patungo sa kanilang kuwarto o bahay sa mismong tabi ng bahay na kinaroroonan ng binata. Few hours later... "There you are. Sa wakas ay natapos ko rin ang pag-iimpake. Panahon na rin upang ipakita ko sa kanila na hindi lahat ng bagay ay nahaharang nila. I'll never back down nor surrender to them. Magulang ko sila pero kailanman ay hindi sila naging magulang sa akin kaya't hindi nila ako masisisi sa landas na tinahak ko. At sana huwag dumating ang sandaling hanapin nila ako dahil hindi ko alam kung mapagbigyan ko sila sa kanilang kahilingan." Isinara na niya ang katamtamang maleta na pinaglagyan niya mga gamit saka niya inilagay ang padlock. Isinunod naman niyang hnarap ang bag pack niya upang tingnan muli ang personal things at travel documents niya kung naroon na ba ang lahat. "Kaya pala may kung anong humila sa akin upang magpagawa ng passport dahil international pala ang naghihintay sa akin na trabaho. Thank you, God, for everything," bulong niya saka dinampot ang newly released passport na nakalapag sa tabi ng bag niya. "Sana magpakabait din ang mga kaibigan ko sa HERRERA COMPANY upang magtagal sila sa kanilang trabaho. Hindi ko na rin sila nakausap ngunit hindi na bale dahil maari naman siguro akong makibalita kay Boss Clarence tungkol sa kanila." Isinara na rin niya ang kaniyang bag pack ng masiguradong kumpleto na ang lahat. Ipinatong niya sa lamesa dahil ayaw niyang mahulog ito. He is in the modern world but he still believe in superstitious beliefs. Wala naman kasing mawawala kung paniniwalaan ang mga ito. Nang masigurado niyang okay na ang lahat ay nahiga na rin siya upang makapagpahinga. Maaga pa ang biyahe niya kinaumagahan subalit natagalan din bago siya hinila ng antok. At sa nag-aagaw niyang diwa ay nagpakita ang maamong mukha ng babaing nakabanggaan. Maamo ito kaso madaling magalit, iyon ang napansin niya sa maikling panahon na nandoon siya sa tahanan ng mga Mondragon. Sa pagkakaalala sa babaing anak ng Boss niya ay napangiti siya bago tuluyang hinila ng karimlan ang kaniyang diwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD